4

640 Words
"Excuse me?" kinuha ko 'yung atensyon ng guard. "Mag-a-apply po sana ako." sabi ko. 'yung ngiti ko sobrang laki. O 'di ba ganiyan ako ka-friendly kahit sa guard. Cute kase ako sabi nina Kuya at Tatay. Anong connect? Wala lang gusto ko lang ipaalala minu-minuto sa sarili kong cute ako. Nako pati isip ko kontra sa akin. Cute naman talaga ako, sabi nina Kuya at Tatay. Tinuro sa akin ng guard kung saan ako dapat magpunta. May finill-up-an lang ako tapos kinuha ang resume ko atsaka ako pinaghintay sa may waiting area. Actually marami kami ditong nag-a-apply ng trabaho. Tama nga ang nabasa ko sa dyaryo, tumatanggap na sila ng high school graduate, ayos din itong Monte Company, kahit papaano may puso sila, bihira lang daw kasi ang malaking company pero tumatanggap ng High School Graduate. "Pero kailangan mo ng maraming experience para matanggap ka dito, kahit pa 6 months experience lang ang nakalagay doon sa news. Hindi ako naniniwala. May ilan ding nakapag-apply na dito ang nagsasabing kapag high school graduate ka lang ay sa work experience mo sila magbabase kung tatanggapin ka ba o hindi. Kaya pahirapan pa rin makapasok kahit sabihin nilang tumatanggap na sila ng High School Graduate," "Ha?" Nginitian lamang ako ng babaeng kausap ko. Dahil sa pagka-bore pati kapwa ko nag-a-apply ay kinausap ko na. Mukha naman siyang mabait kaya nakipagkuwentuhan ako kanina. "6 months experience sa kahit anong work?" tanong ko sa kaniya. Teka, hindi ko nabasa iyon. Paano iyan? Wala pa akong work experience. Ibig sabihin ba nito ay masasayang lang ang pagpunta ko dito at paghintay ng ilang oras? Sa dami kasi namin inabot na ako ng oras sa paghihintay na matawag ang pangalan ko ng HR. "Jasmine Trinidad for Room 1303," narinig kong sabi sa Mic noong nasa gitna. Siya 'yung nag-a-announce kung sino na ang i-interviewhin. So ako na? Nako naman. Mali ata ang napasok ko. "Goodluck," sabi ng babaeng kausap ko. Nag-aalanganin akong ngumiti at parang hindi ko pa kayang tumayo. Paano naman ako matatanggap dito kung kailangan pala ng work experience. Dapat pala binasa ko muna ng maigi yung nasa dyaryo. Ako rin ang may kasalanan kung bakit ako napasubok dito. Pagkapasok ko sa room ay may naamoy agad akong pamilyar na amoy. Parang ito 'yung cologne nung lalaking bumunggo sa akin kanina sa may labas. Sininghot-singhot ko pa hanggang sa wala na akong maamoy. Dumiretso ako ng lakad at umupo. Sa harap ko ay mayroong nakatalikod na upuan at may nakaupo doon, 'yun siguro ang interviewer. Pati ang suot niyang executive suit pamilyar. Siya nga 'yung bumunggo sa akin hindi ako puwedeng magkamali. Interviewer lang pala siya akala mo kung sino. Inilapag ko 'yung folder na hawak ko, medyo nilakasan ko para marinig niya. Mukhang wala siyang balak na harapin ako. Hindi ba niya napansing pumasok na ako sa loob? Busy siya sa pagcecellphone. Dapat sa mga ganiyan sinisisante. Oras ng trabaho nila tapos nagcecellphone lang. Hindi niya ako pinansin kahit ilang beses akong nagkunwaring umubo. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya humarap. "Are you sick?" tanong niya, nakakunot ang makakapal nitong kilay noong harapin niya ako. halata rin ang pagka-irita sa kaniyang boses. Inilapag niya sa table ang phone na hawak niya. "What are you doing here? What's with that folder?" malalim at buo ang kaniyang boses, lalaking lalaki. Napakurap ako ng maraming beses hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Nakatitig din siya sa akin ngayon. Para nga siyang nakakita ng multo noong makita ako. Siguro nacutean din siya sa akin. Pero totoong tao ba siya? Totoo ba itong nakikita ko? Para siyang greek god na hinulog ng langit sa harapan ko. Artista ba siya? Infairness, makinis at maputi ang balat niya. Teka ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko naman hinahangaan ang maganda niyang mukha di ba? Isa pa, siya yung bumunggo sa akin kanina sa may labas kaya sigurado akong masama ang ugali niya. "Kathryn,"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD