Royal Charm Academy
Fevune Pov.
Nakayuko akong naglalakad habang nasa gilid ko ang mga nakacloak.
Aktong titingin ako sa isang puno ng bigla kaming sumulpot sa harap ng gate ng Academy na noon ko pa pinapangarap.
Bumukas ang gate kasabay ng pagbungad sakin ng mga estudyante.
Lahat ay napatingin sa deriksyon namin o sakin.
Yumuko ulit ako.
May lalaking pumunta sa harap namin. Nakita kong nagsiyuko ang mga kawal kaya ginaya ko sila
Diba mga Zanian yong mga kanina?
"*"Sabi ng Headmaster ay ideretso niyo raw siya doon"*"Sabi niya bago umalis.
Muli kaming naglakad at ilang minuto ay huminto kami sa parang ginto na pintuan.
Binuksan nila ang pinto bago ako pinapasok. Nakita kong nagpaiwan sila kaya nagkibit balikat nalang ako.
Bumungad sakin ang pamilyar na lalaki. Siya yong pumalakpak kaya napatigil kami sa paglalaban doon sa bayan ng Buren.
Sumenyas siya na umopo ako kaya sinunod ko siya.
"*"Anong pangalan mo iha?"*"Tanong niya.
"*"Gusto ko ng umuwi"*"Sabi ko at hindi pinansin ang tanong niya.
Kailangan ko ng umuwi para makaabot ako sa pag-alis ni Shikira. Hindi pwedeng aalis nalang siya bigla at talagang magagalit ako.
"*"Hmm... Ayaw mo ba dito? Pwede kang mag-aral dito ng libre lang"*"Sabi niya na ikatigil ko.
Libre? Pwede na akong mag-aral sa Academy na pinapangarap ko!
Pero...
Hindi pwede. Paano na si Tay? Paano kung maliligaw ulit si Shikira sa lugar namin at dapat lang na ako ang unang bubungad sa paningin niya.
Umiling ako bilang sagot.
"*"Bakit naman?"*"Tanong niya.
"*"Kailangan ako ni Tay at..."*"
"*"Yong Tay mo? Pwede namin siyang ipasundo at bigyan ng mabuting pamumuhay"*"Sabi niya.
"*"Mas mabuti ng ganito nalang ang pamumuhay natin Fevune... Gusto kong bubungad sakin ang magandang tanawin at malamig na simoy ng hangin"*"
"*"Hindi niya kailangan ng magandang pamumuhay. At nagmamakaawa po ako. Ibalik mo po ako samin. Wala naman kaming ginawang masama"*"Sabi ko at nakita ko siyang tumatango tango kaya nagkaroon ako ng pag-asa.
"*"Sige. Ibabalik kita sainyo sa isang kondisyon"*"Sabi niya kaya naghintay ako sa susunod niyang sasabihin.
May binigay siya saking folder at tumingin sakin na may malawak na ngiti.
"*"Mag-aaral ka dito"*"Sabi niya at aktong tatanggi ako ng inunahan na niya ako magsalita
"*"Gusto mong bumalik sainyo diba?"*"
"*"Pag nakapasa ka sa battle... Pwede kitang payagan na pumunta sa Tay mo"*"Sabi niya at dahil na din gusto ko ng makaalis dito ay agad na tumango ako.
Lumabas na ako doon ng hindi nagpapaalam.
"*"Ihahatid-"*"
"*"Wag na. Kaya ko ang sarili ko"*"Putol ko sa sasabihin ng kawal.
Nagsimula na akong maglakad at mabilis na hinanap ang magiging dorm ko na nakita ko naman.
Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ng babaeng may Violet na buhok.
"*"Ikaw ba ang magiging dormmate ko?"*"Tanong niya kaya tumango ako.
Pinapasok niya ako at tinuro niya din ang magiging kwarto ko.
Pumasok ako at bumungad sakin ang malaking kama. May lamesa sa gilid nito at bagay na bagay saakin ang kulay ng buong kwarto.
May kulay dilaw akong buhok at kulay dilaw din ang nandito.
Umopo ako sa kama at tumingin sa bintana.
Kamusta na kaya si Tay? Si Shikira? Nakaalis na kaya siya.
Mas gugustuhin kong makasama sila kesa mag-aral dito.
Humiga ako sa kama at pumikit.
Gusto ko ng umuwi... Hindi ako komportable pag ganito. Gusto ko ng bato na higaan...
~***~
Minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang dilaw na kisame.
Umopo ako at akala ko ay si Tay na nakapameywang ang bubungad sakin at si Shikira na nakasandal sa pader ang makikita ko.
Pero tanging kabinet at mga gamit ang bumungad sakin.
Walang Tay...
At walang Shikira...
Tumayo na ako at pumuntang banyo.
Pagpasok ko ay bumungad sakin ang shower, bath tub, Mirror at iba pa.
Alam ko namang gamitin lahat yan nong buhay pa si Mama. Matagal lang talaga akong nakakita ng mga ganito at matagal na din akong nakakagamit.
Lumapit ako sa shower at binuksan kasabay ng pagdampi ng malamig na tubig sa balat ko.
Mabilis na natapos akong maligo at ngayon ay nakatapis ako habang nakatingin sa mga damit na nasa kabinet.
Mga uniporme lang ang nandito at wala ni isang matino na damit.
Pumunta ako sa isang kabinet at nakita ko ang mga matitinong damit pero kailangan pang paresan ng hood.
Nagsuot na ako ng uniporme bago ako humarap sa salamin.
Author:Tamad akong magdescribe ng masusuot. Blured din naman ang mga ini-imagine niyo.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko ang babaeng may violet na kulay ang buhok na naka-upo sa harap ng mga pagkain habang nakalumbaba.
Para siyang may hinihintay.
Tumikhim ako kaya napatingin siya sakin at bigla nalang umayos ng upo at ngumiti sakin kaya ngumiti ako pabalik.
"*"Upo ka na"*"Sabi niya kaya umopo ako sa harap niya.
"*"Ako pala si Vonia Chime. Ikaw?"*"Tanong niya at nilahad niya sa harap ko ang kamay niya.
"*"Fevune Duino"*"Sabi ko at tinanggap yon.
Habang tahimik kaming kumakain ay nagsalita siya.
"*"Tagasaan ka pala?"*"Tanong niya maya napatigil ako.
"*"Taga..."*"
Nakita ko siyang naghihintay sa susunod na sasabihin ko.
"*"Ayos lang naman kung ayaw mong sabihin"*"Sabi niya at ngumiti.
Muli kaming kumain ng tahimik hanggang sa natapos na kami.
Sabay na din kaming pumunta sa silid-aralan namin. Nalaman ko din na parehas kami ng seksyon.
Ngayon ay nakatayo ako sa harap ng mga kaklase ko habang nasa gilid ko ang Prof namin.
"*"Ako si Fevune Duino"*"Pagpapakilala ko at ngumiti.
Pinaupo na ako Ng Prof. At nakita kong mga mababait ang mga kaklase ko.
Uupo na sana ako sa likuran ng may sumigaw.
"*"Fevune! Dito ka sa tabi ko!"*"Napatingin ako kay Vonia ng sumigaw siya.
Nakita ko pang tinulak niya ang katabi niya bago niya tinuro ang upuan.
Naiiling na umopo nalang ako sa tabi niya. Baka masira pa ang malawak na ngiti niya kung hindi ko siya papansinin.
Nagsimula ng magturo ang Prof namin sa harap at tahimik lang akong nakikinig.
Nagbell na hudyat non ay lunch time na.
Hinila ako ni Vonia at kami na ang naunang lumabas sa silid aralan.
Habang tahimik naming tinutungo ang cafeteria ay napapansin ko ding tumitingin sa deriksyon namin ang ibang mga estudyante.
Pumasok kami sa malamansyon at bumungad samin ang madaming mga estudyante na kumakain.
Cafeteria nila to?
Hinila niya ulit ako sa bakante at pinaupo.
"*"Hintayin mo ko dito Fevune! Libre ko na to"*"Sabi niya at umalis.
Tahimik lang akong nakaupo dito habang tumitingin tingin sa mga estudyanteng nandito.
Maswerte ako dahil libre ang pagpasok ko dito habang sakanila ay gagastos pa ng ilang ginto para makapag-aral dito.
May naglagay ng pagkain sa harap ko kasabay non ang pag-upo ni Vonia sa harap ko.
"*"Masarap yan!"*"Nakangiting sabi niya at nagsimulang kumain kaya tinikman ko muna ang pagkain na nasa harap ko bago ako kumain.
"*"Alam mo? Sa tagal kong nag-aaral dito. Ngayon lang ako nag kadormate"*"Pagsisimula niya.
"*"Dahil bago ka dito ay ipapasyal kita sa ibat ibang lugar!"*"Sabi niya kaya mabilis na napatingin ako sakanya.
"*"Baka makaistorbo ako sayo"*"Sabi ko.
"*"Hindi ka istorbo no! Swerte ka nga eh. Kaya bilisan mo na diyan at sigurado akong mas lalo mong magugustahang mag-aral dito"*"Sabi niya at ngumiti Kaya nginitian ko siya pabalik.
***
"*"Diyan ang library namin"*"Sabi niya at tinuro ang malaking gusali.
"*"Pero wag kang magtatangkang gumawa ng ingay at talagang dapat doble ingat ka. Nakakatakot kasi ang librarian diyan"*"
Madaming lugar ang napuntahan namin at talagang mga magaganda ang mga ito.
"*"Dito naman ang tambayan ko. Ang garden"*"Sabi niya at hinila ako sa malaking puno at umopo kami sa ilalim non.
"*"Dahil nga wala akong kasama. Dito ako palaging pumupunta"*"Sabi niya.
Nilibot ko ang tingin ko at namangha ako sa nakita ko. Mga ibat ibang bulaklak at iba pa. Nakita ko na ang mga ito sa Libro ni Tay. At nalaman kong hindi lang ordinaryo ang mga ito. Makikita ito sa Enchanted Forest.
"*"Malapit ng maggabi kaya bumalik na tayo ng dorm"*"Sabi niya kaya tumango ako.