Lancia
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nalaman kong umaga na pala.
Napatingin ako kay Vonia at napansin kong namumutla na siya lalo.
Napansin ko ding wala si Cheonis na ikataka ko.
"*"Cheonis?"*"Tawag ko.
"*"Cheonis!"*"Sabi ko.
Tumayo na ako at nilibot ang tingin ko sa buong paligid.
"*"Saan nanaman ba nagpupunta ang lalaking yon?"*"
"*"Cheonis! Lalaking nanghihiram ng mukha ng aso!"*"Sigaw ko ng may bigla nalang nangbato sakin at nalaman kong sanga pala yon.
"*"Hoy! Anong nanghiram ng mukha ng aso?"*"Napatigil ako ng marinig ko ang boses na yon at mabilis na tumingin sa taas ng puno at nakita ko si Cheonis na nakaupo sa sanga
"*"Kung makapagbato ka! Bakit? Alam mo ba kung ano ang nanghihiram ng mukha ng aso?"*"Sabi ko at nakita ko siyang natigilan.
"*"Ano ba kasi yan?"*"Tanong niya na ikangiwi ko pero kalaunan ay napangisi ako at sinagot siya.
"*"Ang ibig sabihin non ay ang gwapo mo"*"Sabi ko at nakita ko siyang saglit na tiningnan ako bago siya napahawak sa mukha niya.
"*"Alam ko na yan no"*"Sabi niya kaya binaba ko na ang tingin ko at tinakpan ang bibig ko.
Wag kang tatawa. Pigilan mo yan.
"*"Manghiram ka din kaya ng mukha ng aso"*"Sabi niya na ikatigil ko at tiningnan siya.
"*"Bakit?"*"Tanong ko.
"*"Baka naiinggit ka sa mukha ko na nanghihiram lang ng mukha ng aso"*"Sabi niya na kaya binaba ko ulit ang tingin ko at muling tinakpan ang bibig ko.
Hindi ko na kinaya at tatawa na sana ng may nakita akong kuneho sa di kalayuan na papalapit samin.
Ang pamilyar ng kuneho.
Nakita kong bumaba na si Cheonis at tumabi sakin.
Pumunta sa harap namin ang kuneho at bigla ko nalang naalala ang kunehong nasa harapan namin.
Siya yong kunehong tumulong saakin para makalabas ng gubat.
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang lumaki hanggang sa naging pormang Oat at napatulala nalang ako ng makilala ko kung sino ito.
Cronix...
"*"Alam ko na kung saan makikita ang Lancia"*"Anunsyo niya.
Bigla siyang napatigil at napatingin sakin.
"*"Ayos ka lang Shikira?"*"Tanong niya kaya nabalik ako sa realidad at umiling.
Baka magkamukha lang.
May binigay siya saming tela at tinakip naman niya sa mukha ang kaniya.
"*"Aanhin namin to?"*"Tanong ko.
"*"Takpan niyo ang mukha niyo at baka may makatagpo tayong mga naglalakbay din dito"*"Sabi niya kaya nagkibit balikat muna ako bago ko tinakpan ang mukha ko at ganon din si Cheonis.
"*"Tara na! Bago umalis ang araw"*"Sabi niya kaya hindi ko na siya tinanong at ginising si Vonia pero hindi siya gumigising kaya mabilis na tumingin ako kay Cheonis.
"*"Pwede mo ba siyang kargahin?"*"Tanong ko.
"*"Si Cronix nalang"*"Sabi niya kaya tumango ako at bumaling kay Cronix.
"*"Pwed-"*"Naputol ang sasabihin ko ng lumapit si Cheonis at binalot ng kumot ang katawan ni Vonia bago niya ito kinarga.
"*"Akala ko ba si Cronix?"*"Tanong ko.
"*"Baka pagod siya sa paghahanap ng Lancia'"*"Sabi niya at naunang maglakad na ikakunot noo ko pero kalaunan ay nagkibit balikat bago kinuha ang dalawang bag at nakisabay sa paglalakad.
Nasa harap si Cronix at tinuturo saamin ang daanan.
"*"Dito tayo"*"Sabi niya at pumunta sa kanan kaya sinunod namin siya pero may bigla nalang malaking uso ang sumulpot.
Aktong aatakihin niya kami ng bigla nalang siyang napatingin kay Cronix at nangunot ang noo ko ng makita ko siyang umalis na parang hindi kami nakita.
Napatingin ako kay Cronix. Bakit ang dami mong alam?
Muli kaming nagsimulang maglakad at may nakita akong malaking puno sa di kalayuan. Naiiba ito sa punong nadadaanan namin.
"*"Yan na ba?"*"Tanong ko at tumango naman siya.
"*"Kumuha na tayo"*"Sabi ko at aktong pupuntahan namin ng may babaeng sumulpot nalang bigla sa harap namin.
May Cyan siyang buhok na ikatigil ko at pilit na inalala kung saan ko nakita ang pamilyar na buhok niya.
"*"Anong ginagawa niyo dito?"*"Tanong niya.
"*"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"*Tanong din pabalik ni Cronix.
"*"Tsk. Umalis na kayo dito. Delikado ang mga katulad niyo dito"*"Sabi niya.
"*"At sino ka naman para sundin namin?"*"Tanong ni Cronix.
"*"Hindi niyo ba ako kilala?"*"Tanong niya at tinaasan kami ng kilay.
Mukhang masungit.
Ang ganda niya kaso mukhang masungit
"*"Hindi. Sino ka ba?"*"Tanong ni Cronix at kita ko ang inis na bumakas sa mukha ng babae bago siya umirap samin at naglaho.
May isang babae nanaman ang bigla nalang sumulpot at may kulay brown at may mga maliliit na bulaklak ang buhok niya.
"*"Pasensya na sakanya. Bakit pala kayo nandito?'*"Tanong niya.
Mukhang mabait.
"*"Kailangan namin ng Lancia dahil kailangan pa naming gamutin ang isa naming kaibigan"*"Sabi ni Cronix.
"*"Bakit? Ano ba ang nangyari sakanya?"*"Tanong niya.
"*"Wala na kaming oras... Kailangan nanaming kumuha ng Lancia'"*"Sabi ko at nakita ko siyang tumatango ng may babaeng may dilaw ang buhok ang sumulpot sa gilid niya at kilala ko kung sino siya.
Fevune...
"*"Hi! Saktong sakto at Lancia din ang pakay namin. Pwede kayong makisabay samin"*"Nakangiting sabi niya.
Sa nakikita ko ay nagiging masaya na siya kasama ang mga Royals.
Kahit hindi man nila sabihin ay alam kong Royals sila.
May lalaking asul ang buhok ang sumulpot.
"*"Bakit may takip ang mga mukha niyo?"*"Tanong niya.
"*"Wala na talaga kaming oras"*"Sabi ni Cronix.
Napatingin sakin si Cheonis pero nabaling ang tingin ko kay Vonia.
Hindi makikita ang mukha ni Vonia dahil nakaharap siya kay Cheonis.
Nagpaalam na kami sakanila bago kami pumunta sa puno.
Aktong kukuha ako ng dahon ng pigilan ako ni Cronix.
"*"Wag. Mamamatay ka kapag hinawakan mo ang mga dahon na yan"*"Sabi niya.
"*"Paano natin siya magagamot?"*"Tanong ko at nakita ko siyang nag-isip.
"*"Kailangan natin ng pahintulot kay Reynang Bidden"*"Sabi niya na ikakunot noo ko.
"*"Sino yan?"*"Tanong ko.
"*"Siya ang nagbabantay ng punong ito at siya ang Reyna dito"*"Sabi niya na ikatango ko.
"*"Paano natin siya makakausap? Wala na tayong oras"*"Sabi ko at tumingin sa paligid.
Ang bilis ng oras.
"*"Paano natin makakausap yon?"*"Tanong ko ulit ng may tumabi samin.
"*"Pwede ko kayong matulungan"*"Sabi nong may brown na buhok at may mililiit na bulaklak.
"*"Paano?"*"Tanong ko.
"*"Si Reynang Bidden ba ang prinoproblema niyo?"*"Tanong niya kaya tumango ako.
"*"Reynang Bidden! Tita~ Yohoo~"*"Sabi niya.
May babae ang bigla bigla nalang sumulpot sa harap namin na ikaatras namin.
"*"Oh~ ikaw pala yan. Anong kailangan mo?"*"Tanong niya.
"*"Tita. Kailangan po namin ng Lancia"*"Sabi niya
"*"Lancia ba kamo? Hindi ko maibibigay sainyo ang Lancia"*"Sabi niya habang umiiling.
"*"Bakit?"*"
"*"Kailangan niyo munang malampasan ang pagsubok na ibibigay ko"*"Sabi niya at naglaho.