Chapter 9

1472 Words
MAL'S POV Nabalot ng katahimikan ang aming kwarto matapos ang katapusan. Wala ni anumang tunog ang maririnig sa pagitan naming tatlo nina Vee at Ashlee dahil sa pagkawala ni Terra. Halos mapupod ang aking mga kuko sa daliri dahil sa pagkakagat ko roon. Tapos na ang katapusan nang pinatay ni Mei si Terra!! Bakas na bakas parin sa alaala ko ang itsura ni Mei kanina! Sinasadya niya ang ginawa niya! Noong nangyari ang katapusan, nahiwalay sa grupo namin si Terra. Nang malaman namin mula sa mga nakakita na hinahabol siya ni Mei sa rooftop ilang minuto na ang nakailipas ay Masyadong mabilis ang pangyayari at maging ako ay hindi makapaniwala sa ginawa niyang 'yon! Nandoon na ako ngunit hindi ko agad natulungan si Terra! "I cursed you to hell, Mei!!!" Napapasigaw akong napasabunot ng buhok! Mariin akong napapikit at napatiim-bagang. Si Vee ay bigla nang napahagulgol. Nag-angat siya ng paningin sa akin nang nababakas ang pagkagalit. "A-Ano nang gagawin natin, Mal?! Iisa-isahin niya tayo! S-Si Terra... wala na si Terra!!" Lumuhod siya sa harapan ko at nagsusumamong tumingin sa mga mata ko. "You have to get her now, Mal! W-We have to kill her now!" Gunalaw ang panga ko. "Sa tingin mo ba hindi 'yon ang gusto ko ring gawin?! Halos hagilapin natin si Mei kanina sa buong campus pero hindi natin siya nakita! Who knew that she's targeting Terra?! Hindi natin basta-bastang mapapatay si Mei ngayon. Pero kaya parin natin siyang takutin!" "A-Anong gagawin natin? Mal?" Halatang kabado si Ashlee na nagsalita. Hindi ako umimik. Kung anuman ang susunod na hakbang na gagawin ni Mei. Kailangan ko iyong alamin. Hindi pwedeng mangyari ang mga binabalak niya. "Halina kayo." Pagbasag ko sa katahimikan. Napatingin sila sa akin. Bahagyang nangunot ang noo ni Ashlee. "Saan tayo pupunta?" Nalukot ang mukha ko. "Nakita niyong gabi na 'di ba? Malamang kakain ng hapunan sa canteen!" "M-Makikita natin si Mei do'n..." Napaikot ako ng mga mata habang nagsusuot ng leather jacket. Ano naman kung nandoon nga siya sa canteen? Sa tingin ba nila magtatago parin ako sa kaniya matapos ng ginawa niya kay Terra? Ayaw kong isipin ng mga tao na natatakot ako sa babaeng 'yon! Kung anuman ang tinatago niya, mabubunyag ko rin ang lahat ng iyon. Dahil hindi parin nababago ang isip ko na hindi siya si Mei. Hindi kapani-paniwalang babangon sa hukay ang bangkay na matagal nang nakabaon. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang nakatagong apat na singsing na mayroong matutulis at matatalim na patusok. Isa-isa ko iyong sinuot sa aking apat na daliri saka pinagmasdan sa kamay ko iyon. "Aatake tayo ngayon? P-Paano si Dean Chicago? 'Yung rules--" Malakas kong kinalambag ang drawer pasarado at galit na humarap kay Ashlee. "Kung gusto mong sumunod kay Terra, puwes ipakita mo pang naduduwag ka! Sa tingin mo ba may pagkakaiba kung magtatago ka lang o haharapin siya, Ashlee?! Naalala mo ang ginawa mo kay Mei noon?! Kung naghihiganti man ang babaeng 'yon para kay Mei, hinding-hindi ka niya palalampasin! So get your shits altogether and do as I say!" Nanginig siya sa takot at natahimik. Tumayo naman si Vee sa aking gilid nang hindi nagsasalita. Napaasik ako at may masama ang loob na lumabas ng dorm. After one year of planning and maintaining my f*****g reputation here in this school and I was finally getting rid of that Mei in my life. All that suffering went for nothing when her shadow appeared out of nowhere! Umayos lang ang mood ko nang magsipaglapitan sa akin ang mga estudyante na tinuturing akong lider. Sumasabay sila sa paglalakad namin ni Vee at Ashlee patungo sa canteen. Nang marating namin ang loob ng canteen ay naagaw agad naming ang atensyon ng mga estudyanteng naroon. Mapalalaki at babae ay bakas ang halo-halong emosyon--paghanga, takot, at galit habang pinagmamasdan ako sa sentro mula sa kanilang mga puwesto na kinangisi ko. Kaagad namang hinanap ng mga mata ko ang babaeng 'yon. Nakaupo siya sa pinakagitnang pwesto at mahinhin na ginagalaw ang kutsara. Halatang nilalayuan siya ng mga estudyante dahil siya lamang ang mag-isang kumakain sa isang helera ng lamesa. Panay din ang sulyap ng iba sa kaniya habang siya'y wari'y may sariling mundo. This b***h has always been like a curse for me! Paanong ang isang tao ay may kaperehong-kapareho ang itsura sa iba? Hindi ko gustong aminin sa sarili ko. Pero paano kung si Mei nga ang babaeng 'to? Paano kung nabuhay nga siya isang taon na ang nakalipas? Kung ganoon, sino ang nasa kaniyang libingan? "Mal, pupuntahan mo ba siya o ano?" Pabulong na tanong sa akin ni Vee at natauhan ako. "Tsk!" Naglakad ako patungo sa gawi ni 'Mei'. Ang mga mata ng lahat ay nasa aming grupo na naglalakad ngayon. "Anong gagawin ni Mal?" "Pupuntahan niya si Mei!" "Mag-aaway ba sila? Pero si Dean--" "Shh! Hayaan niyo sila!" Pinatunog ko ang aking leeg at hinanda ang mga matutulis na singsing sa aking daliri. Nakayuko si Mei habang kumakain, parang hindi naririnig ang mga bulungan at pagdating namin. Kaya naman nang makalapit ako ay malakas kong hinampas ang kaniyang mesa. Rinig na rinig ang malakas na ingay buhat niyon at natahimik ang lahat. "OH MY GOSH!! Mei is here!" Kunwari'y nagugulat kong sigaw na umalingawngaw sa buong paligid. Unti-unting nag-angat ng tingin sa akin si Mei. Walang makikitang emosyon, nagtama ang aming mga mata at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang pagpintig ng puso ko. "Mal." Banggit niya sa aking pangalan na bahagya kong kinatigil. Sa sandaling pakikipagtitigan sa kaniya ay para bang nakikita ko ang ibang katauhan sa kaniya. Gusto kong mag-iwas ng tingin! Pero hindi ko magawa dahil parang napako na ang mga mata ko sa kanya. "Mei..." Wala sa sariling usal ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan nang unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Muling bumalik sa alaala ko ang ginawa niyang paghiwa sa leeg ni Terra. Nanlaki ang mga mata ko. Tumabingi naman ang kaniyang ulo na para bang sinusuri ang kabuuan ko. Kakaiba rin ang paraan ng pagtingin niya sa akin! Naghalong galit at gulat ang naramdaman ko sa kaniya at walang sabi-sabi kong tinaob ang plato niya sa kaniyang dibdib at malakas akong bumwelo upang matunog siyang sapakin sa mukha gamit ang mga singsing na aking suot. Narinig ko ang pagsinghap ng hangin ng mga nanonood at kaagad na umingay ang buong canteen. Malakas at matunog na kalabog ang narinig buhat ng pagbagsak ni Mei sa semento. Humampas ang braso niya at kamuntikan pang mauntog ang kaniyang ulo. Mabilis siyang nakabawi at agad na nagkikiskisan ang mga ngipin ko habang pinapanood siyang ibangon ang sarili. "Sa tingin mo ba matatakot mo 'ko? You pretentious b***h!" Madiin kong sabi sa kaniya at napangisi habang pinagmamasdan siyang nanghihina sa ginawa kong 'yon. "Now you're more like Mei!" Nang tuluyan siyang makatayo ay muli siyang tumitig sa akin, walang kaemosyon-emosyon ang mukha. Bumakas ang sugat sa kanyang pisngi dulot ng mga matutulis kong singing. "Ako ang labanan mo, Mei. Hindi ba't ito ang gusto mo kaya't bumangon ka pa mula sa pag kahimlay mo?" Malamig siyang ngumisi. "Maghintay ka sa oras mo." Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Ngunit muli niya akong nginitian sa paraang nambabanta. Naikuyom ko ang kamao sa sumiklab na galit sa kanya. Halos kaming dalawa lang ang nag-iingay sa canteen habang tensyonadong pinapanood ng mga tao sa loob. Sa halip na matakot umatras sa banta niya ay muli akong bumwelo at akma siyang sasapakin nang bigla na lamang namatay ang lahat ng ilaw! "Aaaah!!" Kanya-kanyang singap ng hangin ang naririnig. Sari-saring mga boses ang siyang nagsigawan dahil sa biglaang pangyayari. Wala ni aninong makikita sa loob ng canteen. Wala akong ibang makita kundi ang itim na paligid. Nakaramdam ako ng malamig na presensya sa gilid ko at inalala si Mei. Panay ang sapak ko sa ere kahit walang nakikita. Ngunit bigla na lamang natahimik ang lahat nang muling bumalik ang ilaw at nagliwanag ang lahat. Lahat ay naginhawaan at nakahinga ng maluwag. Ngunit ako ay parang nanigas sa kinatatayuan nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Hindi si Mei ngunit si Ashlee... "Oh s**t! Ashlee!" Kaagad akong sumaklolo at pati na rin ang mga kasamahan ko nang makitang nakahandusay siya sa semento. Mayroong sugat sa kanyang pisngi at ngayon ay walang malay. "Damn it, Ashlee!!" Pagsigaw ni Vee. Mas lalo akong nagkuyom ng kamao saka muling tumayo at naglinga-linga ng tingin. Nakagat ko ang ibabang labi ng makita si Mei sa pintuan ng canteen. Nakangiti habang pinapakita sa akin ang mga daliri niya... nakasuot na sa kaniya ang mga singsing ko!! Nagugulat kong tiningnan ang mga daliri ko na kanina lang ay nandoon pa ang mga matutulis na singsing. Ngayon ay wala na at naroon kay Mei! "f**k!" Napapikit ako habang kuyom na kuyom ang kamao. Nagkiskisan ang aking mga ngipin at napsinghal. "Mei!" Stop playing tricks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD