Chapter 8 Mervick POV

1211 Words
Tulog na si Nicole. Napakasaya ng araw na ito para sakin, nakita ko rin na napasaya ko si Nicole. Kung sakali man na pipiliin niya akong layuan o kamuhian kapag nalaman niya ang aking sitwasyon, babaunin ko ang mga masasayang alaala namin lalo na ang araw na ito. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung kelan at saan nga ba ang tamang panahon at lugar, mabuti na lang at nagagawa kong kalimutan ang kinakaharap ko na problema kapag kasama ko si Nicole, hanggat maari ay ayoko nang matapos ang bawat sandali. Kung pwede lang talaga.. kung pwede lang. Pero sabi nang kabilang isip ko, pwede naman talaga na kalimutan ko ang lahat para kay Nicole. Pero papaano kapag nalaman niya din kalaunan, baka mas lalo niya akong kamuhian, at papaano kung dugo at laman ko nga ang ipinag bubuntis ni Leslie, ayokong lumaki siya na hindi niya ako nakikilala at ayoko siyang maging kawawa. Magulo ang isip ko, nakatulala ako sa langit habang nakaupo sa balcony dito sa tagaytay, nang magising si Nicole. "Ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?" Ramdam ko ang pagaalala sa boses ni niya. "Trabaho lang baby, at mga sitwasyon sa pamilya. Don't worry about me, I'l be fine." Habang dahan dahan ko siyang niyayakap sa beywang at hinatak sa aking kandungan. "Just rest well and enjoy our days together." Ang sabi ko kay Nicole, at hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko na halikan siya lalo na kapag ganitong nakabalot lang siya ng kumot at amoy na amoy ko ang halimuyak ng kanyang katawan. Eto talaga ang epekto sakin ni Nicole na hindi ko maipaliwanag ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hinalikan ko si Nicole at binuhat papunta sa kama, at nilasap namin ang bawat minuto na kami ay magkatabi.Inangkin ko muli si Nicole. Kinabukasan, maaga kami nagising pero nanatili lang kami sa kama magkayakap. Naguusap kami ng mga bagay na masaya at pagkatapos ay naghahalikan at hinahaplos ang katawan ng bawat isa. Sana ay hindi na matapos ang mga oras at mga araw na ganito. Tila ba ayoko na bumalik ng Maynila at harapin ang reyalidad ng aming mga buhay. "I want to fall asleep and wake up next to you." "I want you everyday and for the rest of my life." "I'm scared that this will all go away one day." Sinabi ko iyon kay Nicole ng may seryosong tono. "I want that too." Nakangiti si Nicole. Kahit nakangiti siya, nararamdaman ko na natatakot din siya kagaya ko. Kaya hindi na lang kame naguusap ng mga malulungkot na bagay. Mga masasaya lang ang topics namin at palaging paglalambingan. Naka-isang round pa kami ni Nicole bago mapilitang bumangon sa kama bago mag lunchtime. Naligo kami ng sabay at binihisan ang isat-isa. Napagusapan namin na sa Manila na kame maglunch para hindi na kame abutan ng traffic tutal eh busog pa naman kameng dalawa, busog kame sa pagibig. Napapangiti kong naiiisip. Maya't maya ko hinahawakan ang kamay ni Nicole at hinahalikan habang nagmamaneho, dahil gustong gusto ko ang amoy ng kanyang balat. Matigas pa rin si manoy ng bahagya pero kumakalma naman minsan, hindi ko napipigilan ang epekto ni Nicole sakin. Kaya kailangan ko ng distraction kaya madalas ay nagbubukas ako ng topic para may mapagkwentuhan. Nakapaglunch kame ng mabilis sa isang resto at dumerecho na sa apartment ni Nicole sa Pasig. Pagdating namin ay nagpahinga kame, di na namin namalayan na nakaidlip kame pareho. Nagising ako ng 4pm na dahil sa amoy ng kape. Nagsalang si Nicole ng mabangong brewed coffee. "Oh babe gising ka na pala. Nakapahinga ka ba ng maayos?" Tanong ni Nicole. "Yes, baby. Sarap ng tulog ko sa kama mo eh, dahil it smells like you." Ang sagot ko. "Nakadikit na nga yung amoy mo dun eh, it smells like you na." Natatawang sagot nya habang inaabot saken ang kape. Naupo kame sa sofa at nagbukas sya ng kanyang laptop, nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Daddy ang tumatawag. Bigla akong napatayo at pumunta malapit sa bintana. "Hello Dad." Nagtatakang tanong ko. "Mervick, akala ko ba nakausap mo na ung babaeng yun?". Bakit ang dami nanamang chismis dito? Pati ang kompanya apektado, may mga ibang kliyente si Jimmy na nagback out dahil sa eskandalo." Galit na galit ang boses ni Dad kaya ako biglang nataranta. "Nagkausap na kame Dad, what did she do now?" "Cge kakausapin ko ulit, im so sorry Dad for what she have done to our family. I promise that I'm gonna fix this. Nagkasundo na kame na magsusustento ako basta mapa DNA nia yung bata." Nakalimutan ko na nasa apartment ako ni Nicole, at lahat ng iyon ay narinig niya. Paglingon ko, nakatayo si Nicole sa likuran ko at kitang kita sa mata niya ang sakit at pagkalito. "s**t!" "No, sorry Dad it's not you. I gotta go, i will call you later Dad." Bigla nang tumalikod si Nicole at pumasok sa kwarto, at padabog na ini-lock ang pinto. "Nicole, let me explain please." "Mervick, umuwi ka na muna. Ayusin mo na muna yung dapat mong ayusin." Kalmado lang ang boses ni Nicole. "I will not leave until you talk to me." "Please let's talk, I will explain everything." Tahimik sa loob at walang salita ng mga kalahating oras, naupo ako at sumandal sa nakasaradong pinto. "I'm so sorry Nicole, I know this time will come. Ayokong saktan ka, akala ko maaayos ko ito ng magisa." Biglang bumukas at ako ay natumba dahil sa aking pagkakasandal dito. Dali dali akong tumayo at humarap sa kaniya, lumuluha si Nicole na tumingin sa aking mata at kitang kita ko ang pagka suklam doon. "So you think, hindi ako nasasaktan ngayon? " Hanggang kailan mo ko balak paikutin ha?" "Ano may anak ka?, bakit kelangan mong itago?" Parang pinupunit ang puso ko dahil nasa ganito kaming sitwasyon ngaun, gusto ko siyang yapusin para tumahan. "Please, pakinggan mo muna ko." "Okay, sige go on." Habang pinapahid niya ang mga luha na tumutulo sa kaniyang mga pisngi. Tumayo ako habang nakatingin sa mga mata ni Nicole, humihikbi siya. Akma ko siyang yayakapin pero umatras siya. "Please don't touch me, just explain then you can leave." Malakas na sabi niya habang itinataas ang dalawang kamay at naglakad papunta sa sala. Huminga muna ako ng malalim at naupo sa sala, habang si Nicole ay pumwesto malapit sa bintana at nakatalikod sakin. "Ex ko si Leslie sa Cebu, before tayo magkakilala ay nagbakasyon ako doon ng ilang buwan. Nagkita kami nang umuwi siya dito sa Pilipinas galing sa Japan. May asawa na siya na hapon doon." Gusto ko ipaliwanag sa kaniya lahat mula sa umpisa at kung paano humantong sa ganito. "Aaminin ko na mapaglaro ako sa mga babae bago pa kita makilala Nicole. Pero ngayon sayong sayo ang puso at pagkatao ko." Niyakap ko siya, gustong gusto ko siyang aluin. "Makakaalis ka na." Yun lang ang kaniyang naging sagot habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. "Please umalis ka na muna Mervick." Laglag ang balikat ko na lumabas ng kaniyang apartment. Pagsakay ko sa kotse ay pinagsusuntok ko ang manibela. "s**t! s**t! s**t" Pinakalma ko muna ang sarili ko habang nakayuko at hawak ang aking ulo bago ko binuksan ang makina at nagmaneho na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD