Chapter 19

971 Words
Pagmulat ko palang ay bumungad saakin ang puting kisame kasunod non ang mukha ni Vonia na ikapikit ko. "*"Maganda naman ako ah? May papikit pikit ka pang nalalaman diyan"*"Sabi niya kaya nagmulat ako at sinamaan siya ng tingin. Dahan dahan akong umopo at inalalayan niya naman ako. "*"Nasaan ako?"*"Tanong ko. "*"Nasa clinic ka"*"Sabi niya na ikagulat ko at nilibot ang paningin ko. "*"B-bakit ako nandito?"*"Tanong ko. "*"Hindi mo alam?"*"Tanong niya. "*"Magtatanong ba ako kung alam ko?"*"Sabi ko. "*"Oo na. Hmmm.. Nagwala ang kapangyarihan m-"*"Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ang bibig niya. Naaalala ko na! Ayos lang ba siya? "*"S-si Prince Fire? Napano siya? Anong nangyari sakanya? May nangyari ba? Nagkasugat ba siya? Ayos lang ba siya? Ayos lang siya? Saang clinic siya napunta?"*"Sunod sunod kong tanong at aktong tatayo ng pigilan niya ako. "*"Kung makapagtanong ka... Sabihin mo nga sakin. May gusto ka na ba kay Prince Fire?"*"Mapanuring tanong niya na ikatigil ko pero kalaunan din ay sinamaan siya ng tingin. "*"Baka nakakalimutan mo na dahil sakin muntik na siyang mapahamak"*"Sabi ko na ikatango tango niya. "*"Tsk. Magpasalamat ka sakanya kapag nagkita kayo Fevune!"*"Sabi niya kaya tumango ako. "*"Nasan pala siya?"*"Tanong ko at nakita ko siyang natigilan pero kalaunan din ay ngumiti pero halatang pilit. "*"Hindi ko alam. Malay ko ba"*"Sabi niya kaya tumango nalang ako. Tiningnan ko ang sarili ko at nakita kong mga gasgas lang ang natamo ko na ikakunot noo ko. Inalala ko ang lahat na nangyari. Napatingin ako sakanya at sasabihin na sana sakanya na may kidlat na papunta sa deriksyon namin ng hilahin niya ako pababa kasunod non ang malakas na pagsabog at mahigpit na yakap niya. Mabilis na napatingin ako kay Vonia na ngayon ay kumakain. "*"Sabihin mo nga sakin ang totoo. Muntik lang ba na napahamak si Prince Fire o napahamak na talaga siya?"*"Tanong ko na ikatigil niya sa pagkain. "*"Muntik-"*"Pinutol ko siya. "*"Nagsisinungaling ka"*"Sabi ko. Nakita kong napabuntong hininga siya at tumingin sakin. "*"Nasa Dorm ng royals siya ngayon. Nagpapahinga. Malaking impact ang nakuha niya kesa sayo. Nakarinig nalang kasi kami ng malakas na pagsabog. Kaya pumunta kami don. Nakita kitang karga karga niya at paglapagpas niya samin nakita namin ang malaking sugat sa likod niya"*" "*"Oo. Dalawang araw ka ng nanatili sa clinic"*" "*"Wag kang mag-alala. Ayos lang naman daw siya"*" Yan lang ang mga salitang pumasok sa isip ko habang tumatakbo ako papunta sa dorm ng Royals. Wala na akong pakialam sa mga nadadaanan ko basta gusto ko lang humingi ng tawad. Mabilis na nakarating ako at kumatok. Ilang minuto at pinagbuksan ako ni Princess Earth. Bumati ako sakanya at nagtanong kung asan si Prince fire. May tinuro siyang kwarto at pinapasok niya din ako. Nakita ko ang ibang royals pero hindi ko na sila pinansin at agad na pumunta sa kwarto na tinuro ni Princess Earth. Hindi na ako kumatok at agad na pumasok pero halos mataranta ako ng makita ko siyang nakatowel lang. Napatingin siya sakin na ikalunok ko. Yong abs niy- "*"Liit? Anong ginagawa mo dito?"*"Nabalik ako sa realidad at mabilis na lumabas ng kwarto niya. Sumandal ako sa pinto habang sapo sapo ko ang dibdib ko pero napatigil din ako ng makarinig ako ng tawanan. Napatingin ako sa Royals na ngayon ay tumatawa maliban kay Princess Air na nakataas kilay lang na nakatingin sakin. Biglang bumukas ang pinto na ikaatras ko kasunod non ang paglabas niya. "*"Anong ginagawa mo dito? Bawal ang katulad mo dito"*"Sabi niya. "*"Gusto ko lang humingi ng tawad"*"Sabi ko. "*"Bakit?"*"Tanong niya. "*"Dahil... Dahil sakin napahamak ka"*"Nakayukong sabi ko at nakarinig ulit ako ng tawanan. "*"Patawad din ng dahil sakin nagkasugat ka sa likod"*"Sabi ko at nakita ko siyang natigilan. "*"Sinong nagsabi sayo niyan?"*"Tanong niya at sasabihin ko na sana na si Vonia ng may kumatok kaya lahat kami napatingin don. Binuksan yon ni Princess Earth at nakita ko si Vonia na Hinihingal pa. "*"Pasensya na po sa abala Royals"*"Hingi niya ng tawad "*"Ayos lang"*"Sabi ni Princess Earth at pinapasok siya. Agad na pumunta siya sa deriksyon ko at aktong hihilahin niya ako paalis ng bawiin ko ang kamay ko kaya nagtatakang tiningnan niya ako. "*"Kailangan ko pang humingi ng tawad"*"Sabi ko. "*"Fevune. Hindi siya napahama-"*"Pinutol ko siya. "*"Akala mo ba maniniwala ako? Tingnan mo nga ang likod niya"*"Sabi ko at tumingin sa likod ni Prince Fire at mabilis na tinaas ang damit niya na ikagulat ng nandito. "*"T-teka. Anong ginagawa mo? Hindi pa ako handa"*"Hindi ko siya pinansin at sinuri ang likod niya pero halos matulala ako at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita kong walang malaking sugat na sinasabi ni Vonia ang nakita ko. "*"Hehehe. Fevune. Balik na tayo"*"Tahimik lang ako habang hila hila ni Vonia papuntang dorm. Nang makarating kami ay agad na pinaupo niya ako. "*"Vonia. Sinungaling-"*"Pinutol niya ako. "*"Hindi ka naman kasi tumitigil sa kakatanong. Hindi ko din naman na inakala na pupunta ka sa dorm nila"*"Sabi niya. "*"Ilang araw akong nasa clinic? Yong totoo"*"Sabi ko. "*"Dalawang araw!"*"Sabi niya. Naalala ko ulit ang likod ni Prince Fire. Ang puti... "*"Pero bakit hindi siya nagkasugat? Ang naalala ko lang ay pinrotektahan niya ako"*"Sabi ko ng irapan niya ako at bagot na tiningnan ako. "*"Nakalimutan mo na ba na Prinsipe siya? Anong silbi ng pagiging Prinsipe niya kung mahina siya?"*"Sabi niya na ikatango ko. Oo nga naman. "*"Kumain na tayo dahil kailangan mo pang magsanay pagkabukas. Dalawang araw ang nasayang at tatlong araw nalang ang natitira. Si Prince Water ang magsasanay sayo at hindi na si Prince fire. Baka daw makasira nanaman daw kayo ng training room"*"Sabi niya na ikatigil ko at kalaunan ay tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD