Mabilis lumipas ang mga araw at linggo na nga. Ito ang araw na dumadalaw kami kay Nanay sa Hospital. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko parang laging may nakamasid o nakasunod sa akin pero wala naman akong nahuhuli. Feeling ko lang yata talaga. Kaya hindi na ako lumalabas para bumili ng kung ano-ano. Ayaw din naman nila Kuya na lumabas ako ng bahay. "Nanay!" mabilis akong lumapit kay Nanay, katulad ko ay lumawak din ang ngiti niya noong makita ako. Kahit isang linggo pa lang ang lumipas ay namiss ko na agad si Nanay. Ilang buwan na rin kasi siya dito nag stay sa Hospital. "Kumusta ang maganda kong anak?" umubo pa si Nanay pagtapos niyang itanong sa akin. "Ayos naman po. Eto, behave always. Hindi po ako nagpapasaway kina Kuya at Tatay." hindi ako makatingin sa lugar kung nasaan sin

