CHAPTER 9

2555 Words
Arra's POV "I think we must find her." Sabi ko, habang sinusundan ko ng tingin ang tumatakbong fake Andy. "I think so." He replied. "Ibaba ko na, susundan ko siya." Akmang ibaba ko na sana ang phone at tatakbo na sana para mahabol ko sana siya dahil pawala na siya sa paningin ko kaso pinigilan niya ako. "No. Wag kang kumilos ng mag-isa." He whined, and now he's gone. "Please, Red. Let me help this time." Gusto kong makabawi, dahil dun sa nagawa kong mali. Hindi ko alam na makakagulo pala ako ng storya, I made their lives more misserable. Matitikman ng dalawang taong nailabas ko sa libro ang pait ng mundo. Kung manatili lamang siguro sila sa loob ay hindi sila makakaramdam ng mga miserableng pangyayari. Dahil alam ko na kahit masaya ginawa kong resulta, i made them a real persons. Who can hurt, and maybe can die. He didn't answer mo for a moment, kaya nagsalita ako ulit. "Please..." pakiusap ko. "Ok fine." Napangiti ako dahil napapayag ko siya. "But please don't hang up the call. Gusto kong marinig kung anong nangyayari sayo ok? We will help too. Kailangan may mga connection tayo sa isa't-isa." Sabi niya, tumatango-tango ako kahit hindi niya nakikita. "Steph and Bass agreed to help us. We should find that person as soon as possible. Bago pa siya makapanakit pa ng tao." I didn't know na makakahingi siya ng tulong sa iba, lalo na kay Steph parang laki kasi talaga ng galit niya sa'kin. "Mukhang hindi naman siya nananakit, she didn't harm me." I mouthed. I can't recognize him dahil nga nasa anyong Andy siya pero I can feel na mabait siya. Sana na nga tama ang kutob ko na hindi siya makakapanakit. "malay natin sa ibang tao niya gawin." He said, siguro hindi dapat ako maging kampante. Hindi na ako natuloy pa sa opening ng club. Tumakbo na ako para magsimulang hanapin siya. "Let's make it a group call, naghiwa-hiwalay na kami." Sinundan ko kung saan siya lumiko kanina. "Paano natin siya mahahanap kung hindi natin alam ang itsura niya?" Steph ask, gamit pa ang mataray nitong boses. "We don't know." Red respond. Sang-ayon ako dahil hindi namin ang ang tunay niyanh itsura. Lahat ng taong dinadaanan ko ay binabasa ko ang mga iniisip, baka sakaling makakuha ako ng details. We didn't know if she's girl or his boy. Hindi ko na rin naidentify dahil pati ang isip niya gaya ang boses ni Andy. Lahat ata ng mga nadadaanan kong classroom ay binubuksan ko ang pinto everytime na wala akong nakikita ay nagsosorry ako. "If someone is suspicious. Maybe that's her....maybe his?" I said. Rinig ko ang mga yapak at hinga nila sa cellphone dahil sa pagtakbo. "Bass, kaya mo bang mahanap siya?" Tanong ni Red. Tingin ko hindi dahil hindi nito siya kilala. "Maybe I can't. Hindi ko siya kilala." He answered. As I think. "We can't use our ability to find that person. Mahihirapan tayong mahanap siya dahil hindi natin alam na nagpapapalit-palit na pala siya ng anyo at pinaglalaruan tayo." Ani Steph. I agree. Hindi namin alam kung paano, malay namin na baka nadaanan niya na kami dahil kaya niyang magpapalit-palit. Steph can't use her teleportation dahil hindi niya padin makikilala iyon, ganun din si Red, he can't stop time para hanapin siya kung hindi niya naman kilala ito. Sa tingin ko, magtiwala nalang kami sa aming mga kutob. Maybe my ability can help, since kaya kong magbasa ng mga isip. "Teka nawawala ako." Bass said with his croaky voice. "Aba, ilang taon na tayong nag-aaral dito sa Wallten Univ. hindi mo parin kabisado?" Sagot ni Steph sa kaniya. "Joke lang ano ka ba." He replied. "I wish she didn't recognize me." Napahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang tinig na nanggagaling sa kung sinong nalagpasan ko. Nilingon ko ito, palinga-linga ito at tila ba may pinagtataguan. "I think I found him." He's in a body of a man, a nerd student. Dahan-dahan akong naglakad para mahuli ko siya at hindi niya ako mapansin. But I failed, he looked back and see me. Tumakbo siya agad ng mabilis. "He noticed me. Nakatakbo siya!" "Where are you?" Red ask. "Floresco Building, 1st floor." Sabi ko habang sinusundan at hinahabol ang lalaki nakabag at nakaeyeglass, he's small kaya naman naaninag ko siya agad. His bag is white kaya nangingibabaw ang kulay nito paraan para masundan ko siya. "Susunod kami diyan." He replied. "Umakyat siya ng second floor." Sabi ko. Tinakbo ko ang hagdan. Dineretso ko ito at walang hinto ang mga hakbang ko, kasabay na kasabay ng liko ng hakbang ko para sa iilang hakbang pa paakyat. He's gone. Nakatayo ako huling hakbang ng hagdan ng paakyat sa second floor. Bass POV "Teka nawawala ako." Namamalat pang sabi ko sa cellphone. Hindi ko na kasi alam kung saan na ako nalusot. "Aba, ilang taon na tayong nag-aaral dito sa Wallten Univ. hindi mo parin kabisado?" Steph complained. "Joke lang ano ka ba." Sagot ko. Syempre ako mawawala? Hindi no. Teka nasaan na ba ko. Nasa bakuran na ata ako ng mga building. Saan-saan ba ako nagsusuot-suot. "Uy hi." May nakasalubong akong pamilyar ang mukha, para siya natataranta at may tinatakbuhan. Ibinaba ko muna ang phone ko para makausap ko siya ng maayos. "Teka, diba kaibigan ka ni Arra?" Tanong ko. She didn't mind me at first dahil kung saan-saan pa siya lumilingon pero maya-maya lang ay tiningan niya narin ako. "Ah...ehh...oo, alis na ko." Nagmamadali niyang sabi. Bakit kaya siya nagmamadali no? "Teka ano nga pangalan mo?" Sunod na tanong ko, wala namang maama kung itatanong ko ang pangalan niya. "Andy....bye." maikling tugon atsaka agad na siyang tumakbo. What's wrong with her. Napailing nalang ako habang pinapanood siyang nagmamadaling tumatakbo. Inangat ko ulit ang cellphone ko, napansin ko na napindot ko ang mute kaya binalik ko nalang ito sa dati. Tinuloy ko na ang paghahanap sa hindi ko alam kung paano ko mahahanap. Tatakbo nalang ba ako ng tatakbo? Paano ko kaya mahahanap yun baka mamaya magkunwari siyang mga kaibigan ko no tapos patayin ako. Wtf, mga pinagiisip ko? Ako mapapatay nun? No way. Biceps ko palang walang-wala na siya. "I think I find him." Arra said. Hay mabuti naman. Huminto na ako sa pagtakbo at nagpahinga sa isang tabi. "He noticed me. Nakatakbo siya!" Ok po, hindi na po ako makakapagpahinga. Tsanggalang buhay naman ito o-oh. "Where are you?" Tanong ni Red sa kabilang linya, aba'y malamang sa kabilang linya alangang sa katabing linya. "Floresco Building, 1st floor." Sabi ni Arra. "Susunod kami diyan." Sabi naman ni Red. "Arra, nakasalubong ko kanina kaibigan mo ah." I muttered. "Sino?" Tanong niya. "Si Andy." Sagot ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Nabingi ako bigla ng sabay-sabay silang nagsalita ng pare-pareho ng binanggit. "Aray naman! Sakit sa tenga ah!" Reklamo ko, napahawak tuloy ako sa tenga ko. Parang kasing niyanig ang ulo ko dahil sa lakas nang sigaw nila sa'kin dagdag mo pa na sabay sabay pa sila nagsalita at pareho pa ng sinabi. "Sorry naman, bakit ano naman kung nakasalubong ko kaibigan ni Arra?" Wala naman maiitutulong kung malaman nilang nakasalubong yung kaibigan niya, dibali sana kung siya yung hinahanap namin. "I told you before that someone is pretending to be like Andy. Wala si Andy ngayon dito, she came back home. At ang nakaharap mo kanina ay hindi si Andy na posibleng siya ang hinahanap natin." Red explained. Oo nga no, nakalimutan ko agad hehe. "Alam niyo naman na may sore throat ako kaya hindi ako makapagsalita." Palusot ko. Umakto ako na parang uubo-ubo para mas lalo nila akong paniwalaan. "So hindi ka pa ba nakakapagsalita sa lagay na yan?" Pagbasag ni Steph sa palusot, kahit kailan talaga hindi man lang ako pagbigyang malusot sa problema. "Oo na. Oo na." Tumigil na ako sa pagpapahinga at ituloy na ang pagtakbo ko papunta kung naroon si Arra. Arra's POV Nanatili lang ako nakamasid na nakatayo dito sa second floor maybe I could see a suspicious person. Taong hindi mapakali? At kung ano-ano ang iniisip. May lumabas ng classroom na isang matangkad na lalaki sa pangalawang room na kinatatayuan ko. Nagtitingin-tingin siya kung saan-saan at parang hindi siya mapakali. His eyes landed on me pero wala siyang reaction, but he looks tense. Napaisip ako na siguro ginagawa niya lang yan para magkunwari na hindi ako kilala. I intend to go after him but then I stop. "Bakit kasi nakalimutan ko pa yung project sa bahay!" "Anong gagawin ko? Habang wala pa ang Prof namin paano ko makukuha yun?" Napailing nalang ako at nilagpasan siya. he looked at me ng makadaan ako sa kaniya at agad naman siyang umiwas. "He's gone." Sabi ko. "Wait there, papunta na kami." Sabi ni Red. "Whooh...safe." Napalingon ako sa likuran ko, now that man is look tense while looking at me. I knew it. he's just pretending. "Bakit kapa kasi nag-isip, shet na malagkit naman oh-oh!" Nagmadali siyang ihakbang ang mga paa niya para tumakbo. Nakatakbo siya pababa ulit ng hagdan, sinundan ko naman siya. "Nakita ko nanaman siya ulit!" Sabi ko. "Pababa siya niya ng first floor." Dagdag ko pa. "Nakarating na kami, we see someone running down galing diyan, maybe that's him. We'll go after him." Red said. "Ok." Tugon ko. Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko silang hinahabol ang lalaking to. Red's POV "Hindi dapat siya mawala sa mga mata natin." I concluded. Tumango ang dalawa sa'kin, nakahabol naman si Arra sa'min, kaya naman ibinaba na namin ang aming mga cellphone. And now we're running together chasing that man. Ang kutob ko ay si Viticous 'yun. Wala kahit anong bagay ang hindi kayang gawin ni Viticous. All of our ability, he has it. Hindi na ako magtataka kung kaya niyang manggaya ng wangis ng tao. Kaya kailangan naming kumilos as a team para lang mapantayan siya. Hindi kakayanin kung iisa lang ang haharap sa kaniya but I want to intend. Gusto ko siyang harapin mag-isa kung kakayanin ko lang. I don't want to risk the lives of the people around me. Pero ang ikinatataka ko bakit hindi niya kami iniisa-isa kung alam niyang kaya niya. Kaya niya kaming puntahan isa-isa atsaka niya kami patayin but he didn't do it. He's just playing with us, messing up with the people and we're the one who stops him. He didn't risk our lives nung mga panahong wala pa si Arra. Maybe he's just waiting for her. Pero hinding-hindi ko siya hahayaan na gawin ang binabalik niya. We're running after him, masyado siyang mabilis tumakbo kaya hindi namin siya agarang nahahabol. Lumiko siya sa likod ng building Floresco at sinundan lang namin siya. Nangunguna ako at sila ay nasa likuran ko. I need to make my run faster para mahabol ko na siya. Halos masaludsod na siya takbo pero he can manage it. He's the same height as me. Viticous really find a man that is good in running and a good physical appearance para makatakbo siya ng mabilis at hindi agad mahabol. At akala ko ay hindi siya mapapagod, nagulat ako ng huminto na siya. Napayuko siya habang nakatalikod at ipinatong ang mga kamay niya sa kaniyang tuhod. Hingal na hingal siya. Huminto kami sa pagtakbo. We're trying to catch our breaths, kanina pa kasi kami tumatakbo dahil sa kaniya. "Who are you?" I asked with my rasped voice. Tumayo siya habang nakatalikod, nanatili siya ng mga iilang segundo bago siya humarap samin. He raised his both arms na para bang sumusuko na. I'm hearing his breath coming from his mouth, natatabunan naman ito minsan ng mga hingal namin. This man really tried us. "Sino ka?" Tanong ni Steph. "Teka lang, nakakahingal kaya." He answered. Napailing ako. "We don't need to ask him. Alam naman natin kung sino siya." I said. "Kilala mo ako?" He said while pointing at himself using his pointing finger from his left hand samantalang ang kanang kamay niya ay nanatiling nakaangat. He's acting like he didn't know. "Don't act like you didn't know us." I harshly exclaimed. "Hindi ko naman talaga kayo kilala." Sabi niya, "si Arra, kilala ko." He pointed at Arra. Napakunot ako at nilingon si Arra. I think she's reading his mind. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Don't lie. You're Viticous." Bass exclaimed. He still has his croaky voice. "Sino ako? Viticous? Never heard that name." He muttered, ibinaba niya ang mga kamay niya and then he sighed. "Liar!" Steph yelled. "Teka lang naman, hindi ako sinungaling. Parang iniisip niyo na kalaban ako? You're wrong." "He's telling the truth." Singit ni Arra, napatingin kaming lahat kay Arra. "He's just someone who loves stalking." Dugtong niya pa. "What do you mean?" I questioned. Napalingon naman ako ulit sa lalaki. "Did you just read my mind." Sabi niya kay Arra. Arra nodded at him. I see that man smiled and it gets me annoyed. "Why are you smiling?" I asked. "Nothing." He said while still looking at Arra. "So who are you?" I asked. Medyo naiinis ako sa paraan ng pagtingin niya kay Arra, it doesn't make me comfortable. "I'm student from engeneering." He said. "So why did you act like Arra's friend?" Steph asked. "Just...nothing. It's on me." Steph rolled her eyes. "So why do you f*****g have the ability to copy someones appearance?" I asked. "That was so harsh men. Cool." He said, I didn't mind him, hinihintay ko ang sagot niya kung paano siya nagkaroon nun. "Please just f*****g answer the question." "Ok fine." "To tell you the truth, I'm an comic character and then suddenly something happens. At first I didn't know that I am but then nung nabasa ko yung comic na nakita ko sa bahay, my memoried got back. Someone mess up with my story and then I became a real person." He explained. "I didn't know who messed up with me." "Maybe, that's Viticous." Singit ni Bass. "Oh Viticous, yung sinabi niyo sa'kin na ako." Sabi niya. "Tuloy ko na ang kwento." He said. "And then, I always wanted to know more about myself. Kung saan-saan ako pumupunta para humanap ng sagot." "And then one time napunta ako sa isang kubo sa gitna ng gubat." "Maybe that place, kung saan natin nakuha ang Nengli Yaowu." Singit ulit ni Bass. "Pumasok ako dun tapos may nakita akong parang itlog ng butiki sa lapag." Bigla namang nabuhayan si Bass sa narinig niya. May naiwan kaming isang piece ng Nengli Yaowu, nahulog siguro yun galing samin. "Uy akala ko ako lang nakapansin na mukhang itlog ng butiki yun. Apir!" Nag-apir silang dalawa, napailing nalang kaming tatlo. "Ayun kinuha ko tapos habang naglalakad ako ng di tumitingin, may nabasa akong nakalagay na copying appearance na nakalagay tapos ayun nadulas ako tapos aksidente kong nalunok yun." Dagdag niya pa. "Hala may pangalan pala nakalagay dun? Hindi ko napansin, kaya pala nalaman agad nila Red at Steph Ability nila. Ang daya." Reklamo ni Bass, napatawa kami ni Steph, tumingin siya sakin at bigla siyang umiwas ng tingin. We're still not ok. "Ayun ang kwento." Pagtatapos niya sa kwento niya. "Teka, bakit alam niyo yung mga pinagsasabi ko?" Tanong niya. "We're all the same. We have abilities too. We didn't belong here as you." Steph answered his question. "Akala ko ako lang." "Teka di pa ko nagpapakilala." "Ako nga pala si Sean."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD