Fevune Duino
Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay nakaupo kami sa sanga ng puno habang nasa tabi ko si Fevune.
Magkasama naming pinapanuod ang araw na bumababa.
Palagi namin itong ginagawa.
"*"Alis ka na?"*"Tanong niya kaya tumingin ako sakanya pero saglit lang at tumingin din ulit sa harap.
Sa lumipas na araw ay malapit na siyang makapagsalita ng tagalog. Yong hindi na gaya ng dati.
"*"Kailangan kong umalis Fevune..."*"Sabi ko.
Naiintindihan na din niya ako. Ang kulang lang talaga ay kung magsalita siya. Yong may kulang kulang.
"*"Bakit? Iwan mo kami?"*"Tanong niya at halata sa boses niya ang lungkot.
"*"Fevune. Pinaliwanag ko na sainyo. Hindi ako pwedeng magtagal sa mundo niyo. Hindi ako nabibilang sainyo. Isa akong tao habang kayo ay mga Macian. Gaya ng sabi ni Tay ay kapag nalaman ng mga ibang Oat na Tao at normal lang ako ay siguradong aabot sa mga Zanian yon"*"Sabi ko.
Ang Macian ay katulad nila. May mga kapangyarihan. Una ay hindi ako naniniwala pero ng iniba ni Fevune ang panahon. Yung pinakidlat niya kahit na ang ganda ng sinag ng araw ay doon na ako naniwala.
Ang Macian din ang Isa sa mga special na Oat. Bilang nalang ang nakikita na kagaya nila dahil ang iba ay pinapatay dahil sa inggit. Gaya ng sabi ko ay mga Special sila.
Ang Zanian naman ay parang mga boss boss lang dito sa Zanyier World. Pangalawa na namumuno dito si Zanyier ay ang Zanian.
Hindi ko pa alam kung sino ang mga Zanian basta ang alam ko lang ay sila ang kumukuha sa mga kagaya ko at malas daw ako dahil ako ang unang tao na nakapasok dito sabi ni Tay.
Ang Oat naman ay...
Hmm.. Tao ang tawag sa mga katulad ko habang sakanila ay Oat naman.
"*"Pero andito naman kami"*"Sabi niya.
"*"Paano kung dahil sakin napahamak kayo?"*"Sabi ko at tumingin sakaniya.
"*"Fevune... Isa akong Tao... Hindi ako kagaya niyo..."*"Sabi ko kasabay non ang pagtulo ng luha niya.
Yinakap ko siya kaya yinakap niya din ako pabalik.
Sa tagal kong namuhay dito ay tinuring ko na silang pamilya. Para ko na ding kapatid si Fevune kaya mahirap sakin ang iwan sila dito.
Kung katulad lang talaga ako sakanila...
Tinapik tapik ko ang likod niya para tumahan na siya pero iyak pa din siya ng iyak.
Nalaman ko ding wala na ang Mama niya. Namatay dahil sa pagligtas kay Fevune. Sa mga araw daw na yon ay nalaman ng mga ibang Oat na Macian sila.
Kaya pala nagtatago sila dito at kung lalabas kami ay kailangan may takip ang mukha namin.
"*"Uwi na tayo Fevune. Gabi na..."*"Sabi ko pero walang sagot ang narinig ko kaya sinilip ko siya at nakita kong nakatulog siya.
Nakita ko sa di kalayuan si Tay na papunta dito kaya nakahinga ako Ng maluwag.
Bigla siyang sumulpot sa gilid ni Fevune na ikailing ko.
Sa ilang araw kong nakatira dito ay nasasanay na ako sa pasulpot sulpot ni Tay.
Kinarga niya si Fevune at humawak naman ako sakanya kasabay ng pagteleport namin sa loob ng kweba.
Hiniga niya si Fevune pero hindi nakaligtas sa paningin namin ang tuloy tuloy na pagluha niya kahit na tulog na siya.
"*"Aalis kaba talaga?"*"Tanong ni Tay.
"*"Kailangan Tay"*"Sabi ko at inayos ang gamit ko.
"*"Ngayon ka na aalis? Pwede namang ipagbukas nalang"*"Sabi niya.
Umopo muna ako at tumingin sakaniya bago nagsalita.
"*"Kapag bukas na ako aalis baka mas lalo pang iiyak si Fevune. Mas gusto kong makita ang ngiti niya kesa sa iyak niya"*"Sabi ko at narinig ko nalang ang pagbuntong hininga niya.
"*"Sige... Hindi kita pipigilan sa desisyon mo. Basta mag-ingat ka"*"Sabi niya at ngumiti kaya ngumiti ako pabalik sakanya bago ko kinuha ang mga gamit ko.
"*"Pag-sikat ng araw ay sigurado akong bubukas ang lagusan papunta sa mundo mo. Kailangan hindi pa napupunta sa itaas ang araw ay dapat nandon ka na sa Ilog na sinasabi mo at wag kang magkakamaling makatulog doon. Mas mabuting pigilan mo ang antok mo"*"Sabi niya kaya tumango ako at sinabit sa balikat ko ang wet bag.
Lumapit siya sakin at yinakap ako sabay halik sa noo ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"*"Mag-ingat ka... Para na kitang anak Shikira..."*"Sabi niya at binitawan ako.
Lumapit ako kay Fevune at pinunasan ang luha niya.
Alam kong imposibleng magkikita tayo ulit...
Mag-ingat kayo... tandaan niyo ding hinding hindi ko kayo kakalimutan.
Tumayo na ako at tumingin kay Tay bago ngumiti sakanya at naglakad palabas sa kweba.
Madilim na ang buong paligid pero may kunting sinag pa naman.
Habang naglalakad ako ay nag-iisip ako sa bubungad sakin pagbalik sa mundo namin.
Pwede pa kaya ako makapag-aral? Baka nga tapos na ang klase...
Sa trabaho... Si Ma'am Kiana... Si Rita... At iba pa...
Siguro ngayon ay nagtataka na sila kung bakit wala ako.
Kahit na hindi pa ako nakakalapit ay dinig ko na ang agos ng tubig.
Tuluyan na akong nakalapit sa ilog at tiningnan ito.
Matagal pa para sumikat ang araw kaya umopo muna ako sa gilid ng ilog.
Napaisip ako.
Gusto kong manatili dito kasama sila pero baka ako pa ang makapagbigay ng kapahamakan sakanila at kapag nangyari yon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Ilang oras na akong naghihintay hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
Dahan dahan dahan kong minulat ang Mata ko at bumungad sakin ang maliwanag at pamilyar na lugar.
Umopo ako at nagulat ako ng nandito pa din ako sa Zanyier. At huli na din ako.
Sumikat na ang araw...
At nasuway ko ang sinabi ni Tay. Hindi ko na nalabanan ang antok ko.
Paano na ako makakabalik saamin nito?
Tumayo ako at napagdesisyonan kong bumalik kina Tay.
Baka may paraan sila.
Mabilis lang akong nakarating doon at aktong papasok ng makarinig ako ng mabigat na yabag kaya mabilis na nagtago ako sa puno.
Nakita ko ang mga nakacloak. Yong mga nakalaban nina Fevune noong namasyal kami.
Pero bakit nandito sila? Paano nila natuntun ang lugar nato? Sa pagkakaalam ko ay tago ang lugar nato.
Ilang minuto akong nakatago hanggang sa napagdesisyonan kong sumilip.
Nagtaka ako ng makita ko si Fevune na kasama ang mga cloak.
Hindi ko na alam kung saan sila pumunta dahil sabay na nagsilaho silang lahat.
Naghintay muna ako ng ilang minuto at pinakiramdam ang paligid bago ako lumabas sa pinagtataguan ko at mabilis na pumunta sa loob ng kweba.
Nakita ko si Tay na nakaupo habang nakasandal.
Linapitan ko siya at umopo sa harap niya.
Napaangat siya ng tingin at nakita kong bumakas ang pagkagulat sa mukha niya ng makita ako.
"*"A-ano pong nangyayari?"*"Tanong ko.
"*"Shikira... Bakit nandito ka pa?"*"Tanong niya at hindi pinansin ang tanong ko.
"*"Tay. Sagutin mo muna ako"*"Sabi ko.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"*"Pumunta dito ang mga Zanian. Hindi ko namalayan na nasundan pala tayo nong araw na namasyal kayo. Sinabi nilang kukunin nila si Fevune para pag-aralin dahil sa galing na pinakita niya. Hindi na ako makaangal dahil wala akong laban sa mga katulad nila"*"Sabi niya.
"*"Saan nila dadalhin si Fevune?"*"Tanong ko.
"*"Sa Royal Charm Academy"*"Sabi niya na ikakunot noo ko.
"*"Eskwelahan?"*"Tanong ko. Tumango naman siya.
"*"Mas mabuting Bumalik ka na sa mundo niyo Shikira. Delikado ang katulad mo kapag nanatili ka pa dito. Lalo na at nalaman ng mga Zanian ang lugar nato"*"Sabi niya pero umiling ako.
"*"Hahanapin ko siya Tay... Maghintay kayo sa pagbabalik ko Tay. Pagbabalik namin"*"Sabi ko at bakas sa tono ko ang pagkaseryoso.