Chapter 33

1861 Words

WENDY'S POV "Fenriz?" Pagtawag ko sa pangalan niya. Nahinto siya sa ginagawa at saka tumayo mula sa kinauupuang damo para harapin ako. "Hmm?" Ngunot noo niyang daing. Sa kamay niya ay naroon ang maliit na kuting na kumakalmot sa itim niyang damit. Nilalaro-laro niya ang kuting gamit ang mga daliri. Nakagat ko ang ibabang labi. Pagkatapos ng klase ay humanap talaga ako ng pagkakataon na makausap siya. Saktong nagtungo siya sa likuran ng building para lamang laruin ang maliit na pusa. Kaya naman, ito na ang pagkakataon kong makausap si Fenriz! "Pwede ba tayong mag-usap?" aktong kinakabahan kong tanong. Napatango siya. "Ano'ng sasabihin mo, Wendy?" Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, lalo pa nang banggitin niya ang pangalan ko. Ang una kong gagawin ay aamin sa nararamd

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD