Arra's POV
"Ano bang nangyari sayo kahapon Arra?" Tanong ni Candy habang nakaupo kami sa bench ng field habang kumakain ng lunch. Nagdecide kami na dito nalang kami kumain para makalanghap ng masarap at malinis na hangin.
Hininto ko ang pagkain ko para sagutin ang tanong ni Candy, "Nangyari kahapon? Bakit may nangyari ba?" I questioned. I act that I didn't know. Kunwari hindi ko alam na may nangyari kahapon. Gusto ko isipin nila na nasa club opening lang ako ng Acting club.
"Oo dai, nakahagilap kami ng chika sa kakilala kong sumali sa acting club. Wala naman daw sumaling Arra Sentevilla doon. Umamin ka nga! Saan ka pumunta!" Sabi ni Candy na akala mo ay nagpoprotesta. Para siyang galit na nanay na nagagalit dahil nagsinungaling ako't hindi ko sinabi ang tunay na gagawin ko.
"Baka hindi niya lang ako nakita." Palusot ko, tapos nagulat ako bigla silang nagsitigil kumain maliban kay Andy at tiningnan ako.
"Oh talaga? Bakit ka namin nakita ni Lovely na tumatakbo? Hindi ka nga namin maintindihan e. Tumatakbo ka kung saan-saan habang may hawak na cellphone na nasa tenga mo."
"Andy, bakit ka nga pala umuwi kahapon?" Tanong ko kay Andy. Pagiiba ko narin ng usapan, ayoko kasing malaman nila tungkol sa nangyayari kahapon dahil tiyak na maguguluhan at ipagtataka nila iyon.
Hindi ko lang basta-basta maiipapaliwanag at sasabihin sa kanila. Hindi ko na kailangan pa silang idamay sa mga bagay na 'to. Ngayon na alam ko na kung sino ako at kung saan ako nanggaling, it's my time to protect the people arround me.
Hindi ko nagawa iyon sa mga magulang ko at Red. Kahit hindi ko alam kung anong nangyari, nararamdaman ko na ako ang may kasalanan. I don't know? Alam kong hindi tama na sisihin ang sarili ko pero anong magagawa ko? Yun ang nararamdaman ko e.
Kaya pala parang sumpa ang bahay namin. Never silang tumigil sa pag-aaway, never nila akong kinausap ng maayos. Gusto kong mabago iyon, gusto kong bumalik sa dati ang buhay ko.
My life when I was in a novel is fine, really really fine.
I know that my life there is controlled by the author but atleast I never experience this kind of life. Ang tanging ginagawa ko lang ay mahalin ang mga taong nasa paligid ko.
"Sinugod sa hospital ang lola ko, inatake nanaman siya ng hika niya. Alam niyo namang kapatid ko lang katorse anyos ang kasama ko sa bahay at ang lola ko kaya kailangan ko talagang umuwi." Paliwanag niya.
"Kamusta na siya ngayon?" Tanong ni Lovely, halata sa mga mukha namin ang pag-aalala. We can't see anyone of us suffering. Ayaw namin ng malungkot ang kahit na isa sa amin.
"Ok na ba siya?" Habol na tanong ko pa, tumango-tango naman si Candy na ang ibigsabihin ay sumasangayon siya sa mga tanong namin. Ang mga tanong namin ay tanong niya narin.
"Oo, ok nanaman siya." Mahinang sagot ni Andy. Tingin ko hindi e, iba ang nasa loob niya. Ayaw niya lang kaming mag-alala sa kaniya.
"Sa totoo lang hindi ok ang lola ko, ako lang sabihin sa kanila dahil ayokong mag-alala sila sa'kin. Atsaka family matter ito, hindi ko sila isasali."
"It should be on me only."
"Gusto ko makita nila na ok lang ang lahat."
Iniling-iling ko ang ulo ko, sa tingin ko hindi dapat palaging nagbabasa ako ng isip, I'm invading their privacy. Hindi dapat ako palaging nakikibasa ng isip at nakikialam sa problema na maaraming itinatago nila. Dahil may mga bagay na dapat hindi ikinekwento sa iba.
Simula ngayon ay icocontrol ko na ang abilidad kong ito. Gagamitin ko lang kung kailan ko ang ito kailangan, ayoko ng makialam pa.
Naiintidihan ko si Andy, kung ayaw mong sabihin, karapatan mo yun. Kung gusto mong itago, itago mo. Pero kung kailangan mo namang ilabas ay kailangan mong ilabas ng hindi labag sa iyong kalooban.
Mali, mali ang mga ginawa nitong mga nakaraan. Masyado kong ginamit ang kakayahan ko sa ibang tao. Katulad ng sa Prof namin.
Paano kung hindi pala alarm clock ng cellphone niya ang dahilan ng pagkalate niya. Paano kung something private pala ang dahilan tapos malalaman ko.
I'm closing my mind to everyone, para hindi ako makakatapak ng pribadong buhay. Siguro kung may serious events na kailangan itong kakayahan na ito, doon ko lang gagamitin.
Alam ko paulit-ulit na ako, pinapaalalahanan ko lang ang sarili ko para hindi ko makalimutan pa.
"Magiging ok din siya, Andy." Sabi ko habang hinahawakan ko ang kamay niya. Tumango siya at ngumiti sa'kin.
"Ok naman siya Arra, sabi ni Andy diba?" Singit naman ni Candy.
"What I mean is mas magiging ok pang lalo." Sabi ko pa.
"Ahhhh....."
"Teka tama muna ang drama time. Game ba kayo? Malling tayo later?" Aya ni Candy.
Nakangiti siya at isa-isa kaming tinitingnan ng pabalik-balik at hinihintay kung papayag ba kami sa balak niya.
"Game." Sabay-sabay na sabi naming tatlo nina Andy at Lovely. Napangiti naman kaming lahat dahil magkakaroon nanaman kami ng time para sa isa't-isa.
Bihira nalang kami kasing lumalabas at nagbobonding bukod sa palagi kaming magkasama dito sa unibersidad.
Pagkatapos ng class hours ay dumeretso agad kami ng mall, hindi na kami umuwi para magpalit pa. Kapag kasi umuwi pa kami, baka may tamarin saming apat at di na makasama.
"Tingin muna tayo ng Watson, may bibilhin kasi ako." Ani Candy. Tumango lang kami at sumunod kami sa kaniya. Humabol si Andy sa kaniya at kumapit sa braso niya.
Naiwan naman si Lovely na ngayon ay katabi kong maglakad.
"Ano ba talagang ginawa mo kahapon?" Pagbukas niya sa usapan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya, hindi ako makaisip ng ibang dahilan.
Sabihin ko kaya na nawawala yung cellphone ko?
Ay nakalimutan ko palang nakita nila akong may katawagan sa cellphone habang tumatakbo ako.
"Ano? May nangyari ba?" Tanong niya ulit.
"Ahh....yung wallet ko kasi, hindi ko napansing nahulog tapos....ahmmm....may na nakapulot, ayun nakita tapos hinabol ko siya." Sa, wakas nakaisip din ako ng palusot.
"Eh, sino yung tinatawagan mo?" Sunod na tanong niya ulit. Nanay ko ba siya?
"Si Red." Sagot ko.
"Sa ganung sitwasyon si Red talaga?" She questioned. Lagi talagang may pasunod na tanong, napailing-iling ako.
"Anong gusto mo kayo tawagan ko? Tapos makikitakbo din kayo sa'kin ganun?" Sabi ko pa, napatawa siya. Alam niya kasing halos lahat ng kaibigan namin ay maaarte, ayaw nilang napapagod sila.
"Ok, lusot ka na." Lovely sighed. Sinenyasan niya akong humabol kila Candy pero hindi ako nakasunod ng tumunog ang cellphone ko.
(2 message.)
From: Pula
What are you doing now?
From: Unkown
Hey, got your number! :)
I Lean my head a bit, hindi ko alam kung sino ang unang rereplayan ko. Napagdisisyunan kong si Red muna dahil hindi ko naman kilala kung kanino galing ang isa.
Naglalakad ako habang nagtatype ng irereply ko kay Red.
[Arra]: Malling, kasama mga kaibigan ko.
[Pula]: ahh, enjoy and take care. :)
[Arra]: awww, ang sweet mo ngayon himala?
[Pula]: bumabawi lang po.
Napatawa naman ako sa reply niya.
[Arra]: what's with 'po'?
[Pula]: nothing 'po', stop texting while walking. Itago mo na yan. Wag ka narin magreply. Ingat. :)
Napailing-iling nalang ako, itatago ko sana ang phone ko ng biglang may nag pop-up sa ibabaw ng notif ng cellphone. A text from unknown number.
From: Unknown
Aw, walang reply.
[Arra]: Who are you?
[Unknown]: Kaya pala, sorry nakalimutan ko magpakilala. Rename my number now. It's me, Sean.
Napakakunot naman ako, saan niya naman kaya nakuha ang number ko. Sinunod ko ang tinext niya at nirename ang number niya sa pangalan niya.
[Arra]: Saan mo naman nakuha ang number ko?
[Sean]: kay Bass :)
[Arra]: ok.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at tinago ko na agad ang cellphone ko. Hinabol ko sina Lovely na papasok na sa Watson, hindi man nila ako inistorbo para tawagin. Ang layo-layo ko na sa kanila oh.
"Bakit di man lang niyo ako tinawag!" I complained. Tinawanan lang nila ako.
"Pano ka namin tatawagin e, halatang busy ka at kinikilig diyan sa harap ng phone mo." Candy said.
"Ako kinikilig?"
"Oo, kanina pa kaya namin ikaw pinagmamasdan. Grabe yung ngiti mo umaabot hanggang langit, mukhang kinikilig ka kay Red no? Kay Red no? Red? Red?" Pang-aasar nito. Yumuko ako isa-isa silang tinulak papasok ng watson.
"Tumigil nga kayo diyan."
"Uy, Arra ikaw ba yan?" Napahinto ako sa pagtulak sa tatlo ng may marinig akong boses mula sa likuran. Lahat naman silang tatlo ay napatigil din.
"Kilala mo yan Arra?" Tinuturo ni Andy ang nasalikuran gamit ang nguso niya, napakunot naman ang kilay ko dahil halos lahat sila ay tulala, pati ang ibang kahera sa loob ng watson ay parang natutula rin sa pagtingin ng nasa likuran ko.
Dahil sa kacuriousan na ang inaabot ko, hindi na ako nagdalawang isip pa na lumingon sa likod ko.
"Oh, ikaw nga." Sinalubong ako ng malapad na ngiti ni Sean, oo si Sean ang nasa harap ko. Siguro siya ang dahilan kung bakit natulala itong mga nasa likuran ko na. Hindi ko naman maitatanggi na talagang gwapo si Sean.
Naka football uniform ito at may kasama siyang isang lalaki na maliit sa kaniya ng mga 2 pulgada. Ako naman medyo nakatingala dahil sa tangkad niya.
Nakasuot siya ng headband na nike at sa pagitan ng buhok at noo niya ito nakalagay. Halos kita pa ang basa ng buhok niya galing siguro sa pawis na gawa ng pagfofootball nila.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ngumiti siya sa'kin bago magtangkang magsalita. Bago siya magsalita ay binulungan ako ni Candy sa likuran ko.
"Pakilala mo naman kami dai, ang gwapo!" Napailing nalang ako.
"Wala, ito kasing si Ren may bibilhin daw dito sa Watson." He repplied.
"Sya nga pala, ito si Ren." Pakilala niya sa kaibigan niya.
"Hi I'm Ren." Sumaludo pa ito at kumindat. Nginitiian ko siya.
"Don't need to introduce yourself, Arra. Itong si Sean lagi ka namang kinekwento sa'kin simula nung-----" hindi natuloy ni Ren ang sasabihin niya ng mahina siyang siniko ni Sean at hindi ko alam kung bakit.
"Anong ikenekwento niya tungkol sa'kin?" I curiously asked. Hindi siya makasagot dahil biglang tinakpan ni Sean ang bibig niya.
"Ako kasi ang tanungin mo." Sabi niya.
"So, ano nga ang kinekwento mo sa kaniya tungkol sa'kin?" Tanong ko.
"Na cute ka." He said and then gave me a wink. Napailing nalang ako.
"Biro lang. Ay hindi cute ka pala talaga...." he smiled, "kinwento ko yung nangyari satin, kasi naman ginawa niyo kong mala Flash." Dugtong niya pa.
Pumunta naman sa gilid ko ang dalawang magaling kong kaibigan at sinalubong silang dalawa ng ngiti. Nanatili lang si Lovely sa likuran. Sinilip ko siya at tumuloy na pala sa loob ng watson at tumitingin na kung saan-saan.
"Ikaw pogi, di ka ba magpapakilala?" Tanong ni Candy kay Sean.
"Ahhhmm, Sean." Nginitian ni Sean ang dalawa at nang gawin niya iyon ay akala mo nababaliw ang dalawa na magkahawak ang dalawang kamay at nagtatatalon. Napatawa nalang ako dahil sa kinikilos nila.
Ibinaling ni Sean ang atensyon sa'kin. Nginitian niya nanaman ako ulit, nginitian ko nalang din siya.
Sinenyasan ko naman ang dalawa kong kaibigan na mauna ng pumasok sa Watson, ganun din ang ginawa ni Sean, sinabihan niya si Ren na bilhin na ang bilhin nito.
Naiwan kaming dalawa sa labas naupo kami sa malapit na upuan dito si Mall. Ewan ko kung bakit pinauna ko sila at hinayaan ko lang na maiwan kaming dalawa, siguro hindi ko lang talaga gusto tumingin sa loob at gusto ko lang makipag-usap.
"Sorry nga pala dun sa pagpapanggap bilang kaibigan mo ah." Pagbasak niya sa kanilang katahimikan. Nilingon ko siya at kita kong hindi siya nakatingin sa akin. Maya-maya lang ay lumingon din siya sa'kin.
Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay nginitian niya ako. Hobby nila ba talaga ang ngumiti ng ganito? Siguro kung wala lang nagmamay-ari ng puso ko ay nagkacrush na ako dito.
No offense, kahit sino talaga ay mahuhulog sa ganitong klaseng lalaki. Gwapo na tapos sobrang gaan pang kausap. But not me.
"Ok lang." Sabi ko. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. Nilalaro ko ang mga paa ko, dinuduyan-duyan ko ito ng sabay. Napatingin naman ako sa paa niya na ginagaya ang ginagawa ko. Nilingon ko siya at nakita kong masaya sa ginagawa niya.
"Bakit niyo nga pala ako hinabol?" Tanong niya kasabay ang lingon niya sa'kin.
"Akala namin na makakaharm ka ng tao. We're trying to protect everyone. Lalong-lalo na kay Viticous." Sagot ko.
"Sino ba kasi yang Viticous na yan?"
"Isang gaya natin, na walang magawa kundi ang manggulo." Sagot ko. Inihinto ko ang paglalaro sa mga paa ko at ganun din siya.
"Ahhh..." sabi niya habang kinukuha ang phone niya sa kaniyang bulsa. Pinapanood ko lang ang ginagawa niya. Parang binuksan niya ito sa camera at parang pinipicturan niya ang mga paa namin.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Hindi niya ako pinapansin at nagfofocus lang sa pagkuha ng anggulo.
"Wala...." sagot niya habang nagpipicture padin. Inalis ko nalang ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa harap ko. Nang maaninag ko sa gilid ko na parang pinipicturan niya ako ay lumingon ako.
"Hoy! Wag kang namimicture!" Sinusubukan kong kunin ang phone niya sa kaniya kaso lumalayo siya. Nakatapat padin sa'kin ang phone niya habang siya atras padin ng atras.
Kakahabol ko sa kaniya ay natalisod ako sa paa niya, yung kaliwang paa niya kasi nakaabante. Buti nalang at nasalo niya ako kaagad.
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong niya. Nagmadali akong tumayo at nang mapansin kong nakatingin siya sa'kin at nakita ko ang phone niya ay hinablot ko ito sa kaniya.
"Ble!" Tiningnan ko ang phone niya, nakalock ito at nakawallpaper ang mga paa naming pinicturan niya kani-kanina lang. Nagtaka naman ako. Bakit niya iwawallpaper yun?
Hindi ko na napansing naagaw niya ito sa'kin agad. Nilingon ko siya.
"Burahin mo mga picture ko diyan." Utos ko. Umiling lang siya habang tinatago ang phone niya sa kaniyang bulsa.
Susubukan ko sanang basahin ang isip niya kaso bigla kong naalala ang pangako ko sa sarili ko. Iniling ko nalang ang ulo ko at pinilit na ibaling sa ibang bagay ang pag-iisip ko.
Napabuntong hininga ako sa hangin, nakatayo lang ako sa harap ni Sean at napansing tinitingnan niya lang ako. Nagulat naman ako ng bigla niya akong inakbayan at dinadala ako sa loob ng Watson. Hindi ko nalang pinansin pa ang ginawa niya at sinunod nalang ang mga yapak ng kaniyang mga paa.