"Akala talaga namin hindi ka na babalik. Akala namin mas masaya ka na sa New York kasama ang new friends mo." Nakikinig lang ako kay Jake sa mga kuwento niya noong nawala ako. Nalaman kong Jake ang name niya. Siya nga ang pinaka-close ko sa lahat pati si Blonde Girl na ang name ay Trizie. "Kaya intindihin mo na lang si Trizie kung cold ang pagtrato niya sa 'yo kanina. Nasaktan lang siya sa pagkawala mo ng walang pasabi sa amin. Kahit ako nasaktan ako at nagtampo pero ano bang magagawa ko kung hindi tanggapin na lang 'di ba? Ang mahalaga, nagbalik ka. Huwag mo na ulit kaming iiwan." "Jake, hiramin ko muna si Kat," ani Brian. Seryoso ang mukha niya kaya kahit ayaw pa akong pakawalan ni Jake ay binigay na niya muna ako kay Brian. Dinala ako ni Brian sa room kung saan ako natulog kanina.

