Pagsubok 1
"*"Pagsubok?"*"Tanong ko.
"*"Kailangan pa nating malampasan ang pagsubok niya. Maghanda kayo dahil may pagkamahirap ang pagsubok niya"*"Sabi ng brown na buhok at may maliliit na bulaklak.
"*"Ako pala si Earth"*"Pakilala niya kaya tumango ako at tumingin kay Cronix.
"*"Magpaiwan ka dito at bantayan mo siya"*"Sabi ko at nginuso si Vonia.
"*"Bakit kailangan siya ang maiwan?"*"Tanong ni Cheonis kaya napatingin ako sakanya.
"*"Wag ka ng umangal diyan. Gusto mo bang isama siya? Baka mapahamak pa yan kapag sinama natin"*"Sabi ko kaya napatingin siya jay Vonia bago binigay kay Cronix.
Bigla nalang kaming sumulpot sa kung saan.
Nakita ko si Cheonis na nakasimangot at si Earth sa tabi ko pero nagtaka ako ng may nakita pa akong iba pa.
May lalaking may pulang buhok habang sa tabi niya ay si Fevune.
May lalaking asul ang buhok sa gilid ni Earth.
Nagtaka ako ng hindi ko makita ang babaeng may kulay na cyan ang buhok.
Tumingin ako sa harap at nalaman kong nasa isang maze pala kami.
Napatigil ako at napaisip.
Maze? Ow come on! Ayaw ko pa naman sa mga maze maze na yan.
Pakiramdam ko kada liko may sasalubong.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may kumalabit sakin.
Tumingin ako sa gilid at bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni Cheonis.
Nakataas kilay na tiningnan ko siya ng bigla nalang gumalaw ng kinatatayuan namin na ikaalarma naming lahat.
Napatingin ako kay Fevune at aktong pupuntahan siya ng bigla nalang siyang hilahin ng may pulang buhok.
May gusto ba to kay Fevune? Napapansin kong panay bantay sarado to kay Fevune.
Naiiling na umakbay nalang ako kay Cheonis na ngayon ay hindi pa din maalis ang simangot sa mukha niya kahit na gumagalaw na ang kinatatayuan namin.
"*"Hoy, di ka pa maaalarma? Lumilindol na pero nakasimangot ka pa din diyan"*"Sabi ko sakanya ng bagot na tiningnan niya ako at inalis ang pagkakaakbay ko sakanya.
"*"Tumahimik ka nalang kaya"*"Sabi niya na ikatikom ng bibig ko.
Mukhang bad mood ngayon. Mas mabuting itikom ko nalang muna ang bibig ko.
Hindi ko na kailangan pang magpanic. Nandito naman si Cheonis para tulungan ako.
Napatingin ulit ako sa mga iba naming kasama na ngayon ay may kaharap ng mga malalaking gagamba kaya kinalabit ko si Cheonis na ngayon ay nakatingin sa kawalan.
"*"Cheonis. Ang cool naman nila. May mga alaga silang mga gagamba. Don samin pinanlaban lang namin yan tapos pinapakain ng laway"*"Sabi ko kay Cheonis ng bigla niya akong batukan at tinuro ang nasa harap namin.
Bigla akong napalunok sa nakita ko.
Gagamba.
Hindi naman sa kasali ako sa mga naglalaro ng gagamba. Talagang tagapusta lang naman ako.
Napahawak ako sa laylayan ni Cheonis ng bigla nalang itong parang aatakehin kami.
"*"Tsk, kung si Cronix nalang kasi ang sinama mo edi sana tapos na tayo dito. Alam mo namang madaming alam ang lalaking yon"*"Sabi sakin ni Cheonis na ikatigil ko.
Oo nga no? Bobo pala tong si Cheonis.
"*"Pero alam mo din namang may pagkaisip bata yon. Baka ipahamak pa tayo ng lalaking yon"*'Sabi ko.
"*"Sa pagkakataon na ito? May oras paba siyang magloko? Nanganganib na ang buhay ni Vonia at nasa panganib na din tayo tapos magloloko pa siya? Ang hirap kase sayo di ka nagtitiwala sa mga nagtitiwala sayo'"*"Sabi niya at naunang kumalaban sa mga gagamba.
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at napailing.
Tama nga siya.
Pero hindi mo alam kung bakit ako ganito Cheonis...
Napatigil ako ng maalala kong wala pala akong dalang ni isang armas na ikalunok ko.
Yan Shikira. Inuna mo pa kase ang pagiging mayabang kanina.
Napatingin ako kay Cheonis na ngayon ay may naitumba ng gagamba.
Napatingin siya sakin at tinaasan ako ng dalawang kilay.
"*"Wala akong dalang armas"*"Sabi ko na ikaikot ng mata niya.
"*"Diba nagdala ka?"*"Tanong ko pero muling inirapan niya ako.
"*"Yan. Ang yabang yabang kase. May pa no need no need ka pang nalalaman. Oo, nagdala ako pero diko nadala dito"*"Sabi niya na ikatigil ko at napasimangot.
Ano namang gagawin ko?
"*"Hoy! Di ka man lang ba tutulong?"*"Napatingin ako sa pulang buhok ng magsalita siya.
"*"Mind your own business"*"Sabi ko at lumapit kay Fevune na ngayon ay nasa gilid at pinalibutan ng apoy.
Di naman to makakapaso o magkakasugat. Protection lang to.
So apoy pala ang kapangyarihan ng lalaking yon.
Hindi pa man ako nakakalapit kay Fevune ay rinig na rinig ko na ang mga reklamo niya.
"*"Talaga naman ang epal ng lalaking yon"*"
"*"Wala ba siyang balak na alisin ang mga to?"*"
"*"Humanda ka talaga sakin Prince Fire"*"
"*"Kung hindi ka lang talaga prinsipe baka kanina ka pa tumba ngayon"*"
"*"Wag ako. Wag ako."*"
Napailing ako sa mga narinig ko at nakitingin sa kanila na ngayon ay busy sa pakikipaglaban.
"*"Hoy! Bakit hindi ka tumutulong sakanila?"*"Napatingin ako kay Fevune ng bigla niya akong tanungin.
"*"Hindi ko pa kontrolado ang kapangyarihan ko at baka ako pa ang dahilan ng kapahamakan nila"*"Pagsisinungaling ko.
Napatigil siya sa sinabi ko at bigla nalang napabuntong hininga.
"*"Ngayon. Alam ko na ang dahilan kung bakit kinulong niya ako dito"*"Biglang sabi niya.
"*"Ako pala si Fevune Duino. Ikaw? Anong pangalan mo?"*"Tanong niya.
"*"Kira"*"Sabi ko na ikatango tango niya.
"*"Ahm. Ipakilala ko nalang sayo ang mga kasama ko. Tutal wala naman tayong ginagawa"*"
"*"Yong may brown na buhok at may ibat ibang bulaklak na maliit ang nasa buhok. Siya si Earth"*"
"*"Habang yong may asul naman na buhok ay si Water"*"Sabi niya at napansin ko ang malawak na ngiti niya pagkatapos niyang banggitin ang pangalan na yon.
"*"Yong may cyan na buhok naman ay si Air"*"Nakangiwing sabi niya.
"*"At syempre yong walanghiyang nagkulong sakin dito na may pulang buhok ay si Fire"*"Sabi niya at mababakas sa mukha niya ang inis.
"*"Tsk. Kesa naman ipalaban pa kita sa mga gagamba na yon. Baka magwala nanaman yang kapangyarihan mo at iba ang mapatamaan mo"*"Singit ng kung sino.
Nakita ko silang nakatingin samin habang unti unting nawawala ang apoy sa paligid ni Fevune.
Nalaman ko ding si Fire ang sumingit.
"*"Tsk. Ikulong talaga dito? Pwede namang hindi diba?"*"Sabi ni Fevune ng makawala na sa mga apoy.
"*"Alam ko ang katigasan ng ulo mo liit. Wag ako."*"Sabi ni Fire at ngumisi na ikailing ko.
Napatingin ako kay Cheonis na nanunuod lang samin sa isang tabi habang nililinis ang...
Espada niya.
Walang hiya pala tong lalaking to.
Sabi niya di niya nadala.
Abat. Nakalimutan kong may pagkaburaot pala tong lalaking to.
Lumapit ako sakanya at nakapameywang na tumayo sa harap niya.
"*"Akala ko ba di mo nadala yan?"*"Tanong ko kaya napaangat siya ng tingin at nginuso ang sa may bandang gilid niya.
Nagtatakang tiningnan ko siya.
Anong nasa nagtataasang d**o at bakit niya nginuso yan?
Ano? Plano niyang maglinis dito?
"*"Tsk. Lumabas na kayo"*'Sabi ni Cheonis at bigla nalang gumalaw ang mga d**o at bumungad sakin si Cronix na ngayon ay karga karga si Vonia.
Anong ginagawa nila dito?
Bago pa man ako makapagsalita ay may biglang babae ang sumulpot at sa pagkakaalam ko sa sinabi ni Fevune sakin ay siya si Air.
Tiningnan niya lang kami bago lagpasan at pumunta kina Fevune.
"*"Anong ginagawa niyo dito?"*"Tanong ko kasabay ng pagkasalubong ng kilay ko.
"*"Wag ka ng magtanong diyan. Kung wala pa si Cronix at ang babaeng may Cyan ang buhok. Edi hindi pa nawala ang mga libo libong gagamba na yon"*"Sabi ni Cheonis
"*"Hindi kagaya sa isang yan. May time pangmakipag chikahan at hindi man lang naisipang tumulong"*"Dugtong ni Cheonis na ikataas na kilay ko dahil alam kong pinariringgan niya ako.
"*"Abat. Kung hindi ka sana naging buraot at pinahiram mo yang espada mo sakin edi sana nakatulong ako"*"Sabi ko.
"*"Ano ako? Uto uto para ipahiram sayo ang espada ko? Baka nakakalimutan mo. Malapit na tong mawala sakin dahil sa pagiging pabaya mo"*"Sabi niya na ikairap ko.
"*"Kung hindi mo kase ako iniwan sa mga araw na yon edi sana hindi ko hinagis sa kung saan ang espada mo"*"Sabi ko.
"*"Hindi ba kayo titigil dalawa? Kailangan pa nating nahanap ang Lancia"*"Sabi ni Cronix na ikatigil naming dalawa at sabay na umirap sa isat isa.
Talaga naman ang Cheonis na yon. Ang sarap ingudngud sa sahig.
Kung hindi lang talaga ako mabait baka kanina ko pa yan pinatulan.