"Pasensya na, hindi Kathryn ang name ko. I’m Jasmine,”
Sinong Kathryn ang tinutukoy niya? Napatingin tuloy ako sa paligid ng kwarto pero kaming dalawa lang naman ang tao dito. Nakakakita ba siya ng multo? Sa gwapo niyang 'yan may sayad siya? Iba na talaga ang panahon. Sayang naman siya.
“Kathryn, where have you been? Bakit ngayon ka lang sa amin nagpakita?”
"Mawalang galang na pero hindi pa ba tayo magsisimula? Marami pa rin kasing nakapila sa labas, maganda siguro kung sisimulan na natin,” suggestion ko. Paano ba naman kasi, umaandar ang oras. Kapag natagalan pa ako sa Interview baka hindi na ako maunang makauwi kina Tatay at Kuya.
"Start from what?" nakakunot noong tanong niya. Mukhang nahimasmasan na siya. Ayan ganyan nga. Nawala na ba ang mumu na nakikita niya? Napayakap tuloy ako sa aking sarili, bigla akong natakot.
"Interview po." sagot ko sa tanong niya.
"Interview?" tanong niya ulit.
Ay, hindi niya ba alam? Nako kung siya talaga ang employee ko ay hindi ako makakapayag. Tatanggalin ko agad siya sa trabaho. Sisante agad iyan sa akin. Aba. Noong una, pa-cellphone cellphone lang tapos ngayon hindi na alam kung ano ang trabaho niya.
"Hindi ba dito sa room gaganapin 'yung interview ko? Ikaw ang mag-i-interview sa akin, tama 'di ba?"
"You're crazy."
Crazy.. ano raw? Ako ba ang tinutukoy niya? Grabe naman pala talaga ang ugali nitong lalaki na ito. Porket gwapo sasabihan na niya ako ng ganiyan? Pasalamat siya dahil siya ang mag-i-interview sa akin. Kaya Jasmine, i-relax mo lang ang sarili mo.
Nginitian ko pa rin siya kahit asar na ako. "Kung hindi ikaw ang mag-i-interview sa akin ano po ang ginagawa natin dito?"
"Well, I am here for my Interview. I have an appointment to Show and Tell Media Entertainment."
"Ha?" ano bang sinasabi nitong lalaki na ito. Ako ang i-interviewhin di ba? “Ako ang aplikante dito.” Baka kasi hindi niya alam.
"I said I’m here for my interview. Hindi ako interviewer.”
"Excuse me, I am here for my interview too." akala niya papatalo ako? Hindi porket high school graduate lang ako ay hindi na ako marunong mag english, anong karapatan niya para insultuhin ako at tapakan ang pagkatao ko ng ganun lang. Sino siya sa akala niya. Ha!
"Stop the acting, Kathryn. For f**k sake. We have been looking at you for f*****g five years. Where the hell in the world have you been?" tumayo ito sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. "Everyone's thought you were dead. I almost believe it. I'm sorry,"
Napapitlag ako noong hawakan niya ako sa kamay at tinayo para mapantayan siya. Pero hanggang balikat lang niya ako.
"T-teka ano bang ginagawa mo? Saka anong pinagsasabi mo?" nilayo ko ang sarili ko sa kaniya pero hindi ako nagtagumpay dahil malakas siya. "Nandito ako para sa trabaho." grabe. Eng-eng ba 'to? Malakas ata ang sayad ng lalaking ito. Kagwapo-gwapo pa man din. Sinimulan na akong kabahan. Nakakakaba naman kasi talaga siya. Abnormal ba ito? Bakit dito pa ako pinapunta? at bakit siya pa ang mag-i-interview sa akin?
"Stop acting, Kathryn."
"Ano bang pinagsasabi mo, sir? Gusto ko lang naman magkatrabaho."
"Stop lying!” nagulat ako sa pagtaas ng boses niya sa akin. Kulang na lang ay makain niya ako ng buhay dahil sa galit niya ngayon. Ano bang mali sa sinabi ko at nagagalit siya?
Gusto ko nang makalabas sa room na 'to. Babalik na lang ako sa bahay. Hindi na ako magwowork. Promise susundin ko na sina Kuya at Tatay. Hindi na ako susuway sa mga utos nila.
Sunod-sunod ang panalanging ginawa ko sa sarili para makaligtas sa masamang lalaking ito. Pinagiisapan ko na kung ano ang gagawin ko. Sisipain ko ba siya? Sipain ang birdie niya? O di kaya ay itutulak ng malakas tapos tatakbo ako palabas? Ano bang magandang gawin? Natataranta na ako sa takot at kaba.
Sa klase ng tingin niya ay parang malulusaw ako. Nakakapaso iyon lalo na dahil sa kaniyang galit.
Pero mas nagulat ako dahil bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung sisigaw ako ng malakas para humingi ng tulong o hahayaan na lang siya.
Dahil maski ako nagulat sa naramdaman kong tumutulo sa gilid ng leeg ko. Galing iyon sa lalaki. Halos mabasa ang suot ko dahil sa mga luha niya.
Umiiyak siya. Pero bakit?