Chapter 9 Nicole POV

1131 Words
Parang sinasaksak ang puso ko na kahit anung paliwanag ni Mervick ay ayaw mawala ng sakit. Pakiramdam ko ay sobra akong niloko at hindi ako makapaniwala na nagpadala ako sa mga matatamis na mga salita ni Mervick. Ikinwento ni Mervick sakin ang lahat. May asawa pala yung ex girlfriend nya na nabuntis niya. Hindi ko alam kung paano at kung anung dapat kong reaksyon, nakatulala lang ako at walang lumalabas sa aking bibig. "Umalis ka na Mervick please, ayoko munang makita ka." Yun na lang ang nasambit ko. Nakayukong umalis si Mervick. Tumulo na nang derecho ang luha ko nang marinig ko ang sasakyan niya na umandar palayo. Matapos ang lahat ng nangyari samin ay ganito pala ang kahihinatnan. Napakasakit..mas masakit pa ito sa unang break up ko kay Roman na akala ko ay katapusan na ng mundo. Ganito pala...ganito pala ang pakiramdam ng maloko at paikutin. Nakatulog na lang ako sa kakaiyak kagabi, maaga din ako nagising halos tatlong oras lang ata ang naitulog ko. Nagayos na ako para pumasok sa opisina. Sa taxi pa lamang ay isinubsob ko na ang utak sa trabaho, nagsimula na akong magbasa ng mga emails ko sa aking cellphone. Pagdating sa opisina ay derecho ako sa aking lamesa at ibinaon muli sa trabaho ang aking atensyon. Lumapit si Cathleen ng mag lunchtime. "Nic, are you okay?" " Pagdating mo pa lang nakasimangot ka na kaya di na muna kita inistorbo, tara na kain na tayo." Malumanay na aya sakin ni Cathleen. "Hayssss! Tara na nga pero huwag sa Rudy's ha ayoko makita si Mervick." Ang sagot ko sa kaniya. "Sige dun tayo sa kabilang street malapit sa park, wala masyadong tao dun." Seryoso na din ang mukha ni Cathleen. Umorder na muna kami at nagsimula nang kumain nang magsimula na rin magtanong si Cathleen. "What?!" "Sabi ko na nga ba eh, ramdam ko talaga na hindi katiwa tiwala yan si Mervick." Galit na nasabi ni Cathleen matapos ko ikwento sa kaniya ang lahat. "Litong lito na ko Cath, ano bang gagawin ko?, alam ko na nangyari yun bago pa kami magkakilala pero ang masakit sa dami namin napagusapan hindi niya iyon binanggit." "Ikaw lang makakasagot niyan Friend, pagisipan mo mabuti kung ano sa tingin mo na tama dito lang ako kapag kailangan mo ng makakausap." Hindi ako sanay na seryoso si Cathleen dahil laging bubbly ang personality nito, kaya alam ko na concern talaga siya sakin. "Siya nga pala Friend naalala ko, tumawag kanina si Dr. Francisco hinahanap ka. Kaso seryosong seryoso ka sa ginagawa mo kaya di muna kita inistorbo sabi ko na lang na tumawag siya ulit." Medyo gumaan ang mood ko sa sinabing iyo ni Cathleen, naalala ko si Dr. Francisco nagsabi nga pala ako na payag ako sa paginvite niya ng date sakin. Pagbalik namin sa opisina ay sinilip ko ang aking cellphone. Walang paramdam si Mervick kahit text. "So ganoon na lang ba yun? Ako pa ata ang na ghost." Ang sabi ng utak ko. Bumibigat ang aking dibdib kapag naalala ko ang eksena kagabi. "Di ba pinaalis mo, ano bang ineexpect mo Nicole?", ang sabi naman ng kabilang utak ko. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa aking upuan. Nang biglang tumunog ang aking cellphone, unknown number ang nakalagay. "He..Hello?" Nagtatakang tanong ko. "Hi Ms. Villanueva! This is Dr. Francisco, how are you?" Baritono at parang masyadong pormal ang boses ni Dr. Francisco. Bumilog ang mata ko nang magpakilala siya sa kabilang linya. "H..Hi Dr. Francisco, im doing fine how are you?" Yun na lang ang nasambit ko habang kagat ang kuko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. "Can we have dinner tonight?, anywhere you want." Ang tanong niya. "Ahh eh medyo madami pa kasi akong hinahabol na deadlines Dr. Francisco, I'm not really sure kung kelan ako magkaka free time " Ang sagot ko habang nakahawak sa noo ko. Kahit wala naman akong tinatapos talaga. Iniisip ko pa rin ang sitwasyon namin ni Mervick, boyfriend ko na siya at alam kong may nararamdaman ako sa kanya, kahit na parang sinasaksak ang puso ko kapag naalala ko ang pagsisinungaling niya sakin. "I understand Ms. Villanueva, you can contact me anytime you are free. I hope you have a good day." Ang mabait na turan ni Dr. Francisco. "Thank you, have a good day too Dr. Francisco." "Just call me Michael para hindi naman masyadong pormal." Narinig ko na parang tumawa siya ng bahagya pagkasabi nun. "Ah ok Michael, ingat. Bye." Medyo napangiti din ako nang sinambit ko ang first name niya. Matapos ang paguusap namin ni Dr. Francisco ay bumalik na ako sa aking mga gawain. Iniiwasan ko maisip si Mervick hanggang matapos ang araw. "Friend, ano na?. Uwian na, tara na." Nagulat ako sa biglang paglapit ni Cathleen, tumingin ako sa aking relo 5pm na pala di ko manlang namalayan. "Wait, send ko lang itong email." Pagka send ko ng email ay agad kong in-off ang computer ko at kinuha ang aking bag. "Tara". Ang aya ko kay Cathleen. Dumaan ako sa isang convenience store dahil gusto ko bumili ng mga junk foods, pinaplano ko manood at i-enjoy ang isang movie paguwi sa apartment. Nagaabang ako ng taxi nang maisipan kong tignan ang aking cellphone. Wala pa rin talaga paramdam si Mervick, bigla ako nakaramdam ng lungkot. "Talaga ba Nicole?, matapos pong paalisin inaasahan mo pa na magpaparamdam pa yun?" Ang sabi ng utak kong hindi ko alam kung kampi ba saken o kay Mervick. Pagdating sa apartment ay agad akong naghanda para manood ng movie at inumpisahan nang lantakan ang mga junk foods. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko, mayroong text. Mervick: Baby, I miss you so much it hurts. Natulala lang ako sa mensaheng iyo, at bigla na lang tumulo ang luha ko. Niyakap ko na lamang ang cellphone at umiyak hanggang sa matapos ang pelikula na hindi ko naman naintindihan dahil sa lumilipad ang aking utak. "Kung alam mo lang Mervick, miss na miss na din kita." Ang bulong ko sa aking sarili. "Replayan mo na kaya, mukha naman nagsisisi siya eh." Ang sabi naman ng utak ko na ipagkakanulo pa ata ako. "No, hindi pwede! Ganun na lang ba yun?". Matapos ang pagsisinungaling niya, sasabihan lang ng I miss you eh agad na patatawarin?" Ang sabi ko muli sa sarili ko. Inoff ko na ang tv at pabagsak na nahiga sa sofa na nasa harapan nito. Pumikit ako at balak pilitin na matulog na lang. Pero habang naka pikit ako ay nakikita ko ang mukha ni Mervick at parang nag rerewind yung mga ginawa namin. Parang nararamdaman ko ang kaniyang mga labi na humahalik sa aking labi pababa sa aking katawan. "Hayyy". Iniling-iling ko ang aking ulo at dumapa. Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD