FENRIZ'S POV
Nagising ako kinabukasan na normal pa rin ang lahat. Salungat sa inaasahan kong mangyayari ay para ngang wala lang ang naging usap-usapan kahapon. Sinuot ko ang ready made na uniform na bigay sa akin ni Miss Hermosa at ang identifiction card na pangalan ko lang ang nakalagay na nakasabit ngayon sa dibdib ng aking uniform.
Nakapunta na rin ako sa classroom nang payapa. Mas nakahinga pa nga ako ng maluwag dahil wala roon ang babaeng katabi ko. Samantalang si Freon naman ay malayo ang row sa akin kaya hindi ko siya nakakausap buong oras ng klase. Excited ako sa mga nalaman ko sa klase tungkol sa iba't-ibang uri ng mga armas na madalas na ginagamit ng mga sikat na kriminal sa buong mundo. Sa palagay ko ay ituturo sa amin ang mga paggamit no'n sa susunod.
"Sir!" Nagtaas ako ng kamay sa kalagitnaan ng klase. Napatingin sa akin ang gurong lalaki, maging ang mga kakalse ko. "May I go to the bathroom?"
Nakita ko ang pagkangiwi ng mukha ng lahat bago mag-iwas ng paningin. Tsk! Mga chismoso't chismosa. Naiihi lang ako, kailangan bang ibaling sa akin ang atensyon niyo?
"Sige." Tipid na tugon ng guro at muling bumalik sa topic.
Isa lang ang pintuan ng classroom kaya naman kailangan ko pang dumaan sa harapan para lang makalabas. Doon ko lang napagtanto na hindi ko alam kung saan ang banyo ng mga panlalaki. Kaya naman kinailangan ko pang libutin ang lugar. Dahil galing ako sa second floor ay tumaas muna ako papunta sa third, fourth, at maging fifth floor. Hanggang sa wakas ay mahanap ko iyon sa pinakadulo ng first floor. Bakit iisa lang ang banyo ng mga lalaki? Bakit wala man lang sa ibang floor? Napaka-hirap naman ng school na 'to!
Nang sa wakas ay mailabas ko na ang dapat mailabas ay naghugas kaagad ako ng kamay. Subalit sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay merong tunog ng kampana ang biglaang umingay sa buong campus. Napatingin ako sa labas ng banyo. Napakalakas ng tunog ng kampana at sunod-sunod iyong kinakalampag!
Subalit hindi lang iyon ang sumunod na umingay. Kundi na rin mga nakakabinging sigawan! Bumilis ang paagtibok ng puso ko sa sobrang kaba dahil sa tunog ng mga nagwawalang tao. Dahil nasa first floor ako ay dinig na dinig ko ang mga kalabugan sa mga itaas na palapag. Ang mga upuan ay parang hinahagis at nagkakasira-sira!
Tuluyan akong lumabas ng banyo subalit napahinto nang makita ang pagtakbuhan ng mga estudyante palabas ng building! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mahagip ang isang babaeng estudyente na kinakadkad ng lalaki! Sinipa nito ang mukha ng babae nang paulit-ulit hanggang sa lumabas na ang dugo sa mukha nito!
"AAAAHHH!!!"
Para akong tinakasan ng kaluluwa sa nasaksihan. Ang mga binti ko ay nanlambot at hindi nakakilos. Nang ikurap ko ang mga nanlalaki kong mga mata ay may isa namang estudyanteng lalaki ang nahulog sa first floor mula sa itaas! Subalit buhay ito at iika-ika na tumakbo! Naiwang nakanganga ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari!!
Nanlalamig ang buo kong katawan! Lalo pa nang muling masaksihan ang isang babae na may hawak ng mahabang espada. Itinataas niya iyon sa ere at ibinababa sa mga katawan ng sinuman na para bang naglalaro lang! Kung sino ang matamaan niya ay bumabagsak sa semento na binabalutan ng mga pulang likido. Saka niya kinukuha ang mga identification card na nakasbit sa mga dibdib nito!
Marami ng estudyante ang nagsipagtakbuhan sa kalagitnaan ng campus. Saka ko lang napagtanto na may mga armas ang nakakalat doon sa sahig na pinagkukuha ng mga estudyante para makipag-p*****n sa kapawa estudyante nang walang dahilan!
Tuluyan akong bumagsak sa sahig. Nanlabo ang mga mata ko sa pangingilid ng mga luha! Sunod-sunod na umecho sa isipan ko ang mga sinabi nila kahapon.
Tungkol sa katapusan. Sa p*****n. Sa pagpapahiwatig na mamamatay ako ngayon.
Para bang ngayon lang ako naliwanagan sa kabila ng nangyayari. Ngayon pa na nasa bingit ako ng kamatayan!
"AAHH!!!" Napasigaw ako at napaatras sa kinauupuan nang humarap sa akin ang babaeng may hawak na espada.
"Haaa!" Nagpakawala ito ng malalim na hininga na animo'y kagagaling lang sa labis na paghihingal. "AAARGH!!!"
Nang malukot ang mukha niya sa paraan ng pag-atake ay para bang nagkaroon ng sariling utak ang mga binti ko para tumayo. Nanlalaki ang mga mata akong tumalikod at tumakbo paatungo sa likod ng building kung saan ang malapit na lagusan. Gubat ang nakapalibot doon subalit hindi ako makapag-isip ng maayos! Kung saan lang ako dalhin ng napakatulin kong takbo ay doon ako napupunta!
Rinig na rinig ko ang napakabilis na pagtibok ng puso ko. Ramdam ko ang kakaibang takot sa dibdib ko! Ang mga mata ko ay walang ibang nakikita dahil sa bilis ng pagtakbo ko. Ang mga dahon ng puno ay dumadaplis sa mukha at braso ko. Nanginginig ang mga labi ko at ilan pnng segundo ay malakas na akong napahikbi sa takot!!
"AAAHHH!!!" Nag-unahan ang pagbuhos ng mga luha ko at malabo man ang paningin ay wala akong tigil sa pagtakbo.
Naririnig ko parin ang bakas ng paghabol sa akin ng babae. Sa sandaling ito ay hindi na siya nag-iisa!!
"PALIBUTAN NIYO!!" Boses ng isang lalaki ang malakas na sumigaw.
"AKO ANG PAPATAY!! SA'KIN 'YAN!!!" Tumitili sa pagawawala ang babae!
Nandilim ang paningin ko sa mga narinig at mas nabalot ako ng takot. Nang bibilisan ko pa ang takbo ay isang nakaumbok na ugat ng puno ang siyang pumatid sa akin! Nauna ang mukha ko sa pagsubsob sa lupa! Kaagad kong naramdaman ang pananakit sa ilong ko. Subalit hindi ko iyon magawang indain lalo pa nang maramdaman ang mga tao sa likuran ko.
Kaagad akong napaupo at naghahabol na hiningang tumingala sa kanila. "'W-Wag... please!... Please don't kill me!!"
Nangungusap ang mga mata akong humikbi sa kaniya sa isiping madadaan ko siya sa gano'n, "W-Wala akong alam! Wala akong ginagawa! P-Please!! Don't kill me, please!!"
Bruha na ang mukha ng babae! Kitang-kita na wala ito sa katinuan. Nasa kaniyang likuran tatlong lalaki na humahabol din sa akin!
"AAH! Hahahaha! Bakit ang duduwag talaga ng mga junior students?!" Itinaas niya ang espada na kinalaki pa ng mga lumuluha kong mga mata. "Hindi bale. Hindi mo na kailangang matakot pagtapos nito!"
"W-Waaag!!" Malakas akong napasigaw kasabay ng pagpikit ko ng mga mata.
Hinintay ko ang sakit na maaaring bumalatay sa katawan ko. Ang sakit sa maaaring paghiwalay ng ulo ko sa katawan ko. Hanggang ilang segundo ang lumipas na nanginginig parin ang buo kong katawan subalit wala parin akong nararamdaman na kahit ano.
H-Hindi kaya... patay na 'ko? Hindi ko naramdaman ang sakit?
Sa isiping iyon ay wala parin akong lakas na loob na imulat ang mga mata ko. Kung maaari ay hindi na ako gagalaw hanggang sa mawala ang mga boses ng mga sigawan sa kalayuan!
"Tumayo ka diyan." Napaintag ako sa pamilyar na boses. Malumanay at malamig na tinig ang muli pang nagsalita. "Mukha kang tanga. Tumayo ka na, Fenriz."
Parang naging masunurin ang mga mata ko na kusang nagmulat nang dahan-dahan. Una kong nakita ay ang espada na nakatutok sa isang babae na ngayon ay nakahimlay sa lupa. Nababalot iyon ng dugo kasama ang tatlo pang lalaki na wala na ring buhay.
Nang unti-unti akong mag-angat ng paningin ay nakita ko ang itim na palda at puting polo na uniform ng pambabae. Nagtama ang paningin naming dalawa na kinagulat ko pa.
"M-Mei?"
Nanginig ang mga labi ko sa pangalawang pagkakataon. Magkakasunod na tumulo ang mga luha ko.
Did she save me? Or is she the one who's gonna kill me?
"Umakyat ka sa puno." Kalmado niyang utos at tinuro ang malaking puno ng Narra kung saan ako napatid.
Niyakap ko ang sarili ko at nangungusap na nakatingala parin sa kaniya. "H-Hindi ako... marunong umakyat ng puno."
Ang kalmado niyang emosyon ay naging blangko. Sandali siyang pumikit at nagmulat para tumuro sa likuran ko. "May malaking bato roon. Magtago ka kung ayaw mong mamatay."
Nang tatalikod na siya ay natataranta kong inabot ang dulo ng palda niya. Nahinto siya at may pagtataka sa ginawa ko. Hindi ko iyon inintidi. "S-Saan ka pupunta? Anong nangyayari? Bakit sila nagpapatayan? Paano ako?" Bago siya makatugon ay muli akong nagsalita. "G-Gusto ko nang lumabas! T-Tulungan mo 'ko makalabas, Mei! Please! I promise I'll give you everything. My dad is a rich man, he can--"
"Hindi ko alam kung paano nakapasok ang isang tulad mo rito, Fenriz. Pero dapat mong malaman na hindi ka na makakalabas." Seryosong-seryoso niyang putol sa akin. Para akong tinakasan ng hininga sa narinig. "Kaya magtago ka na. Sa oras na marinig mo ulit ang pagtunog ng kampana, doon ka lang lumabas. Dahil hudyat 'yon na tapos na ang katapusan."
Nang muli siyang aalis ay muli kong hinatak ang palda niya. "S-Saan ka ba pupunta? Paano kung may makahanap sa'kin? M-Mamamatay na ako, Mei!"
"Hindi mo ba naisip na baka patayin din kita?" Malamig niyang tanong na kinanginig ko pa.
"M-Mei..." Ginawa ko ang lahat para maawa siya sa itsura ko at hindi ako patayin.
"Fenriz, magtago ka na. Sisiguraduhin kong walang makakahanap sa'yo kundi ako."
Natikom ko ang bibig ko at kusang nabitawan ang palda niya. Lumingon ako sa aking likuran at natanaw nga roon ang malaking bato. Nang tumayo ako ay ramdam ko ang panlalambot ng mga binti ko. Nang marating ang kinalalagyan ay tinanaw ko ang likod ni Mei na naglalakad papalayo. Nanghihina akong nagtago at napatulala sa kawalan.