Hindi ko lubos akalaing magkakagulo ng dahil sa aming tatlo ni Brian at Oliver. Gusto talaga ni Oliver isama ako pauwi. Hindi ko inaasahang ipipilit niya ang gusto niya kahit pa may masaktan na siyang mga tao physically. "He's so psycho. I can imagine your life with him for the next whole year, Kathryn, you will be messed up big time. Swerte kung maka-survive ka sa piling niya after three years." Komento ni Jake. "Fiance ka pa lang niya pero kung itrato ka niya para ka lang isang alila, hindi asawa e, alila." Kung pagdiinan niya sa akin ang salitang alila ay grabe. Talagang damang dama ko ang pagkakulo ng dugo niya kay Oliver. "Buti nga sana kung alila lang, e parang 'yong ginawa niya noon kay Kathryn mas malala pa doon. Naging punching bag niya si Kathryn, Jake, mabuti na lang nandyan s

