Chapter 8

1680 Words
Happy Birthday Wala sa sariling napatitig ako sa kisame. Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa katabi kong si Diarian. Gumalaw muna ako bago dahan dahan na inalis ang pagkakayakap ni Diarian sakin at mabilis akong umopo sabay tayo. Hindi ko alam na magalaw pa lang matulog itong si Diarian. Kung alam ko lang edi sana sa sahig ko siya pinatulog. Biro lang. Mabait ako... Pumasok ako sa banyo at naligo. Mabilis naman akong natapos sa pagligo at nagbihis. Napatigil ako sa aktong paglabas ng makitang tulog pa si Diarian. May klase pa kami ngayon. Lumapit ako sakanya at niyugyug siya pero hindi pa din siya gumigising. Tinapik tapik ko siya at nakita kong dahan dahan na siyang nagmumulat. "*"Diarian. Kailangan mo ng gumising. May klase pa tayo ngayon"*"Sabi ko bago ako tumayo at lumabas ng kwarto. Nakita ko sina Rizire at Zinc na magkayakap habang natutulog na ikailing ko. Lumapit ako sakanila at ginising sila pero hindi pa din nagigising kaya kumuha ako ng takip sa kaldero sabay hagis sa sahig na ikagawa ng ingay. Napatingin ako sakanila na ngayon ay nakahiga sa sahig habang hawak hawak ang likod nila at sabay na sinamaan ako ng tingin. "*"Shikira!"*"Banggit ni Zinc sa pangalan ko kaya inosente akong tumingin sakanya. "*"Ano po yon?"*"Tanong ko. *** Ngayon ay nakatayo kami sa harap habang may librong nakapatong sa dalawa naming kamay. Na late kami kanina dahil naghabulan pa kami. Naghagisan ng uling kaya natagalan kami. Pagpasok palang namin may dala ng Libro ang kaklase namin at binigay samin. Kaya heto kami ngayon at nangangalay pero mukhang ako lang yata ang nahihirapan kasi parang isang papel na nakatayo lang sila sa gilid ko. Bigla may kumuha sa librong nakapatong sa kamay ko at nakita ko si Zinc na pinatong niya sakanya ang librong dapat sakin. "*"Pati ba naman Libro? Aagawin mo?"*"Tanong ko pero hindi man lang niya ako tiningnan. "*"Ikaw nalang kaya magdala nito para hindi ka mahirapan"*"Sabi niya na hindi pa din tumitingin sakin. "*"Tsk. Ang yabang yabang. Pagnahirapan ka diyan ikaw magluluto mamaya"*"Sabi ko sakanya sabay ngisi pero ngumisi lang siya pabalik sakin at sa pagkakataon na yon ay nakatingin na siya sakin. Deritso sa mata ko ng may tumikhim sa harap namin at nakita namin si Prof nga nakataas kilay na nakatingin samin. "*"Shikira? Asan ang Libro?"*"Tanong niya kaya tinuro ko kung nasan pero nagtaka ako ng tumango lang siya at umalis sa harap namin. Hindi man lang ba niya papagalitan si Zinc? Napakadaya naman. "*"Ha Ha Ha. Kala mo siguro papagalitan ako no? Diyan ka nagkakamali"*"Sabi niya kaya inis na tumingin nalang ako sa ibang deriksyon kesa makita ang ngisi niya. Nakakainis naman! Buong oras kaming nakatayo kaya muli akong tumingin sakanila at nakitang hindi man lang mababakas ang pagkangalay. "*"Hindi ka man lang ba nangangalay?"*"Tanong ko kay Zinc dahil parang wala lang sakanya ang walong Libro na nakapatong sa kamay niya. "*"Tsk. Kung yon ang inaakala mo! Nagkakamali ka"*"Sabi niya na ikainis ko lalo. Argh. Ang sarap talaga niyang batukan. Kung hindi lang talaga niya ako tinulungan ngayon baka nabatukan ko na to. *** Nandito kami ngayon sa mall habang kumakain. Hindi na kami pumasok at nagcutting nalang. Ewan ko ba sa tatlong to at sabi nila ay gagala daw kami ngayon. Kanina ay naglibot libot kami. Habang ako ay panay tawa lang dahil para silang 3 years old na enosente sa lahat ng bagay. Napatingin ako sa harap ng makarinig ako ng pagkabasag at nakita ko si Rizire na nakatayo sa harap non. Ano nanaman ba ang ginawa mo? Kanina ay nakabasag ka ng paninda ngayon ay plato nanaman? "*"Shikira!"*"Tawag sakin ni Rizire kaya nakataas kilay na tiningnan ko siya. "*"P-patulong naman oh!"*"Sabi niya pero inirapan ko lang siya. "*"Kay Diarian"*"Sabi ko na ikatigil ni Diarian. "*"Wag ako. Si Zinc nalang"*"Sabi niya. *** Hindi maipinta ang mukha ko habang naghuhugas. Kanina ay sinabi ng staff na pabayaan at kalimutan nalang daw ang nabasag ni Rizire na ikatuwa ko naman. Pero... Tainis naman! Nag-order ng marami sina Diarian at sabi nila sila ang magbabayad pero naiwan pala nila pera nila sa bahay kaya heto ako ngayon at naghuhugas ng plato. Hindi ko hinayaan na pahugasin sina Diarian at baka hindi pa nalilinis ang plato ay nagkabasag basag na. Nanunuod lang sila sakin habang naghuhugas ako... "*"Matagal pa ba yan?"* "*"Ang tagal naman"*" "*"Bilisan mo naman"*" "*"Malapit ng maggabi"*" "*"Gutom na ulit ako"*" "*"Pwede ba! Gusto ko ng katahimikan..."*"Sabi ko sakanila na ikatigil nila sa pagrereklamo. "*"Okay"*"Sabay na sabi nila na ikahinga ko ng maluwag at naghugas ulit. Kung hindi na sana kayo pinaglihi ng patay gutom edi sana nakauwi at natutulog tayo ngayon. Tinapos ko na at hindi na sinabunan para na din makauwi na kami. Pinagpag ko ang dalawa kong kamay bago kami umalis doon. Bumungad samin ang madilim na paligid dahil gabi na. Hindi ko pa din alam kung paano gamitin ang phone ko. Kung alam ko lang sana. May ilaw na sana kami ngayon. At wala kaming dalang pera para sumakay. "*"Maglalakad tayo?"*"Tanong ni Zinc kaya tumango ako. Magsisimula na sana kaming maglakad ng may humintong van sa harap namin at alam ko kung kanino yon. "*"Hello!"*"Bati saamin ni Tita. "*"Hi Tita Kiana!"*"Bati ni Rizire. "*"Sumakay na kayo!"*"Sabi niya at aangal na sana ako ng sumakay na silang tatlo at ako nalang ang mag-isang nakatayo. "*"Ayos lang ba Tita?"*"Tanong ko. "*"Oo naman! Sige na Shikira para mabilis na kayong makauwi. Alam kong wala kayong masasakyan ngayon"*"Sabi niya sabay bukas kaya wala nalang akong nagawa at pumasok. "*"Ano pala ang ginagawa niyo doon at bakit hindi din kayo nakapasok sa trabaho?"*"Tanong niya na ikatigil ko at naalala kong may trabaho pa pala. "*"Pasensya na po talaga Tita. Nakalimutan ko po. Namin pala"*"Sabi ko. "*"Ayos lang yon no"*"Sabi niya at ngumiti. "*"Nalaman ko din na lumiban kayo ng klase? Totoo ba yon?"*"Tanong niya kaya muli akong humingi ng tawad pero sabi niya ay okay lang daw at wag na daw naming uulitin sa susunod. Tahimik lang kami hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nagpasalamat ako kay Tita at sabi niya ay kakausapin niya muna sina Diarian kaya tumango ako at pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis bago ako lumabas at nakita silang nakaupo habang tulala. "*"Hello? Ayos lang ba kayo?"*"Tanong ko kaya sabay na napatingin sila sakin at ngumiti naman si Diarian sakin pero bakas ang lungkot sa ngiti niya. "*"Matutulog na ako"*"Sabi niya at pumuntang kwarto at hindi pa man siya nakakapasok ng magsalita ako. "*"May problema ba? Diba magkaibigan tayo? Kaya sabihin niyo na. Malay niyo. Makatulong ako"*"Nakangiting sabi ko ng bigla nalang tumakbo papunta sakin si Diarian at niyakap ako ng mahigpit na ikataka ko. "*"Ayos ka lang ba? Inaway ka ba ni Rizire?"*"Tanong ko sabay sama ng tingin kay Rizire na ngayon ay nakayuko habang si Zinc ay nakatingin sa ibang deriksyon habang ang kamay niya ay nakakuyom. Narinig ko na ang hikbi ni Diarian kasunod non ang iyak niya. Tahimik lang ako hanggang sa humagolhol na siya kaya niyakap ko siya pabalik na ikalakas ng iyak niya. "*"Kung inaway ka ni Rizire pagsasabihan ko siya na hindi ka na niya aawayin kaya wag ka ng umiyak"*"Sabi ko at tinapik tapik ang likod niya para tumahan pero mas lalo lang siyang umiyak. Napatingin ako kay Rizire ng tumayo siya at yumakap din sakin at nagsimula na siyang umiyak. "*"Rizire? Akala ko ba lalaki ka? Bat ka umiiyak?"*"Tanong ko pero hindi man lang siya sumagot. O...kay? Ano ba kasing nangyayari? "*"Zinc? Ikaw ba umaway?"*"Tanong ko pero hindi man lang siya sumagot. Ano ba kasing nangyayari? Hanggang sa bigla nalang silang kumanta. "*"Maligayang kaarawan... Maligayang kaarawan... Shikira!"*"Sabay nila at nakita ko si Diarian na may dalang cake at nakangiti silang nakatingin sakin maliban kay Zinc na nakapamulsa lang sa gilid. Mugto pa din ang mata ni Diarian. Saglit na natigilan ako hanggang sa unting unting naproseso ang lahat sakin. B-birthday ko pala ngayon! "*"Acting lang ba yong kanina? Este nag kunyari lang ba kayong umiiyak?"*"Tanong ko at nakita kong nagkatinginan sila bago nagsalita si Rizire. "*"Oo naman! Maligayang kaarawan Shikira! Ano? Ayos ba?"*"Sabi niya sabay taas baba ng kilay. Hindi ko na napigilan at ako nanaman ang umiyak. Akala ko talaga napano na sila pero paano nila nalaman ang birthday ko? "*"Hipan mo na pero bago yon! Humiling ka muna!"*"Sabi ni Diarian kaya huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Sana... Hindi nila ako iiwan at kung mangyari man yon ay hahanapin ko sila at kapag nahanap ko sila babatukan ko sila Isa Isa. Hinipan ko na at pumalakpak naman sila. "*"Syempre! Hindi mawawala ang regalo!"*"Sabi ni Diarian sabay bigay sakin ng dalawang bracelet at siya mismo ang nagsuot sakin non sa kanang kamay ko. "*"Para saming dalawa lang yan ni Rizire"*"Sabi ni Diarian na ikataka ko. "*"Sayo Zinc? Asan?"*"Tanong ko kaya napatingin siya sakin pero saglit lang at umiwas. "*"Kailangan pa ba yon?"*"Tanong niya kaya mabilis na tumango ako. "*"May dalawang bracelet ka naman"*"Sabi niya na ikasimangot ko. "*"Oo na! Eto oh"*"Sabi niya sabay abot sakin ng kwintas pero sa ibang deriksyon pa din siya nakatingin. "*"Ayaw mo? Sige"*"Sabi niya ng makitang nakatingin lang ako doon. "*"Syempre gusto ko! Pero tatanggapin ko lang kung ikaw mismo ang magsusuot niyan sakin"*"Sabi ko sabay ngisi ng makitang mabilis na napatingin siya sakin. "*"Tsk."*" Pinatalikod niya ako at siya talaga mismo ang nagsuot sakin non. Hanggang sa nakabit na kaya humarap ako sakanya ng bigla siyang tumalikod na ikataka ko. "*"HAHAHAH! Si Zinc! Namumula!"*"Sabi ni Rizire habang tumatawa kasunod non ang tawa din ni Diarian kaya pilit na sinilip ko kung totoo ba pero napatakip nalang ako ng bibig at pinipigilang matawa. B-bakit ba siya namumula? "*"Aish! Tumigil nga kayo!"*"Sabi niya sabay harap kaya hindi ko na napigilan at nakisabay sa pagtawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD