2

1875 Words
NAKILALA ni Johanna si Kurt sa unang araw bilang high school student kung saan siya nag-transfer sa Baltimore. She was a sophomore, he was a senior. He had been every girl’s dream man. He was the football team’s quarterback and the smartest in his class. He was tall and blond—a blue-eyed gorgeous. Tandang-tanda ni Johanna ang naramdaman niya habang papasok sa bagong eskuwelahan. She had been scared to death. She knew she would be a freak to her new school. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang mga kaklase na iba ang lahi. Ipinanganak si Johanna sa Pilipinas. Parehong doktor ang kanyang mga magulang, ngunit nang magtungo sa Amerika ay naging nurse na ang mga ito. Hindi alintana ng mag-asawa ang trabaho. Higit na mas malaki ang suweldo sa pagiging nurse sa Amerika kaysa sa pagiging doktor sa Pilipinas. Noong una ay ama lang ni Johanna ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Dalawang taon lamang siya nang umalis din ang kanyang ina at sinamahan ang kanyang ama sa paghahanapbuhay. Masasabing namulat sa masaganang buhay si Johanna. Parehong maituturing na may-kaya ang mga pamilya ng mga magulang. May ilang ektaryang palayan ang Lola Linda niya, ang ina ng kanyang papa, sa Pangasinan. Sa lola na iyon siya lumaki. Ang pamilya ng kanyang mama ay mayroong private family clinic at ilang medical supply stores na nasa iba’t ibang bahagi ng Maynila. Parehong masinop ang kanyang mga magulang at nag-iisa lang siyang anak kaya nakakaipon ang mag-asawa. Nakapag-aral siya sa international school sa Maynila. Pagsapit niya sa edad na kinse, nagtungo na siya ng Amerika upang makasama ang mga magulang. Citizen na ang kanyang mga magulang noon. Sapat na ang naiipon upang makapanirahan nang maayos sa Maryland. Nakabili na ang mag-asawa ng isang komportableng bungalow house sa isang tahimik na residential area. Sa unang araw ni Johanna sa bagong high school, pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya ang lahat. She felt like a fish out of water. Marami siyang kaklaseng foreigner sa Pilipinas ngunit ibang-iba pa rin ang vibe ng eskuwelahan para sa kanya. Nasa ibang bansa na siya na may ibang kultura sa kinalakhan niya. Johanna and Kurt bumped into each other in the hallway. Nagmamadali na siya dahil malapit nang magsimula ang unang klase ngunit hindi pa niya nahahanap ang kanyang classroom. Nais na niyang mag-panic. Naalala niyang labis siyang nainis sa abala nang mapagmasdan ang mukha ng nakabangga sa kanya. Her heart skipped a beat. She believed she just met the most beautiful man in the world. Tinulungan siya ng lalaking makatayo at tinanong kung okay lang siya. Dalawang beses siyang tinanong bago napanumbalikan ng katinuan si Johanna. Sinabi niya na okay lang at kailangan na niyang magtungo sa kanyang klase. It turned out, she was headed on the opposite direction. Inihatid siya nito hanggang sa classroom niya. Habang naglalakad patungo sa classroom ay nalaman ni Johanna ang pangalan ng binatilyo. Kurt Evans. Lahat kasi ng makasalubong nila ay binabati ito. Kilala ang binatilyo sa buong eskuwelahan. Naihatid siya ni Kurt na hindi tinatanong ang kanyang pangalan. Inisip ni Johanna na hindi interesado sa kanya ang binatilyo. Bahagya niya iyong ikinalungkot ngunit mas piniling huwag nang gaanong magdamdam. Mas itinuon niya ang atensiyon sa kanyang klase. Nagbago ang akala niyang hindi interesado sa kanya ang lalaki pagsapit ng tanghalian. Nagulat siya nang samahan siya nito sa isang mesa sa sulok. Wala pa siyang kaibigan na makakasalo sa tanghalian. “I realized I haven’t formally introduced myself,” nakangiting sabi ni Kurt sa kanya. He looked so charming and adorable. Hindi malaman ni Johanna kung paano niya kinaya ang kilig. “I’m Kurt Evans. You are?” Inilahad pa nito ang kamay sa kanya. “Johanna Torillo.” Nagpasalamat siya na hindi siya nautal bagaman bahagyang nanginig ang kanyang kamay na tumanggap sa pakikipagkamay nito. Nanlamig at bahagyang nagpawis din ang kanyang palad. Mula noon, regular na siyang inaabangan ni Kurt sa harap ng eskuwelahan tuwing umaga at inihahatid siya sa kanyang classroom. Sabay silang magtatanghalian. Masasabing naging madali ang adjustments niya sa eskuwelahan at sa Baltimore dahil kay Kurt. Naging mabait ang lahat sa kanya dahil din sa lalaki. Isang araw ng Biyernes, niyaya siya nitong manood ng sine. When he took her home that night, he had given her her first kiss. It had been magical. Mula noon ay halos hindi na nagkahiwalay ang dalawa. Kurt made it to Harvard. Napanatili nila ang magandang relasyon kahit hindi sila araw-araw na nagkikita. Nang magtapos ng high school ay sumunod siya sa Massachusetts. Nagdesisyon silang sa isang apartment na lang manirahan. Kurt went to med school. Johanna went to nursing school. She specialized being a scrub nurse. Kurt started his surgical internship. They went back to Baltimore to continue Kurt’s residency. They had always been a good team. They were a perfect pair—everyone told them so. Hindi inisip nino man na balang-araw ay magkakahiwalay sila. Nang ianunsiyo nila ang kanilang pagpapakasal, wala nang gaanong nagulat. Some said they were good as married already. Pormalidad at legalidad na lang ang dahilan kung bakit sila magpapakasal. Kurt gave Johanna the most romantic marriage proposal. She had hearts, flowers, music, and fireworks. He gave her the most exquisite diamond. Hindi niya malaman kung paano nahulog ang loob ni Kurt sa iba. Hindi niya malaman kung paano iyon naging posible. There had been no indication. There had no suspicion or bad feeling that everything in her life would go wrong. Nang matanggap na niya sa wakas na hindi lang masamang panaginip ang nangyari, hinayaan na niya ang sarili na makaramdam ng galit. Tatlong araw siyang nagkulong at paulit-ulit na pinanood ang unang pelikula ng s*x and The City. Galit na galit siya kay Mr. Big. Galit siya sa braso ni Sarah Jessica Parker. Galit siya sa magagandang wedding gowns na ipinakita sa pelikula. Pagkatapos niyang manood ay iiyak siya. Because the thing that happened between Mr. Big and Carrie would never happen to her. Galit si Johanna kay Sybilla. Sinubukan ng kaibigan niyang burahin ang pelikula sa kanyang laptop. Sinubukan din nitong papanoorin siya ng ibang mga pelikula. Johanna wanted to watch Crazy, Stupid Love. Sybilla wouldn’t let her. “I don’t want you hating Ryan Gosling,” ang katwiran ng kaibigan. No movies about couples breaking up. Sybilla wanted her to watch something like X-Men or Avengers. Her best friend actually believed superhumans can help her deal with the pain. She also hated Mathias, Sybilla’s hot boyfriend. “You’ve been together for two years!” naiinis niyang sabi sa lalaki sa hindi na mabilang na pagkakataon. Ang kanyang tinutukoy ay ang dating relasyon nito kay Corrine, ang half sister ni Sybilla. Tahimik lang naman si Mathias at hindi pinapatulan ang galit niya. Hinahayaan lang siya nito. “Itinapon mo ang dalawang taon na relasyon para makasama si Sybilla. How can you do that? How can you be so heartless? I know Sybilla’s an amazing woman. I know. She’s my friend, of course, I know. But come on, two years?” Hindi siya inimik ni Mathias. Hindi naman siya totoong galit sa nobyo ng matalik na kaibigan. She was just ranting. She was projecting. Hindi kasi niya malaman kung kanino ibabaling ang kanyang galit, kung paano pakikitunguhan ang nararamdaman. “How did you know Sybilla’s the one, heartless heart man?” Wala pa ring reaksiyon si Mathias. “Answer,” aniya habang pinandidilatan ng mga mata ang lalaki. “I want to know.” Seriously. Nagkibit ng mga balikat si Mathias. “I just know.” Nagsalubong ang mga kilay ni Johanna. “You just know? You both just know?” Hindi niya ganap na maintindihan kung paano iyon mangyayari. “I guess. So what do you think would comfort you, Coke or tequila?” Pareho nitong bitbit ang mga binanggit. Inabot ni Johanna ang tequila. Kaagad siyang inabutan ni Mathias ng shot glass at lemon. “Tell me about your hospital in the Philippines.” Marami na siyang nalaman mula kay Sybilla who enjoyed working there. Nabanggit din nito na walang gaanong nagtatagal na nurses sa ospital. Dalawang taon lang madalas. Hindi iyon dahil sa hindi maganda ang trato ng administrasyon sa mga nurse, iyon ay dahil madaling ma-hire sa Amerika at Europa ang mga nurse na nanggagaling sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital. Nagkuwento nga si Mathias sa kanya habang pinapanood siyang umiinom. Tinanong niya ang tungkol sa mga nurse. Inamin nito sa kanya na nahihirapan ang ospital sa ganoon. “Mahirap mag-train ng mahuhusay. Kailangan ng panahon upang makasanayan ng mga siruhano ang mga scrub at circulating nurses. Bihira ang mga nurse na madaling ma-anticipate ang kailangan o gustong mangyari ng siruhano. By the time na maganda na ang team work ng nurses at surgeons, nangingibang bansa na ang mga nurse. We’ve tried increasing their salaries pero mahirap kalaban ang dolyar.” Tumango si Johanna, nagpapasalamat sa diversion. “Nahihirapan din kaming pakisamahan ang mga siruhano na may mga God complex. Akala n’yo ba madaling memoryahin ang quirks ninyo, mga pamahiin na minsan ay walang sense? You just love ordering us around.” Patuloy silang nagkuwentuhan hanggang sa pakiramdam ni Johanna ay napatapang na siya ng alak. “Who is she?” tanong niya kapagkuwan. Hindi nagkunwari si Mathias na hindi nito naintindihan ang kanyang tinatanong. Sinalubong ng lalaki ang kanyang mga mata. “I don’t think I’m in the position to tell.” Umiling si Johanna. “You’re the only one who’s in the position to tell, Mathias. My parents and Sybilla will bubblewrap me. Hindi nila sasasabihin sa akin. Hinihiling ni Mommy kay Sybilla na isama ako sa Pilipinas sa pag-uwi ninyo. They think I’d totally lose it. Maybe. Hindi ako sigurado. Pero isang bagay lang ang nasisiguro ko sa ngayon. Ayoko nang magalit sa braso ni Sarah Jessica Parker. Ayoko nang magalit sa `yo, sa mga tao at bagay na wala namang kinalaman sa nangyari. Gusto kong magalit kay Kurt. So, sino siya?” “One of his patients. A lady with a mass in her liver.” “Is she dying?” walang kakurap-kurap niyang tanong. Wala siyang pakialam kahit na nagtunog siyang insensitive. Nais lang niyang maintindihan kung paano siya nagawang iwan ni Kurt. Siguro ay may paliwanag. Siguro ay mamamatay na ang babae at naawa si Kurt. That could possibly happened. Kapag namatay na ang babae, babalik na sa kanya si Kurt. Ipapaliwanag nito ang kinailangan nitong gawin. “No. Kurt was able to take the all the mass out. It’s benign.” “So she’s healthy.” Kaagad namatay ang lahat ng pag-asa sa kanyang puso. “And they are happy.” Napatingin si Johanna kay Sybilla na hindi niya namalayang nasa loob na rin ng silid. Unti-unti niyang binuhay ang galit sa kanyang dibdib. Imbes nga lang na magwala, nais niyang pumalahaw ng iyak. “You’re going home with us,” sabi ni Sybilla sa matatag na tinig. “No,” aniya sa mas matatag at mas mariing tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD