Chapter 11

1235 Words
Zanyier World. Minulat ko ang mata ko at wala akong makita dahil ang dilim ng buong paligid. Umupo ako at nalaman kong nakahiga pala ako sa bato kanina. Gumapang ako at baka kapag tumayo ako ay kung ano pa ang mangyari sakin. Habang gumagapang ako ay bigla nalang umilaw ang buong paligid at nalaman kong nasa loob ako ng kweba. Nagtaka ako ng makarinig ako ng tawa kaya lumingon ako sa likod at nakita ang isang babae na may dilaw na buhok. Nang makita niyang nakatingin ako sakanya ay agad na tumigil siya at tumikhim. Tumayo ako sa pagkakadapa at nagtatakang tiningnan siya. "*"Paanong may ilaw dito?"*"Tanong ko at nakita kong nangunot noo siya at bakas sa mukha niya ang pagtataka. "*"Shie bineli"*"Sabi niya kaya ako naman ang nangunot noo. "*"Huh? Sino ka at ano ba ang ibig mong sabihin?"*"Tanong ko at nakita kong huminga muna siya ng malalim at hinawakan ang nguso niya na parang nag-iisip. "*"Hindi...intindahan"*"Sabi niya habang umiiling. Hindi intindahan? "*"Hindi mo ko maintindihan? Yon ba yon?"*"Tanong ko at tumango tango naman siya. "*"Ikaw... Sino?"*"Tanong niya sabay turo sakin. "*"Ako... Shikira... Osmeña"*"Sabi ko sabay turo sa sarili ko. Nakita kong napangiti siya bago nagsalita. "*"Ako... Fevune... Duino"*"Sabi niya kaya tumango ako. "*"Bakit...ako... Dito?"*"Tanong ko sabay turo sa paligid. "*"Kita... Gubat"*"Sabi niya. Nakita niya ako sa gubat? Paano naman ako nakarating ng gubat. Ang hirap naman magsalita ng ganito!. "*"Wala... Alala"*"Sabi ko. "*"Kita... Gubat... Ako... Dala... Ikaw... Dito"*"Sabi niya. Babae lang naman siya ah. Paano niya ako nadala dito? "*"Paano?... Babae... Ikaw... buhat.... Mo...ko?"*"Tanong ko at nakita ko siyang umiling kasabay ng pagpasok ng isang may katandaan na lalaki. "*"Fevune? Bakit nakatayo siya? Ipaupo mo muna siya dahil sariwa pa ang sugat niya sa noo"*"Sabi nong lalaki na ikanganga ko. Alam niya kung paano magtagalog? Ibig sabihin alam din nitong si Fevune? "*"Iha... Nagkakamali ka ng iniisip. Nag-aaral pa itong si Fevune"*"Sabi niya kaya napaturo ako sa sarili ko at tumango naman siya. "*"Oo ikaw"*"Sabi niya. "*"P-paano niyo po nalaman ang iniisip ko? Manghuhula ka po ba?"*"Tanong ko at naiiling naman siyang natawa. "*"Hahaha... Wala iha... Umopo ka muna"*"Sabi niya kaya umopo naman ako sa upuan na bato. "*"Paano po ako nakarating dito?"*"Tanong ko. "*"Nakita ka lang namin sa gubat at dinala ka namin dito. May sugat ka sa noo dahil mukhang tumama ang noo mo sa bato"*"Sabi niya kaya napatango ako. Bakit hindi ko maramdaman ang kirot? "*"Nagamot na kasi yan kaya hindi yan kikirot maliban nalang kong hahawakan mo"*"Sabi niya na ikagulat ko. Magsasalita na sana ako ng sumingit si Fevune. "*"Ako... Gutom"*"Sabi niya at naalala ko ang wet bag ko kaya tumingin ako sa paligid. "*"Ito ba ang hinahanap mo iha?"*"Tanong nong matanda kaya tumango ako at binigay naman niya sakin. "*"Ako pala ang Tatay nitong si Fevune. Tawagin mo nalang akong Tay"*"Sabi niya kaya tumango ulit ako. Binuksan ko ang wet bag ko at napatigil sa bumungad sakin. Yong tupperware na hinanda ko na may lamang pagkain at yong crossing bell bag ko. Nilabas ko na lahat ng nasa loob pero wala ni isang damit ang nakita ko. "*"Ano...to?"*"Napaangat ako ng tingin ng magsalita si Fevune at nakita kong hawak niya ang isang tupperware habang binabaliktad baliktad. "*"Lagayan... Loob... Pagkain"*"Sabi ko sabay kuha at binuksan ito sabay bigay sakanya. Nilapag niya sa sahig at kumuha ng karne sabay dahan dahang kinain hanggang sa tuloy tuloy na ang pagkain niya. Binuksan ko yong Isa at binigay kay Tay. "*"Ikaw? Hindi ka ba nagugutom?"*"Tanong niya kaya umiling ako. "*"Busog pa po ako"*"Sabi ko habang binabalik ang mga gamit ko sa loob ng wet bag. "*"Sinong nagluto nito?"*"Tanong niya kaya nagkibit balikat ako. "*"Nasa lamesa ko na po yan at sayang naman po kung itatapon ko"*"Sabi ko kaya napatango siya. "*"Paano ka pala napunta sa gubat?"*"Tanong niya kaya napaisip ako at inalala ang nangyari. "*"Basta lang po akong nahulog tapos yon lang po"*"Sabi ko na ikatango niya. "*"Nasan po ba ako?"*"Tanong ko. "*"Mamaya... Sasabihin ko sayo paglabas natin"*"Sabi niya Kaya tumango nalang ako. "*"Ikaw... Saan?"*"Tanong ni Fevune. "*"Ako... Los Angeles"*"Sabi ko na ikakunot noo niya. "*"Wala... Los...Angeles"*"Sabi niya habang umiiling na ikataka ko. Walang Los Angeles? Magsasalita na sana ako ng maunahan na ako ni Tay. "*"Tama na yan. Fevune. Tapusin... mo...na...pasyal...natin... Shikira"*"Sabi ni Tay na mas lalo kong ikakunot noo. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Baka narinig niya lang nong nagpakilala ako kay Fevune. "*"Ako... Tapos"*"Sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya at tumayo kaya tumayo na ako pati na si Tay. "*"Sumunod kayo"*"Sabi ni Tay at nagsimulang maglakad kaya sumunod kami sakanya. "*"Saan... Bahay?... Hatid...namin"*"Sabi niya kaya natawa nalang ako sa isip ko. Ihahatid niya bahay ko? HAHAHAH "*"Hindi...pwede... Mabigat"*"Sabi ko at kasunod non ang tawa ni Tay. "*"Shikira. Ang ibig sabihin niya ay saan ka nakatira at ihahatid ka namin"*"Sabi niya kaya napatango ako. "*"Hindi... Pwede... Delikado..."*"Sabi ko na ikataka niya. "*"Bakit..."*"Sabi niya. "*"Dahil..."*" Ang hirap naman mag-explain... "*"Sabihin.... Susunod"*"Sabi ko. "*"Ngayon..."*"Sabi niya. "*"Hirap... Sabihin..."*"Sabi ko kaya napatango nalang siya. "*"Shikira! Maligayang pagdating sa Zanyier World..."*"Sabi ni Tay kaya napatingin ako sa harap at namangha ako sa nakita ko. Ang ganda ng mga puno at may ibat ibang kulay. Madaming mga bulaklak at may kung anong maliit na bilog ang lumilipad. Pero napansin kong walang mga buhay ito. At napansin ko din na nasa kagubatan kami. Naglakad ako pa abante at nilibot ang tingin ko sa buong paligid kaya mas lalong gumanda ang sinag ng araw. Ang kaninang walang buhay ay naging makulay. Mas lalong gumanda ang buong paligid. Ang mga punong naputol ay mabilis na tumubo na ikagulat ko. Totoo ba ang mga nakikita ko o nananaginip lang ako? Kinurot ko ang pisngi ko pati na ang kamay ko na ikadaing ko dahil sa sakit. Totoo nga ang nakikita ko! Pero paano? "*"Tay... Kami... Ilog"*"Sabi ni Fevune kaya napatingin ako sakanila at nakita kong mababakas ang saya sa mata nila habang nakatingin sa paligid. "*"Kayo... Ligtas...uwi"*"Sabi ni Tay at tumango naman si Fevune bago niya ako hilahin sa kung saan. Ang mga nadadaanan namin habang naglalakad ay nabibigyan ng buhay. Huminto kami sa pamilyar na ilog. "*"Yan! Diyan ako nahulog nong madulas ako"*"Sabi ko. "*"Hindi...intindihan"*"Sabi niya kaya napailing nalang ako. "*"Ganda... Dito"*"Sabi ko at naglakad papalapit sa ilog at umopo sabay hawak ng tubig. Gusto ko ng bumalik sa amin pero delikado. Zanyier World... Zanyier World... Anong Zanyier World? Nasaan ba talaga ako at bakit kakaiba ang mga nakikita ko dito. May trabaho at may klase pa ako... Paano na ang kinabukasan ko? May umopo sa tabi ko kaya napatingin ako. "*"Alam... Gusto... Uwi"*"Sabi niya kaya tahimik lang akong tumingin sa tubig. "*"Gusto...ikaw...uwi? Iwan... Kami?"*"Tanong niya na ikatigil ko. Iwan...kami? Iwan...kami? Iwan... Napatingin ako sakanya at mababakas ang lungkot sa mukha niya. "*"Hindi... Iwan... Hindi...uwi... Ako...tira...dito"*"Sabi ko kaya mabilis na napatingin siya sakin at ngumiti sabay yakap sakin. "*"Wag...iwan...kami...lungkot"*"Sabi niya Kaya niyakap ko siya pabalik. Para kaming mga arabo kung mag-usap. Naku...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD