Chapter 9

1437 Words
Goodbye Dahan dahan kong minulat ang mata ko at humikab. Tumingin ako sa gilid ko at mabilis na napaupo nalang ako ng hindi ko makita si Diarian. Saan ba nagpupunta yon? Himala at maaga siyang nagising. Naligo na ako at nagbihis sabay labas ng kwarto at bumungad sakin ang madaming pagkain na nakahanda. Napatingin ako sa kusina ng lumabas si Rizire na naka-apron habang may dala dalang kaldero at sa loob non ay kanin. "*"Anong meron?"*"Tanong ko sakanya. "*"Cake lang ang kinain natin kagabi"*"Sabi niya na ikatigil ko. "*"Ayos lang naman yon Rizire at hindi na kailangan pang maghanda ng ganyang karaming pagkain"*"Sabi ko. "*"Sayang... Luto pa naman yan ni Diarian at Zinc..."*"Sabi niya habang umiiling. "*"Luto nila? Hindi ka kasali?"*"Tanong ko. "*"Ako ang tagagabay no!"*"Sabi niya habang nakataas noo ng bigla nalang lumabas si Diarian na may dalang sandok at tinuro si Rizire. "*"Kung tumulong ka nalang kaya samin don! Palagi ka nalang tikim ng tikim wala namang ambag"*"Sabi niya na ikangiwi ko at nakita kong nagtatakbong pumunta sa kusina si Rizire. Bumaling naman sakin si Diarian at binaba na niya ang hawak hawak niyang sandok. Ngumiti siya sakin bago siya nagsalita. "*"Magandang araw Shikira! Mabuti at gising kana"*"Sabi niya at lumapit sakin at hinila ako sa harap ng pagkain at pinaupo doon. Naglagay siya ng plato sa harap ko at kutsara at tinidor na ikataka ko. "*"Teka lang Diarian. Saan kayo nakakuha ng mamahaling plato nato at kutsara at tinidor?"*"Tanong ko. "*"Yan? Hiniram namin yan kay Tita Kiana at pumayag naman siya"*"Sabi niya. "*"Bakit niyo ginagawa to?"*"Tanong ko. "*"Hmm... Gaya ng sabi ni Rizire. Cake lang ang nakain natin kagabi. Tapos naghagisan pa tayo ng icing at pirasong cake"*"Sabi niya habang nilalagyan ng pagkain ang platong nasa harap ko. "*"Tawagin ko lang sila"*"Sabi niya at pumuntang kusina. Ilang sigundo bago dumating silang tatlo. Umopo sila sa harap ko at sa gilid ko naman ay si Diarian. "*"Kainan na!"*"Sabi ni Rizire at aktong kukuha ng tapikin ni Diarian ang kamay niya. "*"Si Shikira muna! Espesyal siya kaya dapat siya lang ang unang tumikim"*"Sabi niya na ikangiwi ko. Hindi nalang ako umangal at tinikman ang mga ibat ibang putahe. Naghintay sila sa sasabihin ko kaya nagsalita na ako. "*"Masarap"*"Sabi ko sabay ngiti na ikatuwa nila. "*"Kainan na!"*"Sabi ni Rizire pero tinapik ulit ni Diarian ang kamay niya. Nagkatinginan kami bago sabay sabay na nagsalita. "*"Kainan na!"*" *** Nandito kami ngayon sa library at tinuturuan ko sila kung paano mag-english. Kanina kasi ay napansin kong kunot noo lang silang nakatingin sa Prof namin sa English at naalala kong hindi pala sila masyadong nakakaintindi ng English. "*"Ano to?"*"Tanong ni Diarian. "*"Goodbye"*"Sabi ko. "*"Good... Bye..."*"Pag-uulit niya sabay tingin sakin. "*"Anong ibig sabihin?"*"Tanong niya. "*"Ang ibig sabihin niyan ay paalam"*"Sabi ko na ikatigil niya. "*"Paalam? Goodbye?"*"Sabi niya kaya tumango ako. "*"Goodbye Shikira"*"Sabi niya na ikangiti ko. Madali lang naman pala sila turuan. Magsasalita na sana ako ng sumingit si Rizire. "*"Eto naman Shikira?"*"Tanong niya. "*"Best friend"*"Sabi ko. "*"Ibig sabihin ay kaibigan"*"Sabi ko. Muli ulit silang nagbasa. Minsan ay humihingi sila ng tulong sakin na sinasagot ko naman. "*"Eto?"*"Tanong ni Zinc kaya napatingin ako sakanya at naibaba ang tingin ko sa tinuro niya. "*"I love you"*"Sabi ko. "*"Ang ibig sabihin ay Mahal kita. Meron ding I Love you too. Ang ibig sabihin non ay Mahal din kita"*"Sabi ko. "*"I... Love ... You..."*"Sabi niya. "*"Shikira! What is your name?"*"Tanong ni Diarian na ikatawa ko ng mahina. "*"Ang tanga mo Diarian. Bat mo binanggit pangalan niya kung magtatanong ka"*"Sabi ni Rizire. "*"Dapat ganito lang. What is your name Shikira?"*"Dugtong ni Rizire kaya natawa na ako ng tuluyan. "*"Tanga mo din Rizire"*"Sabi ni Diarian hanggang sa nagbabangayan na sila. Pero tumigil din naman dahil sinuway na kami ng librarian dito. *** Kakatapos lang namin kanina sa pagtatrabaho sa coffee shop at muli nanaman kaming hinatid ni Tita Kiana. Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay nahinto ang tingin ko sa salamin ko. Sinigurado ko munang hindi pa papasok si Diarian bago ko dahan dahang inalis ang takip sa leeg ko. Ilang araw ko ng tinatago to at habang tumatagal ay kumukulay. Paano ba ako nagkaroon nito? At kung sasabihin ko naman sakanila ay baka hindi sila maniwala at sabihin pa nilang tattoo lang ito. Mabilis na naibaba ko ang salamin at tinakpan ang leeg ko kasabay ng pagbukas ng pinto at bumungad sakin si Diarian na nakapangtulog. Humiga siya sa kama at nagkumot. "*"Goodnight Shikira..."*"Inaantok na Sabi niya. "*"Goodnight din"*"Sabi ko at dahan dahang humiga sa kama at nagkumot. Nagtatakang tumayo ako at nilibot ang tingin ko sa paligid. Puro mga puno at napakapamilyar din ng lugar na ito. At ng maalala ko ay agad na tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang ilog na matagal ko ng gustong balikan. Pero... Paano ako napunta dito? Nahinto ang tingin ko sa tatlong kaedad ko lang. Dalawang lalaki at isang babae. Hindi ko din sila kilala. Nakatayo lang sila habang malungkot na nakatingin sakin maliban sa isang lalaking nakayuko lang. "*"Ahm.. Sino kayo?"*"Tanong ko. Pero nagulat nalang ako ng lumapit sakin ang isang babae at niyakap ako ng mahigpit. Bakit ang pamilyar ng yakap niya? "*"Shikira..."*"Banggit niya sa pangalan ko na ikataka ko. "*"Ahmm... Miss? Bakit mo alam ang pangalan ko?"*"Tanong ko at naramdaman kong kumalas siya bago tumingin sakin. "*"Wag ka sanang magalit saamin Shikira..."*"Napatingin naman ako sa isang lalaki ng magsalita siya. "*"Magalit? Wala naman kayong ginawa"*"Sabi ko. "*"Tama na yan... Malapit ng bumukas"*"Singit naman nong nakayuko lang na lalaki. "*"Hindi ka man lang ba malulungkot?"*"Tanong nong babaeng yumakap sakin. "*"Para saan pa?"*"Sabi naman nong lalaki. Hinawakan nong babae ang dalawa kong kamay at ngumiti sakin. "*"Goodbye Shikira"*"Sabi niya ng mapamulat ako bigla at tumambad sakin ang kesame ko. Pinikit ko muna ang mata ko bago ko kinalma ang sarili ko. Anong klaseng panaginip yon? Umopo ako at tumingin sa tabi ko pero walang Diarian ang nakita ko. Baka nagluto lang. Naligo na ako at nagbihis. Walang klase ngayon kaya hindi ako naka uniporme syempre. Lumabas na akong kwarto at tumambad sakin ang mga pagkain na ikangiti ko. Sabi ko na nga ba. Pumunta akong kusina at aktong gugulatin sila pero wala akong makitang ni isang tao sa kusina. "*"Rizire? Diarian? Zinc?"*"Banggit ko Isa Isa sa mga pangalan nila. Pero katahimikan lang ang sumagot. Nasan na ba sila? Lumabas akong kusina at hinanap sila sa sala. Pati sa ilalim ng mesa sa upuan at sa kung saan saan pang pwedeng mapagtaguan pero hindi ko sila nahanap. Nasaan na ba kasi kayo? "*"Ha..ha..ha.. Magpakita na kayo"*"Sabi ko at pilit na tumawa pero ilang minuto ang lumipas pero wala pa din sila. Nagsimula na akong mag-alala pero nangibabaw ang takot at kaba sa dibdib ko. "*"Hindi magandang biro to"*"Sabi ko ulit. "*"Magpakita na kasi kayo! Kakain na tayo!"*"Sabi ko at nagsimulang maglakad. "*"Alam niyo na bang gutom na ako?"*"Sabi ko at hindi ko na malayan na nagsimula ng magsitulo ang luha ko. "*"Bakit ba ako umiiyak?'*"Tanong ko at pilit na pinupunasan ang mga luha ko pero parang gripo lang ito na sige sa pagtulo. "*"Diarian! Rizire! Zinc! Magpakita na kayo!"*"Sabi ko at pumasok sa kwarto pero napatigil ako ng bukas ang kabinet kung saan nandon ang mga gamit nila at gamit na binigay ko kay Zinc. May mga panlalaki kasing binili sakin si Tita na ikataka ko naman pero hindi na ako nagtanong. Lumapit ako doon at aktong isasarado ng makitang walang mga gamit doon at tanging kay Zinc lang ang meron. May magnanakaw ba? Pero imposible naman na magkainterest ang magnanakaw sa mga damit. Sinarado ko na ito at lumabas ng kwarto. "*"Hindi ba talaga kayo magpapakita? Yong gamit niyo din pala! Saan niyo nilagay?"*"Sabi ko at umopo. Para akong baliw na nagsasalita mag-isa. Saglit natatawa at iiyak. Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa at sa gitna ng mga pagkain. Nakakita ako ng papel kaya kinuha ko ito at nalaman kong sulat pala. Ano nanaman ba ang pakulo nila? Babasahin ko na sana ng may puting ilaw nalang ang biglang sumulpot sa harap ko na ikapikit ko at naramdaman ko nalang ang malamig na sahig pero bago ako mawalan ng malay ay may narinig pa akong may nagsalita. "*"Tsk. Aalis na nga hindi pa binura ang memorya. Mabuti nalang talaga at naisipan kong pumunta dito"*"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD