Steph's POV
"Ako nga pala si Sean." Pakilala ng lalaki na kani-kanina lang ay halos maghikahos na kami kakahanap at kakahabol. I don't like his vibe, it's kinda Bass vibe, natitiis ko na nga si Bass dadagdag pa siya.
"Teka, hindi ka pa ba babalik sa sarili mo?" Tanong ko, tinaasan niya ako ng kilay and I rolled my eyes.
"Why would I?" He said. I got pissed dahil iba ang tono ng pananalita niya.
"I'm just asking." Pagtataray ko, nitong mga araw hindi ko na maiwasang mabilis mairita. I'm hating myself. I'm hating about what I did to Red.
Pinagsisisihan kong tinaasan ko siya ng boses, this is all my fault. I did not open my heart for Arra. I just let my jealousy approach everyone else. Lahat ng nakaharap nila ay nagseselos na Steph.
Yes I'm Jealous. I Just realize that I like Red kaya ako nagkakaganito, I didn't even thinking about what everyone's feeling. Ang iniintindi ko lang ang sarili ko.
I'm blaming myself. From the start, ako ang nagsimula. Red doesn't need us but I approach him first, ask him if he needs help and then he accept it.
"Ito naman ang sungit, hindi na kailangan magpalit anyo, this is me. My handsome face? This is real." Mataas na pagpupuri nito sa kaniyang sarili. I told you, he has the vibe of Bass. I hate it.
"Ikaw yan? Sa gwapong mukha na yan? Weh? Mukha ka ngang living anime eh." Ani Bass. Ayan mukhang living anime? On his dreams.
"Thanks for the compliment." He smiled and winked at Bass. I really really hate here.
"Gusto mo sumali sa grupo namin?" Napalingon naman kaming lahat kay Bass, mga pinagsasabi-sabi talaga nito, e wala naman kaming grupo.
"Ano? Grupo? Kelan pa tayo naging Grupo Bass?" I questioned in the way of complained.
He looked at me, "Tayo-tayo hindi ba tayo grupo? Para nga tayong mga tagapagligtas tapos sasabihin mo hindi tayo grupo." He said.
"Ganito nalang, kung wala kaming grupo...." He looked at the man named Sean, "Let's be friends nalang." Dugtong niya.
"Pare-pareho naman tayo diba, we all have abilities tapos nakakapasok ng movies, novel and comic."
"Teka, nagagawa mo din ba 'yun?" Tanong ni Bass kay Sean.
"Yup." Maikling tugon nito habang nakangiti.
"Oh diba perfect." Bass offered his hand to him. Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan ang progress ng pagiging friends nila kuno.
"Magandang Idea yan." He accept his hand and they shake each other's hand.
"I like you." Sean said to Bass, mukhang iba ang pagkakaintindi ni Bass at naaalam ko na ang mangyayari.
Tinanggal agad ni Bass ang kamay ni Sean, I chuckled a bit. Kahit kailan talaga itong si Bass.
"Bakit?" Sean asked.
"Bro, pareho tayong Bro. Tapos sasabihin mong gusto mo ako? Mali 'yun." Sabi nito habang ang reaksyon niya ay parang nandito pa. Lahat kami ay gulat at napatawa sa reaksyon ni Bass.
"Bakit kayo tumatawang lahat? Pati ikaw Sean. Tama naman ako diba?" He protested, napailing-iling nalang ako dahil na inaakto niya.
"You didn't get what I mean Bass." Sean said while he's still laughing a bit.
"Eh anong ibig sabihin mo." Tanong niya, tinaasan niya ng kilay si Sean.
"I like you as a friend. I Love your vibe. Ikaw kaya unang nagoffer sa'kin na maging kaibigan niyo ako, na sana nga maging talaga. Kaya I like you, as a friend. We're friends na diba?" He explained. Tila naman biglang naliwanagan si Bass.
"Ahh....linawin mo kasi." Sabi niya.
"Atsaka wait, dun sa sinabi mong mali ang 'bro to bro thing', It's not. Love is not base on gender Bass. Remember that always." Paalala niya and then he smiled, nagustuhan ko naman ang sinabi niya. May utak naman pala itong si Sean.
Sean also offer his hand to Red, matagal niya ito bago tanggapin pero tinanggap niya padin. Nginitian niya ito pero hindi niya ito ginawa pabalik.
He offer it to me also, tinaasan ko siya ng kilay. My arms were joint at matagal ko siyang pinaghintay, matuto siyang maghintay dahil I don't let anyone touch me if hindi ko ka-close.
"Let's be friends?" He asked while still offering his hand. I lean my head a bit and bring it back into normal. Tinanggap ko ang kamay niya but I just hold it for one second. Nginitian niya ako but I didn't smiled back.
He looked at Arra also. Tila nag-iba ang tingin niya sa kaniya, iba sa tingin niya samin kanina. Iniling ko ang ulo ko at hindi nalang pinansin pa, why would I be curious?
Nakipagkamay siya rito, tinanggap agad ni Arra ang kamay niya at they smiled at each other.
"Teka, kailangan ko na palang umalis." Gulat na sabi niya. Mukhang may pupuntahan pa siguro siya.
"May game pa pala ako." Nagmamadali siyang tumakbo.
"Anong sport mo?!" Sigaw ni Bass kahit na namamalat pa siya.
"Football....byebyeeeee" kumakaway-kaway siya sa ere.
"Hindi ko akalaing makakakilala pa tayo ng gaya natin." Napailing nalang ako, lagi naman kaming nakakakilala ng gaya namin, yung mga taong nagulo ni Viticous na nakalabas ng kaniya-kaniya nilang storya. Lahat ng taong nanggaling sa hindi totoong mundo, may kakayanan ding makapasok sa hindi din totoong mundo. Gaya namin.
We are came from different genres at magkakaibang uri ng pinanggalingan. Red and Arra came from a novel. Bass and I came from a movie. Bass is from an action movie while me a romantic comedy movie, extra lang naman ako dun. Napairap ako ng malaman kong extra lang ako pero tinanggap ko nalang. Atleast iba ako ngayon.
Those main character's is Just living as a person. They are not special. While me, having an ability and having a friends like them is special.
At may nadagdag pa nga, Si Sean. Who came from a comic book, sabi niya nga. Aaminin ko, he looked anime nga, he's face his perfect. Mapagkakamalan mo siyang cosplayer.
"Tara na." Aya ni Bass. Tumango sila at akmang susunod kay Bass pero pinigilan ko si Red, kailangan ko siyang makausap.
"Wait." Nilingon ako ni Red at tiningnan anh kamay kong hawak ang braso niya. Bass and Arra also look at me.
"Mauna na kayo, kailangan kong makausap si Red." Sabi ko. Tumango ang dalawa at aalis na sana pero pinigilan niya si Arra. I sighed, I intend to disagree with his act but ano pa nga ba ang magagawa ko.
"Arra should be here to." Tumango nalang ako, naiwan si Arra.
"Ako lang aalis? Ok." He said before leaving this place. Nasa likod kami ng Floresco building at kaming tatlo nalang ni Arra at Red ang naiwan.
"So, anong paguusapan natin? If ipagpipilitan mo ang sinasabi mo kanina walang ng pupuntahan pa ang-----" I cutted his talks, "no Red, hindi iyon ang dahilan kung bakit kita gustong makausap." I said.
Arra is just listening of what we're talking. Nasa likod lang siya ni Red at hindi nagsasalita at hinahayaan lamang kami.
"I want to say sorry. Sorry for showing and being a mean girl. I didn't intend to do that. I'm really sorry." I apologized. Yumuko ako at huminga ng malalim at inangat ulit ang sarili para magtangka ulit magsalita.
"Sorry for being harsh interms of talking about Arra. Sorry for----" pinutol niya ang sinasabi ko, "don't be sorry to me...." hinila niya paharap si Arra sa'kin. "....sabihin mo sa kaniya ang lahat, and then sa kaniya ka pag apologized at hindi sa'kin" dagdag niya pa.
Nilakasan ko na ang loob ko, huminga ako ng malalim para makakuha pa ng maraming lakas. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Sa kanilang dalawa ni Red.
"Sorry Arra. Sorry for blaming you. Sorry for being mean. Sorry, sa mga salitang hindi mo naririnig. Nagawa pa kitang siraan kay Red."
"It's just jealousy." Hindi ko na kailangan pang itago dahil kung hindi ko sasabihin ay mananatili ang itong nandito sa'kin.
"Wag kang maaano ha? It's nothing. I like Red." Nilingon ko si Red at tila ba nagulat siya sa sinabi ko. Binalik ko ang tingin ko kay Arra na nakikinig parin sakin.
"Hindi ko balak na guluhin kayo, hindi ko nga alam na gusto ko pala siya." Napatawa nalang ako sa sarili ko.
"But it's nothing, promise. It's not that serious. Just, my heart falling for someone who's not free."
"Kilala mo ako Red, lagi-isip ang pinapairal ko kaya hindi ito big deal." Sabi ko pa.
"I'm sorry, I'm sorry to the both of you."
"Ano ka ba, ok lang. Hindi mo naman ako kilala kaya nasisi mo ako about dun sa libro. Ako nga dapat ang magsorry dahil ako ang naggulo but I didn't intend to do that and I'm sorry for that." She smiled at me. I hate myself for being mean to this precious girl infront of me.
Red is lucky to have her. She's too kind.
"Red, I'm sorry." Nilingon ko si Red mula sa Likuran ni Arra.
"It's ok, I'm sorry too. Wag mo lang ulit uulitin, I hate arguments between friends." He said, tumango ako at ngumiti.
"Tara na?" Aya ni Arra. Tumango kaming dalawa at nauna na silang naglakad sa akin. Sabay silang naglalakad sa harap ko habang pinapanood sila.
I swear, I like Red pero hinding-hindi ako maninira ng kahit kanino mang relasyon. I'll stay as his friend, nothing more and nothing less.
Sean's POV
Lumabas ako sa likod ng Floresco building. Tumakbo ako kahit pagod na pagod ako kakatakbo kanina. Grabe ang intense kanina akala ko naman kung anong gagawin nila sa'kin, para silang mga agents na hinahabol ako para patayin.
Bakit ba kasi nagkunwari pa akong kaibigan ni Arra, ayan tuloy. Malay ko bang kaya niya palang magbasa ng isip. Dapat kasi inalam ko muna.
Sa tagal ko na siyang sinusubaybayan ngayon niya lang ako nahuli. But atleast, naging friend ko na siya. Nadagdagan pa ko ng mga iilan pa.
Hindi ko lang masyadong nagustuhan yung Red at Steph mga masyadong masusungit pero ok lang.
Hindi ko talaga makalimutan si Bass. Masyadong malapit ang vibe niya sa'kin, mukhang mapapakisamahan ko siya ng maayos
Tumatagaktak ang pawis ko habang tumatakbo ako. Yung buhok ko dumikit na sa noo ko dahil sa sobrang basa ng pawis. Pinunasan ko nalang ito gamit ang kamay ko.
"Pasensiya nalate ako." Tumakbo ako papunta sa teammates ko na nakaupo sa bench at nagpupunas ng mga pawis nila. Napahinto rin ang iba na umiinom ng tubig ng makita ako.
"San ka ba galing? Parang pagod na pagod ka oh." Sabi ni Ren sa'kin.
"Wala napasarap lang ng takbo." Sagot ko.
"Ewan ko sayo, ang weird mo talaga kahit kailan. Magbihis ka na nga dun para makahabol ka sa second play." Sabi niya pa, hindi ako nakinig sa kaniya at kinuha ang bolang nasa ilalim niya.
"Paisa muna." Tumakbo sa tapat ng net habang dala-dala ang bola ng football. Ipiniwesto ko ito na tapat ng net. Malayo ako mula sa net, imposible ang pwesto ko dahil madalang lang ang nakakagoal sa lagay na 'to.
But I'm confident. Bumwelo ako at naghandang sipain ang bola, inipon ko ang buong pwersa ko sa aking kanang paa, kahit na black shoes lang ang suot ko ay tingin ko ay makakagoal ako.
Maya-maya lang ay pwersahan ko itong sinipa ng malakas sa anggulong sigurado akong tatama ito sa net. Hinintay ko itong makarating ito habang ang kamay ko ay ready ng mag 'yes'.
At tama nga ako, it's a goal. Mahina akong napa 'yes'. Nilingon ako ng mga kateammates ko na gulat padin dahil nagawa ko ang sinasabi nilang 'rare' na mangyari.
Tinakbo ko ang bola, kinuha ko ito at lumakad n ako pabalik sa kanila, kitang kita ko parin ang mga gulat nilang reaksyon sa nagawa ko, parang namang hindi sila sanay.
"Baka pasukin yang mga bunganga niyo ng langaw." I said as I smirked. Ibinaba ko ang bola sa baba ni Ren. Sinalubong niya ako ng Apir.
"Galing!" Napakibit balikat nalang ako.
"Don't be shock. Hindi na kayo nasanay. Ako 'to si Sean. Star player niyo." Pagyayabang ko kasi why not? Hindi masamang ibagyabang ang talento.
"Yung mga fans mo oh, naghihintay ng makapaglaro ka." Nilingon ko ang grupo ng babae na nakatingin at nakangiti sa'kin. Nginitian ko sila daan para magtilian sila, napailing nalang ako at napatawa.
I really appreciate them, because they admire my talent and also my good looking face. I admit that. Kahit medyo cringe magkaroon ng fans dahil halos siguro kung saan ako magpunta nanjan sila but I love them.
"Pahingi nga niyan." Kinuha ko ang tubig na dapat iinumin palang ni Ren.
"Akin yan e." Reklamo niya, hindi ko nalang siya pinansin at nilagok na buong lamang tubig ng plastic bottle na hawak ko. May mga tumatagas na kaunting tubig pababa sa leeg ko, papunta sa dibdib ko na dahilan para mabasa ang uniform ko.
Hindi ko na pinansin yun dahil masyado na akong uhaw dahil sa hingal at pagod kakatakbo kanina.
Matapos kong uminom ay inabot ko kay Ren ang Plastic bottle na wala ng laman.
"Bakit mo pa inaabot sa'kin yan?" Pagsusungit niya.
"Sungit mo, ako na nga magtatapon." Pumunta ako sa likuran ni Ren, halos kalapit niya lang ang basurahan kaya inaabot ko kanina itong hawak kong bote kaso sinungitan niya ako.
Ayoko namang iwan ang bote sa tabi lang dahil we must love the nature and protect it. Tinapon ko ang plastic bottle sa tama nitong kalalagyan. Saan pa ba edi sa recycle bin.
"Alis na ko, magbibihis na me." Paalam ko ng hindi lumilingon, naglalakad ako at kumakaway mula sa ere.
"Bilisan mo para makapagsimula na tayo ng second game." Rinig kong sabi ni Ren.
"As you wish boss." Nilingon ko siya at kinindatan, napailing nalang siya dahil sa kinilos ko.
Napatawa nalang ako. Nadaanan ko ang mga fans ko at nginitian sila, as expected they scream at kaway ng kaway lang sa'kin. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba na ganito ako kagwapo?
It's just me. Sean Carl Yvez ng 'The Football Player' comic book.