Chapter 8

1762 Words
FENRIZ'S POV She saved me. She saved me. She saved me. Can I trust her? Tinakpan ko ang aking tainga gamit ang dalawa kong kamay para hindi marinig ang mga nakakatindig-balahibong sigawan. Hindi parin kumakalma ang pintig ng puso ko kahit na nakatago ako sa likod ng malaking bato. Pakiramdam ko kahit anong oras ay may aatake sa akin. Niyakap ko na lamang ang sarili ko at pinikit ang mga mata ko. Gusto ko nang umuwi. Sana hindi na lang ako naglayas. Hinahanap na kaya ako ni Dad? Makakabalik pa kaya ako ng buhay? Nanatili ako sa ganoong posisyon sa loob ng isang oras. Hanggang sa muli akong makarinig ng kalampag ng kampana mula sa malayo. Unti-unti nang nawala ang mga sigawan. Napaangat ako ng ulo at dahan-dahang napatayo. Muling bumalik sa pandinig ako ang kaninang sinabi ni Mei na kapag tumunog na muli ang kampana ay ligtas nang lumabas. May pag-aalinlangaan man ay paisa-isa akong humakbang habang alterto parin sa paligid. Subalit nakaalis na ako sa gubat ay wala na akong narinig na kaguluhan. Parang ang lahat ay kumalma na. Mei... Nasa'n na siya? Nanghihina parin akong naglakad pabalik sa campus at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Maraming bangkay ang nakakalat sa sahig. Ang mga dugong nagkalat ay gano'n na lang katapang ang amoy. Muli na namang bumilis at bumigat ang paghinga ko. May mga guwardiya ang siyang kumukuha sa mga bangkay at meron ding mga naglilinis ng mga nagkalat na dugo na para bang wala lang iyon sa kanila. Pakiramdam ko ay binabangungot lang ako ngayon. Sa sobrang daming nangyari ay hindi ako makapaniwala na totoo ito! Habang naglalakad ng sobrang bagal ay napanood ko ang mga buhay na estudyante na nakikipag-usap sa mga kagrupo nila na may nagmamalaking mga itsura. May mga hawak silang iba't-ibang ID na batid kong galing sa mga estudyanteng bangkay na, gaya na lang ng nakita ko kanina. Binibilang pa nila iyon na para bang nagpaparamihan! "Fenriz?" Pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Freon na may nanlalaking mga mata, kasama ang pinsan niya na si Eunecia. "Buhay ka pa? Paanong... nakaligtas ka?" "F-Freon..." Nagmamadali akong pumunta sa kaniya at yumakap! Naramdaman kong natigilan siya. "Muntik na 'kong mamatay!" "..." Sandali siyang hindi tumugon at narinig ko ang buntong-hininga. Hinawakan niya ang dalawa kong braso para ilayo sa kaniya. Dahil mas matangkad ako sa kaniya ay kinailangan niya akong tingalain. "Normal lang 'yun! Ang inaasahan ko nga ay patay ka na. Kaya bakit buhay ka pa? Anong nangyari sa'yo paglabas mo sa classroom?" Nangulubot ang baba ko sa naging tugon niya sabay napahikbi. Anong normal na muntik na 'kong mamatay? At talaga bang inaasahan niya ang kamatayan ko ngayon? "'Wag mong masamain, Fenriz. Bago ka lang dito, wala pang training! Kaya alam ko nang mamamatay ka. Isa pa, hindi mo binasa ang student handbook na binigay sa'yo kaya wala kang alam sa nangyayari ngayon." Muli siyang napabuntong-hininga. "Bumalik na tayo sa dormitoryo para gamutin ang mga galos mo sa katawan." Saka ko lang napagtanto na dumudugo ang mga maliliit na galos sa dalawa kong braso. Kinapa ko rin ang mukha ko at nakaramdam ng hapdi. Malamang ay nakuha ko 'to sa mga sanga at matutulis na mga dahon na nakakasalubong ko sa pagtakbo kanina. Hinatid namin si Eunecia sa kwarto niya bago kami pumasok sa amin. Mayroong first aid kit na kinuha si Freon sa cabinet niya. Hinugasan ko muna ang mga sugat ko bago gamutin ang aking sarili. Ang makinis kong mukha ay ngayon ay puno na ng hiwa. Magpepeklat kaya 'to? "Iaanunsyo ang mga namatay bukas ng umaga. Pati na rin ang mga rankings." Pagsasalita ni Freon habang nililinis ang kaniyang sugat sa katawan. Kuryoso akong napabaling ng tuon sa kaniya. "Ano?" Ramdam ko parin ang panghihina ng buo kong katawan. Bagaman kumalma na, nandudoon parin ang panginginig ko. May pagka-iritado niya akong binalingan. "Seryoso ka bang hindi mo alam kung anong meron dito? Kahit na hindi lang ikaw ang una kong nakilala na walang alam sa mga nangyayari, pero ikaw lang ang mas mabilis naka-recover sa nangyari kanina. 'Yung iba nga nababaliw pa e." "Well... I had heads-up sa mangyayari ngayon. Na-imagine ko na kagabi ang worst case scenario." T'saka hindi rin lang naman ito ang unang pagkakataon na nakakita ako nga mga patay. Sadyang ito lang ang unang pagkakataon na nakakita ako ng brutal na p*****n. Napabuntong-hininga siya. "Ang Murim School ay hindi ordinaryo na eskwelahan na pwede mo lang pasukan nang basta-basta. Mukhang hindi mo 'yon alam kaya nagtataka ako sa'yo kung bakit ka nakapasok dito?" Napalunok ako at nagsabi ng totoo. "Hindi naman sa gano'n. May ideya ako sa kung anong meron sa eskwelahang ito. Nag-away kasi kami ni dad at gusto kong mag-rebelde sa kaniya. Ang akala ko, biro-biro lang ang narinig ko sa kaniya tungkol dito. Pero ngayong nakikita ko na. Totoo pala." Napa-anas siya. "Ha! Ibig-sabihin, kusa kang pumasok dito?" "Gano'n na nga." Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin ng ilang segundo bago napailing-iling. "Mas maganda kung babasahin mo ang libro na binigay sa'yo ni Miss Hermosa. Ibinibigay niya iyon sa lahat ng mga estudyanteng pumapasok dito." Saka ko lang naalala ang student handbook na binigay sa akin. Hindi ko iyon binuksan simula nang iabot sa akin. Tumayo ako para pumunta sa cabinet ko at hinanap ang libro na 'yun. Nang makita ay kuryoso akong napatanong kay Freon. "Freon? Kung gano'n... Bakit ka naman pumasok sa school na 'to?" Napangiwi ang labi niya habang nililigpit ang first aid kit. "Student recruitment. Dalawang taon na simula nang pumasok ako rito. May nag-offer sa akin ng pera noon kapalit ng pagpasok dito." Sandali akong natahimik. "Edi... kailan ka makakalabas?" Tumingin siya sa akin. "Ang mga estudyante na wala sa ranggo ay may apat na taon para mag-aral dito. Pagkatapos no'n kung buhay pa sila, saka sila makakaalis. Ang mga estudyanteng nasa ranggo, dalawang taon lang. Kaya meron pa akong dalawang taon pa bago ako makalabas." "K-Kung gano'n... bakit hindi ka na lang sumali sa ranking?" "Fenriz, kailangan kong pumatay ng maraming estudyante pagka-gano'n. Hindi ko magagawa 'yun. Hangga't maaari, papatay lang ako para maprotektahan ang sarili ko pati si Eunecia." Nakurot ko ang sarili kong daliri. Seryoso ba talaga 'tong school na 'to?! "Kung gusto mong makalabas sa mabilis na paraan. Mag-ensayo ka nang pumatay." Pumasok siya sa loob ng banyo at naiwan akong tulala panandalian. Maya-maya ay naupo ako sa kama para buklatin ang mga pahina ng student handbook. Seryoso kong binabasa ang laman ng libro. Maraming pasikot-sikot at mukhang pinagmamalaki ang eskwelahan na 'to. Pero sa madaling salita, kahit pabanguhin ang estado ng eskwelahan ay umaalingasaw ang baho nito. Sinasabi sa mga naunang pahina na naging opisyal na eskwelahan ang Murim noong 60's. Subalit noong mga panahong laganap pa ang rebelyon at giyera sa bansa, ang ngayong eskwelahan ay dating teritoryo ng mga nagnanais mamuno sa bansa na gumagamit ng dahas at kriminalidad. Maraming kabataan ang nakianib sa pag-asang aasenso ang kanilang mga buhay, subalit iyon ay mabilis ding nabawi dahil kanilang buhay din ang itinaya. Hindi naglaon, ang buhay lamang ng mga lider at nangunguna sa grupo ang siyang umasenso, yumaman, at naging parte ng gobyerno. Habang ang mga nasa ibaba ay naging kanilang alagad sa pagpapayabong at pagpapalaganap ng mga ilegal na negosyo sa loob at labas ng bansa. Maraming lider ang nag-agawan sa Murim hanggang sa ito'y tinawag na eskwelahan. Patuloy ang pagdami ng kaanib sa grupo mula sa henerasyon ng mga sinaunang pamilya, mula sa pag rerecruit ng mga kabataan, at maging ang mga anak ng mga lider ng grupo. Subalit palaisipan parin ngayon kung nakaninong kamay ang siyang may hawak sa opisyal na Murim School. Na siyang ginagawang laruan ang buhay ng mga estudyante sa loob, at bangkay na kung makalabas. Ganun pa man, ang Murim School ay may batas na sinusunod, upang mapanatili ang pagkapantay-pantay-anak mayaman o mahirap man, at kaayusan sa loob bago mangyari ang katapusan. Ang katapusan ay nangyayari lamang tuwing sa pinakahuling araw ng kada buwan. Ito rin ang tawag sa araw kung saan nangyayari ang p*****n sa pagitan ng mga estudyante sa Murim upang ipamalas ang kanilang mga natutunan. Sa oras na tumunog ang kampana sa araw na iyon ay ang simula na ng oras ng p*****n. Kinokolekta ng mga esttudyante ang mga ID ng mga napatay nila. Pagkatapos ay ibinibigay iyon sa mga guro upang ilista at maisaayos ang mga ranggo ng mga estudyante. Kung sino ang siyang nangunguna sa ranking ay binibigyan ng mga kahilingan. Bagaman pagkitil ng buhay ang dapat mong gawin sa nakatakdang araw na iyon, may mga rules parin ang dapat na masunod. Ang sinumang lumabag ay may katumbas na parusa. Sa oras na magsimula ang p*****n, walang sinuman ang maaaring magpapigil nito hanggat hindi natatapos ang nakatakdang oras. Ang patayang magaganap ay tumatagal lamang ng isang oras. Sa oras na matapos ang nakatakdang oras, wala nang sinuman ang maaaring magsimula nito. Ang pinakamahigit na batas ng Murim, hindi lamang sa araw ng katapusan ay ang labanan sa pagitan lamang ng mga estudyante. Hindi pwedeng makialam ang mga guro o sinumang bahagi ng school na hindi estudyante, kahit pa ang Dean ng school. May ilan pang mga minor rules akong nabasa na dapat sundin ng mga estudyante, guro at mga taong nasa loob ng school. Isa na sa mga minor rules ay ang pagbabawal na magkaroon ng romantikong relasyon at pagtatalik sa pagitan ng mga estudyante na may kaakibat na kaparusahan. Mayroon din silang pinapatupad na kondisyon para sa mga estudyante na dapat masunod. Habang naagbabasa ay unti-unti akong nagkakaroon ng mga ideya sa mga dapat kong gawin simula ngayon. Tama si Freon. Hindi ako makakaligtas dito! Apat na taon... hindi ako mabubuhay ng gano'n katagal! Kailangan ko ng plano! "Oo nga pala," Bungad ni Freon sa akin pagkalabas niya ng banyo. Binaba ko ang libro at binalingan siya. May pagtatanong sa mga mata niya. "Imposibleng nakaligtas ka kanina na mag-isa ka lang. Kaya sino ang tumulong sa'yo?" Bumuka ang labi ko. Ang talas naman ng pag-iisip ni Freon. Mukhang ito ang surviving skill niya ah. Napakamot ako sa batok. Saka ko lang din naalala si Mei na siyang nagsabi na hahanapin niya ako. Pero hindi ko na siya nakita! Ano na kayang nagyari do'n? N-Nakaligtas kaya siya? Paano kung hindi? Nakagat ko ang ibaba kong labi saka napabuntong-hininga kay Freon. "'Yung kaklase natin---Si Mei..." "H-Ha?" Nakita ko ang labis na paglukot ng mukha niya. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya at puno ng pagkagulat na napasigaw. "ANO?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD