MEI'S POV
"Hindi ikaw si Mei Yezidi." Nanginginig man ay deretso iyong sinabi sa akin ni Terra---isa sa pinakamalapit kay Mal.
"Hindi ikaw si Terra." Paggagaya kong tugon. Pinandilatan ko siya ng mga mata at agaran ding napatawa. "Hindi ba't kakatwa ang mga salitaang iyon?"
Nangangatog ang dalawa niyang mga kamay habang hawak-hawak ang kampilan, ni-hindi niya ako magawang tingnan sa mga mata. Hindi nakatakas sa paningin ko ang panlalambot ng mga tuhod niya dahil lang sa pagkakasalubong namin sa hall way.
"M-Matagal nang patay si Mei... Matagal na siyang patay. Matagal ka nang patay!" Hindi makalma niyang pagsigaw. Agresibo ang bawat paghinga niya. "P-Papaano ka nabuhay?!"
Unti-unting tumaas ang dulo ng aking labi hanggang sa umabot iyon sa aking tainga, kasabay ng pagtagilid ng aking ulo habang tinititigan siya.Kakatawa ang pagiging magulo ng isipan niya! "Kakakilabot ang mga tanungan na ganyan, Terra."
"Hindi ito isang laro! Hindi ako nakikipaglaro sa'yo, Mei Yezidi!" Naguguluhan, nababaliw niyang hinampas sa ere ang kampilan. "H-Hindi... Hindi ikaw si Mei! Nagpapanggap ka lang!"
Naaaliw ko siyang pinagmamasdan. "Ano ba talaga, Terra? Pati ako naguguluhan sa'yo tungkol sa kung sino ako."
Napatulala siya sa akin. Pilit niyang nilalabanan ang pagkurap ng kaniyang mga mata. Tila ba'y kinakabisado niya ang bawat parte ng aking mukha.
Nakaloloko akong ngumisi na ginantihan din ang pagkabisado sa mukha niya. Wala siyang pinagbago. Dumami pa ang mga kalmot sa mukha niya. Subalit ang malaking markha ng sugat sa kaliwa niyang mata patulay sa kaniyang tainga ang nakakaagaw pansin.
Hindi ko maiwasang mapatawa. "Mas lalo kang pumangit, Terra."
"M-Mei." Magkakasunod siyang umatras at napahawak sa kaniyang mukha gamit ang isang kamay. "P-Pero hindi maaari... patay ka na. Alam mong patay ka na!!"
"Isa pang ulit." Nawala ang ngisi ko. "Ikaw ang papatayin ko." Bigla akong natauhan. "Ah! Teka... bakit pa kita babantaan kung puwede ko namang gawin na lang?" Bumalik muli ang ngisi sa labi ko at tinaas sa ere ang kampilan na aking hawak gamit ang kaliwa kong kamay.
Nanalaki ang mga mata niya. Subalit imbes na lumaban ay mabilis siyang tumalikod para humarurot ng takbo. Kaagad napalitan ng talim ang paningin ko at walang patawad siyang hinabol!
"Aaaah!!!" Kung saan-saan siya tumakbo. Paakyat nang paakyat sa hagdanan ng mga palapag hanggang sa makarating kami sa rooftop. "MEI! f**k!! Stop!!" Ilang beses siyang lumingon sa akin at tuwing nakikita akong maabutan na siya ay ilang beses siyang napapatili.
Wala na siyang ibang nagagawa kundi ang mapaatras. Wala na siyang aalisan pa sa loob ng rooftop. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mariin niyang paglunok ng sariling laway. Hindi na nawala ang ngisi sa labi ko at nagsimulang humakbang nang mabagal deretso sa kaniya. Ramdam ko ang pangingilabot niya dahil sa labis na panginginig ng kaniyang kampilan.
"SA TINGIN MO AATRASAN KITA?!!" Tili niyang pagtatanong. Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa armas na hawak. Nilabanan niya ng husto ang mga titig ko na para bang pinapakita niyang hindi siya natatakot sa akin!
Naitabingi ko ang aking ulo at nagtataka siyang tiningnan. "Hindi ba't ginagawa mo na nga? Kanina ka pa umaatras diyan."
Natigilan siya. Pinanood ko siyang itaas ang kaniyang kampilan at itinutok sa akin mula sa malayo. Ginaya ko ang ginawa niya at tinutok din ang kampilan ko sa kaniya. Sandali niya pa iyong pinasadahan ng tingin. Nakita ko naman ang mga dugong tumutulo mula roon dahil sa mga estudyanteng pinatay ko kanina.
Bigla ay sumilay sa alaala ko ang itsura ng lalaki kanina sa hindi inaasahan.
Fenriz...
Nagtatago pa kaya ang isang 'yon? Hindi naman siguro siya...
"AAAAHHH!!"
Bumalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Terra habang tumatakbo papalapit sa akin. Nakaatas ang kampilan niya na handa na siyang ihampas sa akin. Subalit mabilis ko iyong nasalag!
Nangibabaw ang tunog ng dalawang espada na nagkikiskisan ang siyang nangingibabaw sa loob ng rooftop.
Hindi basta-basta ang lakas ni Terra. Isip ang ginagamit niya sa pakikipaaglaban, hindi ang katawan. Dahil kahit makailang beses ko nang nadadaplisan ng hiwa ang baywang niya ay para lang iyong wala sa kaniya.
Tumalim ang mga mata ko at nakahanap ng tiyempo masugatan ang kanan niyang kamay na siyang may hawak sa kampilan. Tumalsik ang makapal na pulang likido mula roon kasabay ng pagbitaw niya sa armas.
Nanigas siya sa kinatatayuan nang makita ang kampilan ko na nakatutok sa leeg niya. Napakalapit niyon na kahit hindi pa nga bumabaon ay nasusugatan na ang leeg niya dahil sa sobrang talim. Seryoso ko siyang hinarap. At bago pa siya makakilos ay ikinampay ko ang kampilan patungo sa binti niya at mabilis iyong hiniwa! Kaagad siyang napaluhod sa semento at malakas na napasigaw!
"AAHH!!!" hinawakan niya ang kaniyang binti na nilalabasan ng mga pulang likido. Kaagad na namasa ang mga mata niya.
"M-Mei..." Tinangala niya ako nang maramdaman muli ang paglapit ko. Lumuhod ako sa kaniyang harapan para magpantay ang paningin naming dalawa. Ganoon na lang kaputla ang mukha niya. Napasigaw siyang muli sa sakit nang hawakan ko ang binti niya at pisilin iyon. "AAAH!! MEI!! T-Tama na... Pakiusap... Tama na!!! A-Aaahh!!" bumuhos na ang kaniyang luha. Nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa ginagawa ko!!!
Hindi ko maiwasang mapatawa sa reaksyon niya. "Ngayon naiintindihan ko na ang pakiramdam kung bakit ayaw mo tumigil noon nung ako ang nakikiusap." Ngising ko pa. "Ang sarap nga sa pakiramdam, Terra."
Patuloy ang pagtagas ng luha niya kasama ng kaniyang dugo. Pinili niyang gumanti ng ngisi sa kabila no'n. "S-Sinungaling... hindi ikaw si Mei! H-Hindi ikaw... A-Aaahh... patay na siya!!"
Naiiyak siyang gumapang papalayo sa sa akin. Hinayaan ko siyang makalayo. Muli niya sanang dadamputin ang kaniyang kampilan na kanina'y tumilapon sa semento nang sipain ko iyon at tumalsik sa kalayuan. Sandali siyang nanginig at kaagad ding nakabawi. Nang makakuha ng lakas ay pinilit niyang ibangon ang sarili. Kahanga-hanga na kahit iika-ika siya ay talagang nagawa niya pang makatayo.
Bakas sa mukha niya ang labis na pag-inda ng sakit. Pinagkuyom niya ang dalawang kamao sa at tinapat iyon sa kaniyang dibdib sa porma na nagyayaya ng suntukan. Natuyo kaagad ang mga luha sa pisngi niya at may matalim na mga matang tumitig sa akin.
"Lalabanan kita! Hindi ako matutumba ng isang 'tulad mo!" Ganoon na lang kagaspang ang boses niya.
Tumaas ang sulok ng aking labi, ngumisi sa paraang natutuwa. Nilapag ko ang aking armas na hawak at dahan-dahang tumayo para nakalolokong gayahin ang porma niya.
"Gusto ko 'yan." Ngisi ko pang tugon.
Siya parin ang unang sumugod sa akin. Kitang-kita ang pag-aapoy ng galit sa knaiyang mga mata. Nang akma niya akong tatapunan ng suntok ay agad akong yumuko upang umilag. Mabilis ang naging pag-ikot ko at nagawang sipain ang kaniyang binti na batid kong hindi niya inaasahan. Para siyang nakuryente sa labis na panginginig!
"A-Aaah!!" Mariin siyang napapikit at napaluhod ang isang binti.
May kakaibang bugso ng damdamin sa aking dibdib habang pinaglalaruan siya. Mas lalo pa akong nahumaling nang ipakita niya ang pagiging agresibo nang hindi napagtatanto sa sarili na wala siyang kalaban-laban. Tuloy-tuloy ang pag-atake namin sa isa't-isa. Lalo siyang nagiging desperado na tamaan ako sapagkat hindi pa siya nakakatama ni isa! Samantalang pinupuntirya ko nang paulit-ulit ang binti niya na panay na ang pag-agos ng dugo.
Sumilay sa mukha niya ang nawawalang pag-asa. Hindi man niya nilingon ang kaniyang ulo subalit gumalaw parin ang mga mata niya para sulyapan ang kaniyang kampilan mula sa sulok ng rooftop.
Sa isang kisap-mata ay mabilis siyang nakatakbo patungo sa kinaroroonan no'n sa pag-aasam na makuha. Mabilis akong nakasunod. Kabado siyang napalingon sa akin at sa pag-aakalang sasapakin ko siya dahil sa nakakuyom kong kamao ay awtomatiko siyang napayuko. Subalit isa iyong pagkakamali dahil sakto niyang pagyuko ay ang malakas kong pagtuhod sa kaniyang mukha!
Kumalabog ang pagbagsak niya sa semento. Mayroong pulang likido ang lumabas mula sa kaniyang ilong. Naghabol siya ng hininga at sandaling nawala sa sarili.
"Pitik pa lang iyon, Terra." Ngisi ko. "Hindi pa ako pinagpapawisan."
Nang manawa sa pakikipaglaro sa kaniya ay walang anu-ano'y sinabunutan ko ang kaniyang leeg at pumuwesto sa kaniyang likuran. Dinampot ang kaniyang kampilan at at tinutok ang gilid niyong talim sa knaiyang leeg. Hirap siyang napapasinghap ng hangin.
"M-Mei..." Pinilit niya pa ang magsalita. "W-Wag... A-Aaah!"
Malamig kong hinigpitan ang pagkasabunot sa buhok niya at mas dinikit ang talim ng kampilan sa kaniyang leeg.
"W-Wag! P-Patawarin mo 'ko, Mei... W-Wag mo 'kong patayin!!" Panay ang pagtulo ng kaniyang mga luha! "S-Sorry!"
Hinintay ko ang oras. Nang sa wakas ay marinig ang sunod-sunod na yapak ng mga paa na nagmamadaling umakyat sa hagdanan ay labis ang pagkatuwa ko kasabay no'n ang pagtunog ng kampana na siyang simbolo na tapos na ang katapusan.
Natigil ang paghikbi ni Terra. "T-Tapos na ang katapusan... Tapos na!"
"TERRA!!" Isang boses ng babae ang siyang nangibabaw sa lugar sa kabila ng malakas na kalampag ng kampana.
"M-Mal..." Nabuhayan ng loob si Terra. "MAL!!"
Nagtama ang paningin naming dalawa ni Mal. Ang buo niyang katawan ay nababahiran ng dugo at ganoon na lang karami ang mga hawak niyang ID ng iba't-ibang estudyanteng kaniyang napatay. Natigilan siya sa kinatatayuan nang mapagmasdan ang posisyon namin ngayon ni Terra.
Subalit bago pa ulit siya makapagsalita ay mabilis kong ginilitan ang leeg ni Terra na halos humiwalay ang kaniyang ulo. Halos lumuwa sa panlalaki ang mga mata ni Mal sa ginawa ko bagaman tapos na ang katapusan. Labis ang panlulukot ng kaniyang mukha at walang kasing-lakas na napasigaw. Akma niya akong susugurin, nang ngisihan ko siya nang nakaloloko at tumapak sa pinakadulo ng rooftop at parang hangin na nagpatihulog.