Pasyal
Nandito kami sa Ilog at naliligo. Si Tay ay nasa malaking bato at nakaupo lang.
Niyaya namin siya kanina pero sabi niya ay mamaya nalang daw siya.
Napatigil ako ng winisikan ako ni Fevune kaya gumanti ako hanggang sa tuloy tuloy na at narinig nalang namin si Tay na magsalita.
"*"Tama na yan! Kailangan na nating Bumalik"*"Sabi niya kaya umahon na kami at ngayon ko lang naalala na wala akong damit.
"*"Wala... Damit?"*"Tanong ni Fevune ng mapansin niya akong hindi nagbibihis.
Ngumiti naman ako ng pilit at tumango.
May binigay siya sakin at nalaman kong damit.
"*"Ako... Dala... Dalawa... Damit"*"Sabi niya kaya agad akong nagpasalamat sakanya.
Mabilis na sinuot ko ito bago kami nagsimulang maglakad papuntang kweba.
"*"Kasama...ka...noon"*"Sabi ni Fevune kaya napaisip ako.
May kasama ba ako noon? Bakit pakiramdam ko ay meron?
"*"Wala...kasama..."*"Sabi ko at halata ang pag-aalinlangan sa boses ko.
Nakita ko siyang tumango bago bumaling kay Tay na tahimik lang na naglalakad.
"*"Tay! Kami... Pasyal"*"Sabi niya.
"*"Hindi...ligtas"*"Sabi ni Tay at nakita kong sumimangot si Fevune.
"*"Payag...Tay... Ligtas...uwi"*"Sabi niya Kaya napabuntong hininga nalang si Tay at maliit na tumango na ikatuwa ni Fevune.
"*"Basta...uwi...ligtas"*"Sabi ni Tay at ngayon ko lang napansin na nakarating na kami.
Hinila ako ni Fevune kaya nagpahila nalang ako.
Huminto kami sa isang malaking kahoy. May kinuha siya doon at binigay sakin ang isang Tela.
Nakita kong tinakpan niya mukha niya sa telang hawak niya Kaya tumingin ako sakanya na nagtatanong ang mga mata
"*"Hindi...ligtas..takip..mukha"*"Sabi niya kaya tumango ako at ginaya siya.
"*"Hawak...."*"Sabi niya at nilahad sakin ang kamay niya Kaya hinawakan ko ito ng bigla nalang kaming parang nahulog at sumulpot sa harap ng malaking puno.
Saglit akong hindi nakapagsalita at nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Baliw na ako... Iba na ang nakikita ko... Panaginip Lang to...
Pero bakit parang totoo? Ano yon magic? P-paanong nangyari?
Gumising ka Shikira!
"*"Shikira..."*"Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Fevune.
Tumingin ako sakanya.
"*"Paano..."*"Sabi ko kaya napabuntong hininga siya at ngumiti sakin.
"*"Hindi...normal...kami"*"Sabi niya kaya muli akong hindi nakapagsalita.
A-aswang sila? Tapos kakainin nila ako?
"*"Bait...kami"*"Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"*"Tara...pasyal"*"Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila.
Bumungad sakin ang madaming tao.
"*"Araw...kasiyahan...ngayon"*"Sabi niya kaya tumango ako at nilibot ang tingin ko sa paligid.
"*"Bayan... Buren"*"Sabi niya.
Napansin ko na ang iba ay nagtataka na nakatingin samin.
Agaw pansin talaga kami dito dahil na din may takip ang mga mukha namin.
"*"Wag...intindi...pasyal...doon"*"Sabi niya at muli niya akong hinila.
Huminto kami sa harap ng tindahan.
Lumapit ang babae at may binigay na tatlong maliit na matalim na bagay kay Fevune.
May binigay naman si Fevune na tatlong maliit na parang bato na kulay puti.
Napatingin ako sa harap ng sumulpot ang mga prutas na nakabitay.
Napansin ko din na may guhit bilog sa bawat prutas. Yong iba ay kakaiba pero mas madami ang mansanas.
Nanunuod lang ako kay Fevune bago niya hinagis ang isang hawak hawak niyang ewan at nadaplisan lang ang isang mansanas at hindi tumama sa guhit na bilog.
Umulit ulit siya pero wala pa din hanggang sa last nalang niya.
Nakita ko siyang pumikit bago huminga ng malalim at nagmulat sabay hagis at laking gulat niya ng tumama sa bilog.
Nagtatalon na tumingin sakin si Fevune at bakas sa mata niya ang saya.
Hindi naman sa gitna talaga tumama. Sa loob ng bilog ng linya lang naman tumama.
Tsk.
Lumapit ang babae at may binigay na dalawang maliliit na bato at nagulat ako ng malaman kong ginto!
Binigay niya sakin ang isa pero binalik ko lang sakanya.
"*"Sayo... Wag...iwala..."*"Sabi niya at kinuha ang kamay ko at nilagay doon at kahit na may takip ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya.
Madami kaming napuntahan at maganda din ang mga tanawin dito.
Hinila niya ulit ako at nagtaka ako ng papunta kami sa mga taong may pinagkakaguluhan.
Siniksik namin ang sarili namin pero nababalik lang kami sa pwesto namin.
Hanggang sa buong lakas na sumiksik siya at dahil hawak hawak niya ako ay nasali na ako sa pagkasiksik at dahil na din sa dami ng tao ay natulak kami sa harap habang nasa likod ko si Fevune.
Napansin kong tumahimik ang buong paligid at nakita kong lahat ng tao ay nakatingin samin.
Tumingin ako sa kinatatayuan ko at nalaman kong nasa isang bilog kaming dalawa.
Nagsalita ang lalaking nasa itaas ng stage at hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ni katiting ay wala talaga.
Tumabi sakin si Fevune at kita ko ang inis sa mata niya na ikataka ko.
Wala talaga akong maintindihan... Ano ba kasi ang ibig sabihin.
Alam kong hindi sila mga normal pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko at hindi ako natatakot sakanila.
May lumapit samin na dalawang lalaki habang may dala dalang espada.
Aktong ibibigay nong Isa sakin ang isang espada ng agawin yon ni Fevune at umiling.
Dalawa na ang dala dala niyang espada at naglakad siya sa harap.
Nagtatakang nanunuod lang ako dito ng biglang dumilim ang buong paligid at sunod non ang pagsulpot ng lalaking nakaitim at sa nakikita ko ay kaedad lang namin ito.
Nakahood siya kaya mahirap sakin na makita ang mukha niya.
Biglang umilaw ang buong paligid at wala ng dilim na ikagulat ng nandito na ikataka ko nanaman.
Teka lang naman! Wala akong maintindihan! Ano ba kasi ang nangyayari ngayon?
Nakita kong may dalang espada na ngayon ang lalaki pero bago pa sila sumugod sa isat Isa ay nagsisulpotan ang mga epal.
Ang ganda na sana eh. Epal talaga.
May mga naka cloak na sumulpot sa harap at nakita kong nagsitakbuhan ang nandito at tanging ako at sila nalang ang natira.
Sumugod ang nakacloak at kung anong ilaw ang lumabas sa kamay nila.
Nakita kong may nakatali kay Fevune at sa lalaki. Biglang inalis ng isang lalaking nakacloak ang hood nong lalaki na kaedad lang namin kaya nakita ko na Ng tuluyan ang mukha ng lalaki at hindi ko itinatanggi na gwapo siya.
Ang gwapo niya at maputi din siya.
Iniling ko ang ulo ko. Kung ano ano nalang ang naiisip ko.
Muli akong tumingin sa harap at nagulat ako ng makawala sina Fevune at ngayon ay laban laban na nila ang mga lalaki ng may pumalakpak na ikatigil nila.
Tiningnan ko kung sino at nakita ang lalaking nakaupo at hindi naalis sa mukha niya ang pagkamangha.
May sinabi pa siya na hindi ko maintindihan basta alam kong hindi nagustuhan nina Fevune dahil nakikita ko ang inis sa mga mata nila.
May sumulpot ulit sa gitna at nakita ko si Tay at bago pa man ako makikipagkamustahan ng bumungad bigla sakin ang bato na pader.
"*"Sinabi...delikado"*"Napakurap ako bago ako tumingin sa likod at nalaman kong nasa kweba kami at nakita ko si Tay sa harap ng nakayukong si Fevune.
May pinag-usapan pa sila na hindi ko maintindihan dahil ibang lengwahe ang gumagamit nila.
Nanunuod lang ako sakanila habang parang sinesermonan ni Tay si Fevune.
Kaya sumandal muna ako at nangalumbaba.
Gusto ko silang maintindihan pero sa nakikita ko ay mahirap mag-aral ng lengwahe nila.
Hanggang sa nakita kong bumuntong hininga si Tay bago bumaling sakin.
"*"Shikira... Kakain na tayo"*"Sabi niya at umalis at iniwan ang nakayukong si Fevune.
Nilapitan ko siya at kinalabit kaya napaangat siya ng tingin.
"*"Kain..."*"Sabi ko at tumango naman siya.
Ngumiti ako sakanya bago inakbayan at sabay kaming naglakad papunta kay Tay.