Paulit-ulit ang dasal ko habang pumapasok sa bahay. Sana wala pa sina Kuya at Tatay. Sana lang talaga. Sana wala pa. "Okay ka lang?" muntikan na akong mapasigaw sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Ate Dawn sa likod ko. "Kakauwi mo lang? Saan ka galing? Nag-apply ka 'no?" "Ha? Hindi ah! Nagpapalamig lang ako dito sa labas," "Are you sure? Mukhang hindi ka lang basta nagpapalamig dito." napakamot na lang ako sa ulo ko. Ano bang dapat kong idahilan? Wala na akong maisip. "Whatever. Tumabi ka nga diyan sa pinto. Dadaan ako," "Aray," angil ko noong itulak ako ni Ate makapasok lang siya. Ate ko ba talaga siya? Grabe na talaga ang pagtrato niya sa akin. "Jasmine!" nanlaki ang mata ko. Hindi galing sa loob ang boses ni Kuya. Kaya naman tumalikod ako para harapin siya. "Saan ka ba nag

