Chapter 10

1401 Words
Real Beginning Kinusot ko muna ang mata ko bago ko dahan dahan na minulat. Bumungad sakin ang kisame ko. Iniling ko muna ang ulo ko bago ako umopo at ininat ang kamay ko. Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman kong may mainit na likido at nalaman kong umiiyak ako. Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? May sakit ba ako? Tumayo nalang ako at naligo bago ako naghanap ng damit at napatigil ang tingin ko sa kabinet. Linapitan ko ito at nakita ko ang mga damit ko. Kumuha ako ng masusuot bago ko sinuot iyon. Humihikab na lumabas ako ng kwarto at aktong didiretso ng kusina ng makakita ako ng mga pagkain sa mesa. Linapitan ko yon at Isang isang kinuha ang takip. Sino kaya ang nagluto nito? Sa pagkakaalam ko ay ako lamang ang nandito sa bahay. At dahil gutom ako ay mabilis na umopo ako at aktong kakain ng napatigil ako dahil may kutsara at tinidor. May bagong plato din na mas lalong ikataka ko. Teka lang... Bumili ba ako ng mga yan? Napahawak nalang ako sa sikmura ko ng kumalam ito. Mamaya ko nalang iisipin ang misteryoso nagluto at ang mga bagong plato at mga kutsara at tinidor. Kain lang ako ng kain ng nahinto ang tingin ko sa ilalim ng mesa. May parang puting bagay ang nakita ko at dahil nacu- curious ako ay kinuha ko yon at nalaman kong papel pala. Dahil sa pagtataka ay binuksan ko ito at binasa. 'Shikira Naging masaya kami habang kasama ka at natutunan namin ang mga bagay bagay. Naging best friend din tayo at naranasan namin ang pagiging masaya kahit sandali Lang tayong nagkakilala at nagkasama. Mag-iingat ka palagi at alagaan mo din ang sarili mo. Mahal na Mahal ka namin. Goodbye Shikira' Huh? Best friend? May kaibigan ako? Bakit wala akong maalala. Nabitawan ko nalang ng biglang may maliit na apoy ang sumulpot sa taas ng papel hanggang sa kumalat at tinangay ng hangin ang abo. Saan naman galing ang apoy? Ano yon? Magic? At kasama? Anong kasama? Mag-isa lang ako. May pumasok ba sa bahay at pinagtitripan ako ng sulat na to? Kung may kasama ako at kaibigan bakit hindi ko maalala? Ano yon? Naaksidente ako tapos nagka amnesia? Tsk. Baka may nanloloko lang sakin. Nagsimula nalang ulit akong kumain. *** Napasandal ako sa kinauupuan ko ng tapos na akong kumain. May mga tira pa at ang hirap ubusin ang ganitong karaming pagkain ng mag-isa lang. Pero sino kaya ang nagluto? Nakakapagtaka nalang talaga. Tatayo na sana ako ng napatingin ako sa kamay ko. May bracelet na ewan tapos kanina pa ako nagtataka kong anong nakasabit sa leeg ko. Kinapa ko ito at nalaman kong kwintas na ewan din. Bakit ko ba to suot? At paano ako nagkaroon ng ganito? Imposibleng binili ko ito tapos naaksidente ako at nagka amnesia. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko at dahan dahang tinanggal ang kwintas sunod ay ang bracelet. Tsk. Ang ganda pa naman pero baka maholdap ako at kunin to. Tumayo ako at pumuntang kwarto. Kinuha ko ang crossing bell bag ko at nilagay sa loob non ang kwintas at bracelet. Nilagay ko sa maliit na mesa bago ako lumabas ng kwarto at inayos ang lamesa. Hinugasan ko na din at yong mga tira tirang pagkain naman ay nilagay ko sa Tupperware. Dinala ko ito sa kwarto para na din kapag nagugutom ako hindi na ako pupuntang kusina. Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Saan kayo ako pupunta ngayon? Naisipan ko nalang na gumala at kung saan man ako dalhin ng mga paa ko ay doon na ako tatambay. Habang naglalakad ako ay may nakita akong mga lalaking nakacloak. May costume party ba ngayon? Natawa ako ng mahina pero nagulat ako ng mapatingin sila sa deriksyon ko. Ahmm...? Napaatras ako ng sabay silang umabante. Atras lang ako ng atras habang sila ay papalapit na kaya buong lakas na tumakbo ako. Nakita ko pang hinahabol nila ako na ikataka ko. Tumawa lang naman ako ah? Kung saang sulok na ako nagpupunta para lang maligaw sila. Pumunta ako sa madilim na lugar at siniksik ang sarili ko doon. Tinakpan ko ang bibig ko at hindi ko hinayaan ang sarili kong makagawa ng ingay. Nakita ko ang mga sapatos at alam kong sa mga nakacloak yon. Nakita kong wala na naikahinga ko ng maluwag at naghintay ng ilang minuto bago ako dahan dahang sumilip. Tingin ako sa kaliwa at kanan bago ako dahan dahang lumabas sa pinagtataguan ko. Wala naman akong kasalanan ah. Naglakad nalang akong papuntang bahay. Una ay naligaw pa ako pero nakarating din naman ako. Pagpasok ko ay agad na sinarado ko ang pinto. Bakit pakiramdam ko may sumusunod sakin? Baka guniguni ko lang yon. Pagharap ko ay madilim ang paligid hanggang sa umilaw at napasandal nalang ako ng makita ang mga nakacloak na naghahabol sakin kanina. "*"Shiru kunire aluni"*"Sabi nong lalaki. Ano? Anong pinagsasabi ng lalaking to? "*"Huni fikuri Shikira?"*"Nangunot ang noo ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Nakatingin lang ako sakanila ng tumayo ang lalaking nagsalita. "*"Huni fikuri Shikira?!"*"Pasigaw na sabi niya na ikagulat ko. Teka lang naman! Wala akong maintindihan. May kung anong ilaw nalang ang lumabas sa kamay niya at aktong itatapat sakin ng may babaeng sumulpot sa harap ko. "*"Dunemori Shikira! Este umalis ka na! Ako na ang bahala dito"*"Sabi nong babae. Mabuti pa tong babaeng to. Naiintindihan ko pero anong mga nasa kamay nila. "*"Umalis ka na!"*"Pasigaw na sabi nong babae na ikataranta ko at dali daling pumuntang kwarto. Kinuha ko ang wet bag ko at pati na ang crossing bell bag ko. Hindi ko na alam kung ano ang mga nilagay ko sa loob ng wet bag ko at dahil na din sa mga naririnig kong mga kalabog sa labas ay kung ano ang mahahawakan ko ay ilalagay ko sa loob ng wet bag. Dahan dahan akong naglakad papuntang pinto habang nakasabit sa balikat ko ang wet bag. Napahinto ako ng tumahimik ang buong paligid at wala na ang mga kalabog kasunod non ang katok na ikaupo ko sa sahig. Patuloy lang sa pagkatok ang kung sino at naging malakas na ito hanggang sa huminto kasabay ng pagkasira ng pinto ko. Bumungad sakin ang babaeng tumulong sakin. "*"Tsk. Shikira! Bakit hindi mo ko pinagbuksan? Yan tuloy na sira ang bulok mong pinto"*"Sabi niya at nameywang sa harap ko. Akala ko mabait. Para siyang si... "*"Uupo at titingin ka lang ba sakin? Tsk."*"Sabi niya kaya natauhan ako at dahan dahang tumayo. Hindi man lang ako tinulungan. "*"Sumunod ka nalang sakin. Pero kung ayaw mo pwede ka namang magpaiwan dito. You choose"*"Sabi niya at lumabas kaya mabilis na sinundan ko siya. Napangiwi ako ng makitang ang g**o ng bahay. Sira na ang buong lugar na ikangiwi ko lalo. Wala na din ang mga nakacloak na ikataka ko. Saan na sila nagpunta at paano bigla nalang sumulpot ang babaeng to. Dumaan kami sa butas ng pader. Habang naglalakad ay napatingin ako sa likod niya. Ang ganda niya kaso mukhang masungit tapos may pagkamaputi siya at may cyan din siyang buhok. Ang cool naman. Ang suot niya ay parang pang prinsesa. Ang ganda! "*"Stop staring at me"*"Sabi niya kaya napaiwas ako at tumingin nalang sa paligid. Paano niya nalaman na nakatingin ako sakanya? Inilibot ko sa paligid ang tingin ko. Hindi ko namalayan na nasa kagubatan na pala kami. Napatingin ako sakanya ng magsalita siya. "*"Save your life Shikira. See ya!"*"Sabi niya at bigla nalang naglaho na ikagulat ko. Totoo ba yon? Paano? At bakit iniwan niya ako? Nagsimula na akong maglakad dahil kapag tatayo lang ako at walang gagawin ay baka mapahamak pa ako. Napakapamilyar ng lugar nato pero hindi ko lang maalala. Napahinto ako at napatingin sa di kalayuan. Nakita ko ang malinaw pa sa malinaw na ilog kaya agad na tumakbo ako papunta doon. Ang ganda ng lugar dito! Napatingin ako sa Ilog ng may kung anong pumorma doon at dahil na cu- curious ako ay bumuga muna ako ng hangin bago ko mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa wet bag ko at naglakad palapit doon. Nang makalapit ako ay mas lalong lumaki yon at dahil na din sa kaba ay aatras na sana ako ng madulas ako at dumiretso sa ilog. Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari basta pakiramdam ko lang ay parang nahuhulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD