Mataas ang sikat ng araw noong magising ako. Naabutan ko si Brian sa labas ng kwarto kausap ang mga kaibigan niya. Ang aga nilang magising. Lahat ay may maliwanag na ngiti sa kanilang labi. Mas mataas pa iyon sa sikat ng araw lalo na sa tuwing naghahalakhakan sila sa tuwa. Sanay ata silang bumangon ng maaga sa higaan tapos magkukwentuhan sa umaga. Ako kasi, hindi talaga ako gumigising ng maaga noon pa man sa bahay nina Kuya Darwin. Kahit anong pilit kong magising ng wala pang sikat ng araw ay hindi ko magawa-gawa. "Oh my God is that you Kathryn? Ikaw nga!" Napatalon ako sa gulat noong makita ko ang isang lalaki sa tabi ko. Malaki ang ngisi niya dahil nagulat ako sa ginawa niya. "Gulat ka 'no? Payakap!" Mabilis siyang yumakap sa akin. "I miss you bakla! Ilang taon kang walang paramdam.

