"Sir, ayos ka lang?" "Sir?" inulit niya ang sinabi ko. hindi siya makapaniwala doon. Bakit ano ba dapat? Sir naman talaga dapat. Hinarap niya ako. "M-may mali po ba sa sinabi ko?" "Kathryn, don't do this to me." "Po?" inayos ko ang sarili ko noong oras na bitiwan niya ako. Pinunasan ko 'yung leeg kong nabasa dahil sa luha niya. Mali bang tanungin ko kung ayos lang siya? Bigla-bigla na lang siya nangyayakap diyan tapos iiyak. Hindi man lang siya nag abalang punasan 'yung mukha niya. Pero kahit ganon, ayos pa rin ang kaniyang mukha. Mas lalong naging attractive ang mga mata niya. "Pasensya na pero nagkamali po ata kayo sa akin. Hindi po ako si Kathryn. Jasmine po ang pangalan ko. Jasmine. Nandito ako para sa Interview ko. Kailangan ko ng trabaho kaya nag-apply ako." paliwanag ko sa ka

