Chapter 18

908 Words
The Training Went Wrong Nakaupo ako dito sa sala at nakalumbaba ng biglang may umopo sa tabi ko at alam kong si Vonia yon. "*"Napano ka? Ayaw mong kumain?"*"Tanong niya. "*"Sino makakasama mo?"*"Tanong ko. "*"Oo nga pala! Si Nara ang magiging kasama ko"*"Sabi niya. "*"Diba kaklase natin yan?"*"Tanong ko at nakita ko siyang tumango. "*"Nga pala. Usap usapan ka sa mga estudyante ngayon"*"Sabi niya kaya mabilis na napatingin ako sakanya. "*"Bakit?"*"Tanong ko. "*"Sino ba naman ang hindi ka pag-uusapan? Ikaw kaya ang maswerteng estudyante na makakasama sa pagsasanay si Prince Fire"*"Sabi niya na ikangiwi ko. "*"Ang malas ko kaya"*"Sabi ko. "*"Anong malas? Hindi no!"*"Sabi niya. "*"Pwede bang magpalit tayo ng numero?"*"Tanong ko ng taasan niya ako ng kilay. "*"Ayaw ko nga. Mas mahirap ang pagsasanay kapag kasama ang Isa sa mga Royals. Ewan ko ba sa ibang estudyante at gusto silang makasama"*"Sabi niya. "*"Kumain ka na. Ingat ka ha"*"Sabi niya at nagpaalam sakin bago umalis ng dorm. Kumain nalang ako ng tahimik at ng matapos ay lumabas na ako. Hinanap ko ang training room na sinabi sakin ng isang estudyante ng magtanong ako. Hindi ko naman kasi alam kung na saan ang training room dahil nakalimutan sigurong ituro sakin ni Vonia. Mabilis na nahanap ko naman agad pero ang problema lang ay hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang lokong yon. Ang daming mga kwarto kasi. Isa Isa kong binuksan ang mga kwarto. Yong iba pinagalitan pa ako. Yong iba naman ay kumaway sakin. Natagalan pa ako sa ibang kwarto dahil bigla nalang nila akong hilahin papasok at kung ano ano nalang ang tinatanong. Mabuti nalang talaga at nakatakas ako sakanila. Dalawang kwarto nalang ang natitira at naiiba ito sa kwartong na pasukan ko. Malayo din ito sa kwartong na napasukan ko kanina. Dahan dahan na binuksan ko ang pinto at halos mapasigaw ako sa gulat ng makita ko ang bumungad sakin. May dalawang lalaking nagbibihis at ng mapansin kong lilingon ang isang lalaki ay mabilis na sinarado ko ang pinto at napahawak nalang sa dibdib dahil sa kaba. Baka pagkamalan akong nambubuso. Napatingin ako sa isang pinto. Kung yan ay bihisan ng mga lalaki. Baka bihisan yan ng mga babae. Babae? Parang natotomboy ako ah. Kinuha ko ang dala kong tela at tinakip sa mukha ko bago ako lumapit doon at dahan dahan na sumilip. Mabilis na sinarado ko ito at naglakad paalis. Tama nga ako. May biglang humawak sakin kasabay ng pagsulpot namin sa malawak na lugar. Nasaan ako? "*"Tsk. Babae ka ba talaga?"*"Napatingin ako sa likod at nakita ko si Prince Fire. "*"Bakit ka sumilip sa private na kwarto na yon?"*"Tanong niya na ikatigil ko. "*"A-anong sumilip? H-hindi no"*"Pagtatanggi ko. "*"Tsk. Kala mo siguro hindi kita nakita. May patanggi tanggi ka pang nalalaman"*"Sabi niya. "*"Tsk. Magsimula na tayo para matapos na to"*"Sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at pumwesto. "*"Anong ability mo?"*"Tanong niya at pumwesto malayo sabay harap. "*"Weather manipulator"*"Sabi ko kaya napatango tango siya. "*"Alam mo na ba kung paano gamitin?"*"Tanong niya. "*"Hindi ko pa kayang kontrolin"*"Sabi ko. "*"Tumuwid ka ng tayo pagkatapos ay pumikit ka"*"Sabi niya kaya sinunod ko siya. "*"Isipin mo ako"*"Sabi niya na ikamulat ko sabay sama ng tingin sakaniya at pumikit ulit. "*"Pakiramdaman mo ang panahon ngayon pagkatapos ay magmulat ka"*"Sabi niya kaya sinunod ko siya. Maganda ang sinag ng araw... Nagmulat na ako gaya ng sabi niya. "*"Itapat mo sa langit ang kamay mo tapos sabihin mong mahal mo ako"*"Sabi niya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin. Naiinis ako sa lalaking to eh. Ang sarap ibitay patiwarak. Tinapat ko na ang kamay ko sa langit at naghintay sa susunod niyang sasabihin. "*"Baguhin mo ang panahon"*"Sabi niya. Pumikit muna ako bago huminga ng malalim at tumingin deritso sakanya. Bigla nalang kumulog hanggang sa naging palakas na ng palakas. Nanghihina na din ako at parang may kumukuha ng lakas ko. Kasabay ng pagkaluhod ko ay pagsigaw ni Prince Fire. "*"STOP!"*"Napatingin ako sakanya ng sumigaw siya kaya pilit na pinapatigil ko ang kulog pero mas lalo lang itong lumakas na ikapanghina ko. "*"I SAID STOP!"*"Sigaw niya ulit. "*"I CANT!"*"Sigaw ko pabalik "*"DON'T MOVE!"*"Sigaw niya habang papalapit sakin ng magteleport siya at saktong sa harap ko. Nabaling ang atensyon ko sa di ka layuan ng magsimula ng kumidlat. Kahit saan ako tumingin ay may mga kidlat. Hinawakan niya ako at aktong babawiin ko ang kamay ko ng hinigpitan niya ang pagkakahawak sakin kaya wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Tumingin ako sa paligid at nagtaka ako ng mapansin kong parang papalapit saamin ang kidlat. "*"Nang dahil sayo liit. Mapapahamak tayo ngayon"*"Galit na sabi niya na ikayuko ko. "*"Wag kang magpadalos dalos"*" Sabay na napatingin kami sa taas kasabay ng paglakas ng kulog at pag-ulan. Tinakpan ko ang tenga ko dahil masakit sa tenga ang tunog ng kulog sabayan mo pa ang mga kidlat. A-ayaw ko na dito... Shikira... Tulungan mo kami... Nagulat ako ng biglang may kidlat ang sumulpot malapit saamin. "*"Tumahan ka na diyan. Naghahanap na ako ng paraan para makaalis tayo dito"*"Napatingin ako sakanya ng magsalita siya at ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Napatingin ako sa taas at napakapit nalang ako ng mahigpit sakanya ng makita kong may kidlat na papunta sa... Deriksyon namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD