1

1145 Words
Baltimore, Maryland   “I’M SO very sorry, Johanna, but I really can’t do this. This is not right. I can’t. I can’t marry you. You’re not the one. I’m in love with someone else.” Tulala si Johanna habang hinuhubad ni Sybilla, ang matalik niyang kaibigan, ang wedding gown sa kanyang katawan. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga huling sinabi sa kanya ni Kurt, ang lalaking dapat ay pakakasalan niya sa araw na iyon. Paano nangyaring sa ganito nauwi ang lahat? The day started out great. Nagising siyang puno ng enerhiya at sabik na makarating sa simbahan na pagdadausan ng kasal. Napakaganda niya. Halos hindi niya nakilala ang sarili nang matapos ang make-up artist sa kanya. It had been perfect, walang nangyaring mga aberya. Kurt was waiting at the altar when Johanna walked down the aisle. There was no indication that something catastrophic was about to happen. Nais niyang maniwala na isang masamang panaginip lamang ang lahat at anumang sandali ay magigising na siya. Paggising niya ay matatagpuan niyang maayos ang lahat, walang kaguluhan o komplikasyon. Everything was exactly where they were supposed to be. When she wakes up, everything in her life would be perfect again. She just had to go through this nightmare. She would wake up soon. Johanna refused to believe everything that happened was true. Hindi niya nais paniwalaan na tinakbuhan siya ni Kurt sa altar. Hindi sinabi ng lalaki na hindi na siya nito mahal, na may mahal na itong iba. How could that even be a possibility? They had been together for almost sixteen years. How could he stop loving her? How could he fall for someone else? How could she not be the one? Halos hindi niya namalayan ang pagbukal ng luha sa kanyang mga mata. She supposed it was okay to cry when one was dreaming. Nakakaiyak namang talaga kung iisiping nangyayari iyon sa totoong buhay. Kurt left her in her dream. He ran away when they were about to exchange vows. She was going to sleep. She was going to sleep in her dream. Paggising niya, araw na ng kanyang kasal. Ibinagsak ni Johanna ang sarili sa kanyang kama. Paggising niya ay magiging perpekto na uli ang lahat, iyon ang kanyang naiisip bago niya ipinikit ang mga mata. Paggising niya, nakangiting mukha ni Kurt ang bubungad sa kanya. Ngunit mukha ni Sybilla ang unang bumungad pagmulat ng mga mata ni Johanna. Puno ng pag-aalala ang mga matang nakatunghay sa kanya. “Hey,” nakangiti at banayad nitong bati. Sinikap na huwag ipakita sa kanya ng kaibigan ngunit nakita pa rin ni Johanna ang awa sa mga mata nito. “How are you feeling?” “Kurt?” tanong ni Johanna. Hindi niya nakakalimutan ang naging panaginip. Iniwan daw siya ni Kurt sa simbahan. Hindi natuloy ang kanilang kasal. Hindi kaagad siya nasagot ni Sybilla. Napuno ng pag-aatubili ang mga mata ng kaibigan. Ibinuka nito ang bibig ngunit walang anumang nanulas, tila hindi malaman ang sasabihin sa kanya. “Tell me,” ang mariing utos ni Johanna. Hanggang maaari ay hindi nagsisinungaling sa kanya si Sybilla. “He... he’s gone, Johanna.” Hindi na siya gaanong nagulat. Unti-unti nang nanunuot sa kanya ang katotohanan na hindi masamang panaginip lang ang naganap. Totoong iniwan siya. Totoong hindi natuloy ang kasal. Ngunit hindi niya hinayaan na lubos iyong matanggap ng sarili. Umiling-iling si Johanna. “No. No. No.” Muling ipinikit ni Johanna ang mga mata. Hindi pa tapos ang panaginip. Hindi pa siya ganap na nagigising. Nagbalik siya sa pagtulog. Nang muling magmulat ng mga mata si Johanna ay umiiyak na anyo ng kanyang ina ang kanyang nabungaran. Unti-unti siyang bumangon sa kama. Napakabigat ng kanyang ulo. Napakabigat ng kanyang buong katawan. Inabot siya ng ina at humahagulhol na niyakap siya nang napakahigpit. “Ang walanghiya! Walanghiya!” wika nito sa pagitan ng paghagulhol. Johanna knew something terrible had happened. Something more terrible than the fact that she had been jilted. Tumingin si Johanna kay Sybilla na malapit din sa kama at naghintay ng sagot sa tanong na hindi na niya kailangang isatinig. Umiling ang matalik niyang kaibigan. Alam ni Johanna na may nalalaman si Sybilla ngunit ayaw nitong dito manggaling. The news must have been so bad. Hindi niya nilubayan ng tingin si Sybilla. She wanted to know. Sa bandang huli ay napabuntong-hininga na lang ang kanyang kaibigan at sinabi sa kanya ang nalalaman. “He’s married.” Hindi kaagad naintindihan ni Johanna ang sinabi ni Sybilla. “W-what?” “Nagpakasal na sa ibang babae si Kurt.” “W-what? No!” Nahiling ni Johanna na sana ay hindi na lang niya ganap na naintindihan ang sinabi sa kanya. “No!” Naramdaman niya ang paghigpit ng mga braso ng ina na nakayakap sa kanya ngunit nagpumilit siyang kumawala. “Hindi siya maaaring magpakasal sa ibang babae! Sa akin siya ikakasal. You’re lying to me, Sybilla! Why are you lying to me?” “Calm down, honey,” ang malumanay na tugon ni Sybilla. “Don’t tell me to calm down!” singhal ni Johanna. “Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? Kailan ako magigising? I can’t take it anymore!” Nang makawala si Johanna sa ina ay si Sybilla naman ang yumakap nang mahigpit sa kanya. “It’s going to be okay, honey. Everything’s going to be fine.” Paano nasasabi sa kanya iyon ng kaibigan? Paano nito nasasabing magiging maayos pa ang lahat? Hindi na kailanman magiging maayos ang lahat kung hindi siya magigising sa bangungot na iyon. “This can’t happen to me. This is not happening to me!” Nagpumiglas si Johanna. “This is not how it’s supposed to be! I’m supposed to be the woman he marries. Ako! Ako na nakasama niya sa mahigit labinlimang taon!” Johanna was not aware she was being hysterical already. Pumapalag na siya at sumisigaw. Everyone tried to calm her down. Everyone tried to hug her, restrain her. Hindi rin kasi siya aware na nagwawala na siya. She was not aware she started throwing things against the wall. She was not aware she had been crying so loud. Hindi maipaliwanag o mabigyan ng akmang salita upang mailarawan ang sakit na kanyang nadarama. She refused to believe everything but her mind could still process the fact that Kurt married someone else. Her heart just couldn’t take it. It was as if someone dug a hand on her chest and it had been shredding it apart. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung paano susulong. Hindi niya alam kung paano magpapatuloy ang buhay na walang Kurt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD