Chapter 15

1138 Words
Royals Maaga akong gumising at naligo. Ilang minuto bago ako natapos at nagbihis na ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Vonia na kakalabas lang ng kusina habang may dala dalang pagkain. Nilagay niya yon sa lamesa at hinanda niya muna ang hapag bago ako binalingan. "*"Kakain na tayo"*"Sabi niya at umopo kaya umopo ako sa harapan niya. Kanya kanya na kami ng kuha ng pagkain bago ulit tahimik na kumain. "*"Nga pala Fevune. Bilisan mo palang kumain diyan dahil ngayon na ang pagbabalik nila"*"Sabi niya na ikataka ko. Nila? Pagbabalik? Sino? "*"Sinong magbabalik?"*"Tanong ko. "*"Malalaman mo din mamaya"*"Sabi niya kaya kumain nalang ulit ako. Mabilis na natapos kami bago lumabas ng dorm at pumuntang silid aralan. Nakita kong nandito na lahat ng mga kaklase ko. Ang aga naman nila. Umopo ako sa tabi ni Vonia ng biglang nagsilapit ang ilan sa mga kaklase ko. "*"Hi! Ako si Mina"*" "*"Ako naman si Nara"*" Madaming nagpakilala at tanging ngiti lang ang naisagot ko. Bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon at nakita namin si Prof na kakapasok lang kaya mabilis na nagsialisan ang mga kaklase ko at pumunta sa mga upuan nila. Nagsimula ng magturo sa harap si Prof. Napatingin ako kay Vonia ng kalabitin niya ako kaya nagtatakang tiningnan ko siya. "*"Fevune... Pupunta pala tayo sa headmaster office mamayang lunchtime pero syempre bago tayo pumunta don kumain na muna tayo sa cafeteria"*"Bulong niya sakin at gusto ko mang magtanong kung anong gagawin namin sa headmaster office ay tumango nalang ako bilang sagot at muling tahimik na nakinig kay Prof. Lumipas ang oras ay ngayon ay lunchtime na. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay may kung sino nalang ang sumulpot sa harap namin at dahil nga mabilis na nakailag si Vonia at medyo nagulat pa ako ay kasabay ng pagkabangga ko sa kung sino ang pagkaupo ko. "*"Opss. Pasensya na. Liit kasi kaya ayan"*"Nag-init ang ulo ko dahil sa narinig kaya mabilis na inangat ko ang tingin ko kasabay ng paglaho niya. Tanging sapatos na kulay pula lang ang nakita ko. Humanda ka sakin pag nakita kita. Tumayo ako at inalalayan naman ako ni Vonia. Tinulungan na din niya akong pagpagin ang nadumihan Kong uniporme. "*"Ayos ka Lang?"*"Bagot ko siyang tiningnan dahil sa tanong niya. "*"Itulak kaya kita tapos tatanungin kita na ayos ka lang?"*"Bagot na sabi ko na ikangiwi niya. "*"Eto naman hindi ka naman mabiro"*"Sabi niya. "*"Sino ba kasi ang sumulpot bigla?"*"Tanong ko. "*"Nakahood kasi kaya hindi ko nakita ang mukha niya pero mukhang ang gwapo"*"Sabi niya na ikangiwi ko at sinamaan siya ng tingin. "*"Bakit mo pinupuri ang nakabangga sakin?"*"Sabi ko. "*"Hahaha. Pumunta nalang kaya tayo ng cafeteria dahil nagugutom na ako"*"Sabi niya kaya tumango nalang ako. Pagdating namin sa cafeteria ay gaya kahapon ay pinaupo niya ako at nilibre nanaman niya ako ng pagkain. Nang dumating na siya ay nagsimula na kaming kumain. "*"Anong gagawin natin sa headmaster office?"*"Tanong ko at nakita ko lang siyang tuloy tuloy na kumain parang pinagkaitan ng ilang taon na pagkain. "*"Malalaman mo din mamaya"*"Sabi niya kaya tumango ako kahit hindi niya nakikita. *** Headmaster POV. Nakangiting tiningnan ko sila isa isa bago ako nagsalita. "*"Kamusta kayo?"*"Tanong ko. "*"Tsk. Ayos lang naman kami ewan ko nalang sa tatlong yan lalong lalo na yong isa"*" "*"Nasaan siya?"*"Tanong ko. "*"Bigla nalang nawala. Babalik din yon"*" Tumango ako at nagsalita. "*"Kailangan niyo ng bumalik sa pag-aaral!"*"Sabi ko at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ko ang kanya kanya nilang reklamo. Wala pa din silang pinagbago. "*"Pero tapos na kaming mag-aral"*" "*"Mag-aaral pa din kayo at sasali kayo sa mga PALIGSAHAN"*"Sabi ko. Napatigil kami ng may narinig kaming nagsasalita sa labas ng pinto. *** Fevune POV. Nasa harap kami ngayon sa pinto ng headmaster at nagsisikuhan kung sinong mauuna na pumasok. "*"Ikaw nalang kaya. Bago palang ako dito"*" "*"Fevune... Wag ka ng mahiya"*" "*"Ikaw na lang kasi ang mauna Vonia"*" "*"Ladies first dapat"*" "*"Babae ka din naman"*" Napatigil kami ng may kung sino ang tumikhim kaya sabay na tumingin kami sa harap at nakita namin si headmaster na nakatayo habang nakasandal sa pintuan. "*"Anong maipaglilingkod ko sainyo mga binibini?"*"Tanong niya ng kurutin ako sa likod ni Viona kaya palihim na sinamaan ko siya ng tingin at kinurot siya pabalik. "*"Ahh... Yong card po ni Fevune"*"Sabi ni Vonia na ikakunot noo ko. Anong card? "*"Ah! Oo nga pala. Nakalimutan ko. Mabuti at pinaalala mo saakin. Pasok kayo"*"Sabi niya at naunang pumasok bago kami. Umopo kami sa harap ni headmaster. "*"Eto"*"Sabi niya sabay abot sakin ng white card. Tinanggap ko naman ito at tiningnan. "*"Ano po to?"*"Tanong ko. "*"Allowance mo"*"Sabi niya na ikatigil ko at tumingin sakaniya. "*"Allowance?"*"Tanong ko at tumango naman siya. Hindi ko matatanggap to. Libre na nga ang pagpasok ko dito bibigyan niya pa ako ng allowance. Kahit kailan talaga si Vonia. Malilintikan to sakin mamaya eh. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Vonia. "*"Aalis na po kami Headmaster!"*"Sabi niya at hinila ako palabas. "*"Ano to?"*"Sabi ko. "*"Card?"*" "*"Alam kong card to pero hindi ko ito matatanggap"*"Sabi ko habang umiiling. "*"Tanggapin mo na yan Fevune. Allowance ko naman ang mauubos kung ibabalik mo yan"*"Sabi niya na ikatigil ko. Tama nga naman siya. "*"Announcement to all Students! Pumunta kayo ngayon sa Gym. Inuulit ko. Pumunta kayo ngayon sa Gym"*"Napahinto kami sa paglalakad ng marinig namin yon at tatanungin ko na sana si Vonia ng hilahin niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila. Huminto kami sa pulang pinto at pinagbuksan naman kami ng kawal. Nakita ko ang mga estudyanteng nakaupo na may kanya kanyang ginagawa. Nakita ko din ang mga kaklase namin. Pumasok kami sa loob at umopo sa pinakahulihan dahil yon nalang ang bakanteng upuan. Ilang minuto kaming naghintay bago namin nakita si headmaster na pumuntang harap. Bigla nalang tumahimik ang buong paligid at wala ni isang nagtangkang magsalita. "*"Okay Students. Mukhang alam niyo na ang pakay ko kung bakit ko kayo pinapunta dito"*"Simula niya na ikataka ko. Wala akong alam. "*"Let us welcome! The Royals"*"Sabi niya. "*"Lagot..."*"Napatingin ako kay Vonia ng magsalita siya. "*"Ihanda mo ang tenga m-"*"Naputol ang sasabihin niya ng sabay na nagsigawan ang mga estudyante na ikangiwi ko dahil masakit sa tenga. Tinakpan ko ang tenga ko pero kahit na takpan ko ay naririnig ko pa din. "*"Tahimik!"*"Bigla tumahimik ang lahat ng mga estudyante ng magsalita si headmaster. Mukhang hindi din niya kinaya. Tumingin ako sa harap at nakita ko ang dalawang babae at dalawang lalaki. "*"Princess Earth, Princess Air, Prince Water,Prince Fire"*" Sabi ni Headmaster pero nabaling ang tingin ko kay Prince Fire sabay tingin ko sa sapatos niya. Pulang sapatos...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD