Chapter 36

1442 Words
Pagsubok 2 "*"Kira!"*"Napatingin ako kay Fevune ng tawagin niya ako. Napansin ko ding napatingin samin sina Earth maliban kay Fire na ngayon ay bagot na nakaupo sa gilid. "*"Kira. Gusto mong sumama samin? Tutal Lancia din naman hanap niyo"*"Sabi niya at sumulyap kina Cheonis. "*"Tsk. Mas mabuting ikaw nalang ang sumama sakanila. Kami nalang ang maghahanap ng Lancia. Baka mapahamak pa kayo"*"Sabi nong Fire at tumayo. "*"Ano naman gagawin namin?"*"Tanong ni Fevune. "*"Maghintay dito. Baka nandito lang ang lagusan papuntang labas"*" "*"Nag-iisip ka ba? Kung nandito lang edi san pa ang maze na yan. Ang paliko likong mga daan kung nandito lang din ang labasan? Ano yon? Nasa gitna ang tinatawag niyong Lancia tapos pagnakapunta kayo don babalik kayo dito kase nandito yong labasan? Yon ba gusto mong iparating? Ha?"*"Mahabang sabi ni Fevune. "*"Alam mo liit? May tinatago ka din palang katalinuhan"*"Sabi ni Fire sabay lapit kay Fevune at inakbayan siya pero mabilis na inalis lang yon ni Fevune at pinanliitan siya ng mata. "*"Wag na wag kang magkakamaling umakbay sakin!"*"Sabi ni Fevune at inirapan siya sabay baling sakin. "*"Kira. Mauna na tayo. May pagkamadamot talaga yang lalaki na yan at di ako sinasama sa mga adventure's"*"Sabi niya at lumapit sakin. "*"Ehem. Tama na yan. Magsimula na tayong hanapin ang Lancia. Malapit ng maggabi. Pasalamat nalang tayo dahil mabagal ang galaw ng oras dito"*"Sabi ni Water at naunang naglakad kasunod ay si Earth at Air. "*"Tsk. Maiwan kayo dito. Kami na ang bahala"*"Huling sabi ni Fire at sumunod sakanila. Umopo sa gilid ko si Fevune at bakas sa mukha niya ang pagkainis. "*"Di ba tayo susunod sakanilan?"*"Tanong ni Cronix na ngayon ay nasa tabi ko na. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Cheonis na ngayon ay karga karga si Vonia na ikailing ko. "*"Susunod tayo syempre"*"Sabi ko. "*"Pabayaan mo nalang sila. Sabi nga nong may pulang buhok. Sila na daw bahala. Mas magandang mag relax nalang tayo dito"*"Sabi ni Cheonis na ikailing ko. "*"Gaya nga ng sabi ni Fevune. May pagkamadamot si Fire. Yong may pulang buhok. Susunod nalang tayo kesa naman uupo lang tayo dito at walang gagawin. Baka di talaga dito ang labasan"*"Sabi ko na ikatango tango ni Cronix. "*"May tama ka nga. Fevune, right? Tumayo ka na diyan magsimula na tayong maglakad"*"Dugtong ni Cronix. Tumayo naman si Fevune na may malawak na ngiti. "*"Sama ako?"*"Tanong niya. "*"Oo"*"Sabi ni Cronix "*"Talaga?"*" "*"Oo nga"*"Sabi ulit ni Cronix. "*"Talagang talaga?"*" Mabilis na inawat ko si Cronix dahil parang handang handa na talagang patulan si Fevune. Ang dali palang mapikon ng lalaking to kapag tinatanong siya ng paulit ulit. Dapat pikon na siya sa sarili niya noon pa. "*"Oh. Awat awat. Babae yan. Hayaan mo nalang"*"Bulong ko sabay tapik ng balikat niya. "*"Tara na bago pa makalayo sina Fire"*"Sabi ko. Nagsimula na akong maglakad at tumabi naman sakin si Fevune. Napatingin ako kay Cheonis na hindi man lang nangangalay sa pagkarga kay Vonia. Napatingin ako sa gilid niya at nakita ko si Cronix na nakikisabay sa paglalakad kay Cheonis. "*"Ahm. Kira?"*"Napatingin ako kay Fevune ng tawagin niya ako. "*"Sino pala yang karga karga ng lalaking kasama mo?"*"Tanong niya. "*"Wag mo ng pansinin yan. Maging handa ka nalang diyan at baka may mga kung ano nanaman ang susulpot"*"Sabi ko kaya tumango siya. Habang naglalakad kami ay bigla kaming napahinto sa isang daan. May daan sa kanan at kaliwa. Eto na nga ba sinasabi ko. Kaya ayaw na ayaw ko ng maze dahil sa mga paliko liko nato. "*"San tayo dadaan? Hindi natin alam kung saan sila dumaan"*"Sabi ni Cronix na ikatango ko. Napatingin ako kay Vonia. Bakit ba kase nasama itong si Vonia? Pwede namang ipaiwan nalang siya don sa labas. Posibleng mapahamak siya at maagang matigok. Napatingin ako kay Cheonis ng may ideya ang pumasok bigla sa isip ko. Napatingin naman siya sakin ng mapansin niyang nakatingin ako sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay na ikailing ko. Lumapit ako sakanya at tumingin tingin sa paligid. "*"Diba kaya mong lumabas sa isang anino?"*"Tanong ko. "*"Oh? Ano namang pinupunto mo?"*"Tanong niya. "*"Nakakatamad naman kasing magpaliko liko tayo. Kung hanapin mo nalang kaya yong anino nila tapos bumalik ka nalang dito pag nahanap mo na. Tapos isama mo kami sa pagpunta sa anino nila"*"Sabi ko sakanya at ngumiti ng irapan niya ako at nginuso si Vonia. "*"Paano naman siya? Sinong magbabantay sakanya?"*"Tanong niya na ikaikot ng mata ko at nginuso si Cronix. "*"Tsk. Siya nanaman?"*"Sabi ni Cheonis. "*"Ano naman meron sakanya?"*" "*"Kung ikaw nalang kaya ang magbantay sakanya? Bakit siya nalang pinagbabantay mo?"*"Sabi niya sakin. "*"Alam mo? Kapag ako pinabantay mo diyan. Nasa maling kamay ya-"*"Diko pa man natatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang binigay kay Cronix si Vonia. "*"Hindi ka din pala katiwa tiwala"*"Sabi ni Cheonis na ikasalubong na kilay ko at aktong magsasalita ng bigla nalang siyang lumusot sa anino niya kasabay non ang paglaho ng anino niya na ikapadyak ko. "*"Kung umopo ka nalang kaya diyan"*"Napatingin ako kay Cronix na ngayon ay nakaupo habang nakakandong sakanya si Vonia. Napatingin naman ako kay Fevune na ngayon ay patingin tingin sa paligid. Teka nga lang. Kanina ko pa napapansin si Fevune na patingin tingin sa paligid. "*"Hoy. Fevune? Nong ginagawa mo?"*"Tanong ko kaya napatingin siya sakin pero saglit lang at muling tumingin sa paligid. "*"Baka may sumulpot at atakehin tayo. Mas mabuti na yong handa. Nga pala. Nasan yong isnag kasama niyo?"*"Tanong niya. Tinutukoy niya ba ay si Cheonis? "*"Ayon. Nalungkot. Umalis. Tatae daw muna siya. Maglalabas daw muna siya ng sama ng loob"*"Sabi ko na ikatigil niya. Mabilis na napatingin ako kay Cronix at pinanliitan siya ng tingin dahil napansin kong nagpipigil tawa na siya. Tumikhim siya at lumunok sabay tingin sa ibang deriksyon. "*"Sana okay lang yon"*"Sabi ni Fevune. *** Cheonis pov. Naglakad ako sa napakadilim na lugar at wala ni isang ilaw ang makikita. Madaming mga liwanag sa di kalayuan ang nakikita ko pero alam kong hindi sa pulang buhok ang aninong yon. Kung sa cyan na buhok at brown na buhok maman na anino ang lalabasan ko is ayaw ko naman. May respeto ako sa mga babae maliban sa may saltik na babaeng yon. Napatingin ako sa di kalayuan at napansin ko ang apat na liwanag at alam kong sakanila yon. Mabilis na lumapit ako don at hinanap ang anino ng pulang buhok na yon. Mabilis na nahanap ko naman at lumapit don sabay pasok kasabay non ang pagsulpot ko sa harap ng lalaking may asul na buhok. Akala ko ba sa pulang buhok ang naapakan ko na liwanag? Tsk. Napahawak ako sa noo ko ng bumangga iyon sa noo niya na ikaatras niya naman at ikahawak don. "*"Aray ko po. Ang pinaka-iingatan kong noo"*"Sabi niya habang hinihimas yon. Binaba ko ang kamay ko mula sa pagkakasapo ng noo ko at nilibot ang paningin ko. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sila samin o sakin. "*"Anong ginagawa mo dito? Paano ka sumulpot sa harap ni Water?"*"Tanong ng may brown na buhok. "*"Tsk. May balak ka pa talagang sa anino ko lumabas"*"Nakangising sabi nong may pulang buhok sakin na ikailing ko. Ngayon alam ko na kung bakit sa anino ng asul na buhok nato ako nakalabas. "*"Oh? Anong sadya mo?"*"Tanong nong pulang buhok. "*"Sasama kami sainyo sa pagkuha sa Lancia"*"Sabi ko at mabilis na pumasok sa anino ko. *** Shakira POV. Tumabi ako kay Cronix at nakinuod na din sa ginagawa ni Fevune. Kanina pa ako na weweirdohan sa babaeng to. Titingin sa paligid tapos bigla nalang uupo at titingin sa kawalan tapos biglang tatayo at titingin ulit sa paligid. Di ba niya naisip na nagmumukha na siyang baliw sa ginagawa niya? "*"Hoy! Tigil tigilan mo na kaya yan"*"Sabi ko na ikatigil niya at napatingin sakin. "*"Di pa ba tayo aalis? Kailan ba matatapos sa pagtae yon? Baka napano na ang mga kasamahan ko"*"Sabi niya na ikatigil ko at napatikhim. "*"Anong sabi mo?"*"Napatingin kami sa di kalayuan at nakita namin si Cheonis na naglalakad papunta dito. Paktay. "*"Oh? Nakarating ka na pala"*"Sabi ko at tumayo sabay ngiti ng pilit at lumapit. "*"Teka nga! Sinong tumae?"*"Tanong niya na ikalunok ko. "*"Sabi ni Kira tumae k-"*"Mabilis na pinutol ko si Fevune. "*"Nasan na sina Fire? Kailangan na nating makuha ang Lancia. Sayang ang oras kung mag-uusap lang tayo dito"*"Sabi ko. Tiningnan ako ni Cheonis at pinanliitan ng mata. "*"Kapag may kalokohan ka nanaman na sinabi. Humanda ka talaga sakin"*"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD