MULA nang magtungo si Johanna sa Amerika, minsan na lang siya nakauwi sa Pilipinas. Iyon ay noong pumanaw ang kanyang Lola Linda. Wala nang naging dahilan upang umuwi dahil halos lahat ng kanyang kapamilya ay nasa iba’t ibang dako na ng Amerika. Wala na silang naiwang malalapit na kamag-anak sa bansa. Maging ang mga labî ng kanyang lola ay ipina-cremate ng kanyang mga magulang at dinala sa Amerika.
Alam niya na magbabalik siya sa bansang sinilangan at kinalakhan. Plano talaga niyang magbakasyon sila ni Kurt kung nakaluwag-luwag na ang schedule nila. Hindi niya inakala na magbabalik siya sa ganitong sirkumstansiya. Hindi niya inakala na uuwi siya sa Pilipinas upang tumakbo palayo sa lalaking inakala niyang makakasama sa pag-uwi roon.
Siyempre ay nanalo si Johanna nang ipaggiitan ni Sybilla na isama siya sa pag-uwi nito sa Pilipinas. Hindi siya sumama kahit na paano siya pilitin ng kanyang ina. Sybilla and Mathias stayed with her as long as they could. Ngunit kinailangan din ng dalawa na umuwi dahil sa kanya-kanyang trabaho at responsibilidad sa ospital. Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang umalis sina Sybilla at Mathias.
Dalawang linggo na ang nakararaan, nasisiguro ni Johanna sa sarili na hindi siya sasakay sa eroplano at uuwi sa Pilipinas. Kahit na anong pilit sa kanya ni Sybilla ay hindi siya aalis sa Baltimore. Hindi niya maamin sa lahat na naghihintay siya. Hinihintay niyang bumalik sa kanya si Kurt. She still had hope in her heart. She tightly held on to it. She firmly believed Kurt would go back to her.
Nagtungo nga si Kurt sa bahay niya, ngunit hindi ang inasahan ni Johanna ang lumabas sa bibig ng dating nobyo. Ayaw itong papasukin ng kanyang ina noong una, ngunit sinabi niyang kailangan nilang mag-usap...
“I know ‘I’m sorry’ will never be enough, Johanna. I know how hard it is for you. I don’t even know what to say to make you feel any better. I have nothing to defend myself. I’ve been a horrible man to you. I’ve been... I’ve been selfish. I didn’t want to hurt you. I love you.”
Kurt was one of the smartest men she knew, but in that moment, Johanna thought he was the most stupid man ever. Hindi niya malaman kung maiinis o matatawa sa kanyang naririnig. Hindi niya malaman kung saan nito napagkukukuha ang mga sinabi nito. Kurt had not been good at talking but he could have done better than that.
“You don’t know,” ang kanyang naging tugon.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Kurt. “I don’t know?”
“You said you know how hard it is for me. You don’t know what I’m going through. Hard can’t even begin to cover it. You don’t know what I’m feeling. You’d never understand. Because you’re the one who ran away. I was the one who was left behind. No, you cannot say you know what I’m feeling. Ever.”
Nagyuko ng ulo si Kurt. “You are right. I’m sorry.”
“You humiliated me. You had to ran away. You married someone else.” Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng sama ng loob sa kanyang tinig. “I don’t think I can ever understand. Why? How could you?”
Nanahimik si Kurt, hindi siya matingnan sa mga mata.
“You’ve fallen out of love. I guess that’s what happened, right? I couldn’t understand how you actually did it. I want to understand because I want to fall out of love, too, Kurt. Just so things will get even between us. Just so I wouldn’t hurt so much.”
Kurt’s eyes were tortured when he looked at her. “It just happened, Johanna. I didn’t plan on falling in love with someone else. When I found Karen, all I ever thought about was being with her.”
“When did you meet her?” Hindi na niya kailangang itanong kung saan nagtagpo ang dalawa dahil alam na niyang sa ospital.
“A day after I proposed to you.”
Hindi alam ni Johanna kung ano ang madarama sa narinig. “Wow,” ang kanyang tanging naiusal.
“One day, you’d meet someone and you’re going to thank me for running away.”
“Does that make you feel good somehow?” tanong niya, may pait ang tinig.
Hinagkan ni Kurt ang kanyang noo, muling humingi ng tawad, at pagkatapos ay umalis na.
Pag-alis ni Kurt, Johanna spent five hours crying nonstop. Ngunit hindi iyon ang nag-udyok sa kanyang umuwi sa Pilipinas. Four days after, she grew tired of crying in bed all day. Sa unang pagkakataon mula nang hindi natuloy ang kanyang kasal ay lumabas siya ng bahay. She went out to see a movie. Cinemas had always been her happy place. Kahit na gaano kaabala sa ospital, sinisikap pa rin niyang manood ng pelikula, madalas na kasama si Kurt.
Habang nasa loob siya ng sinehan, hindi ang pelikula ang kanyang napapanood. Ang nakikita niya sa malaking screen ay ang nakaraan nila ni Kurt. The first time they met. The first date. The first kiss. The first I love yous. The first anniversary. The first time they made love.
They had so much happy memories together.
Isang romantic-comedy ang pelikula na pinasukan niya, ngunit siya lamang ang humahagulhol sa hinagpis sa lahat ng mga nanonood. The happy memories hurt more than the betrayal and rejection, Johanna realized.
Paglabas niya ng sinehan, nagtungo siya sa paboritong restaurant ni Kurt. She ordered her favorite food. Then she saw them. Kurt and the woman he fell in love with. Hindi niya maalis ang mga mata sa dalawa kahit na paano niya utusan ang sarili. They looked so happy and so in love with each other.
Sa tagal nilang nagkasama, lubos na niyang kilala si Kurt. Kabisado na niya ang bawat munting gesture. Alam niya kung kailan talagang masaya ang dating nobyo. Alam din niya kung hindi maganda ang mood nito sa unang tingin pa lang. She could almost read what was on his mind. She could interpret a simple wave of a hand or a blink in the eye. Noon lang niya nakita na ganoon kasaya si Kurt. Noon lang niya nakita na tumingin ang dating nobyo sa isang babae ng ganoon. Punong-puno ng pagmamahal at pagsamba ang mga mata nito. Hindi niya maalala kung may pagkakataon ba noong naunang panahon na tumingin nang ganoon sa kanya si Kurt.
Hindi na gaanong napagmasdan ni Johanna ang mukha ng babaeng ipinagpalit ni Kurt sa kanya. Hindi maalis ang kanyang tingin sa dating nobyo. He was really happy. It was the happiest face she had seen of him. Mas masaya kaysa noong magtapos ito sa med school. Mas masaya kaysa noong maging board certified surgeon ito. And in that moment, Johanna knew. Kurt was never coming back to her. He was gone forever. She had given up before she reached the door out of the restaurant.
She should move on with her life. Alam niyang baka matagalan. Alam niyang mahabang proseso ang kanyang pagdaraanan. Healing was a long process. Kagaya ng mga pasyente sa ospital na sumailalim sa isang kritikal na operasyon. Wala na siya sa bingit ng alanganin ngunit crucial pa rin ang mga susunod na araw. Pagkatapos niyon ay kailangan niya ng rehabilitasyon. She had to undergo some therapy to restore the function of her heart.
Hindi magagawa ni Johanna ang lahat ng iyon sa Maryland, alam niya. She had to go to a place where she had not shared it with Kurt. Isang lugar na walang makakapagpaalala sa kanya sa kahit na anong masasayang sandali na pinagsaluhan nila. Kailangan niya ng lugar na hindi niya makikita si Kurt sa kahit na saang sulok.
Ganap na siyang nagbitiw sa trabaho. Anim na buwan bago ang kasal nila ni Kurt ay pinatigil na siya ng nobyo sa pagtatrabaho. Ayaw na ng lalaki na magtrabaho siya pagkakasal nila. Ngunit may silent agreement sila ng chief of surgery na makababalik pa rin siya sa kanyang trabaho. Naniniwala kasi ang chief na hindi dapat masayang ang kanyang talento. Plano niyang kumbinsihin si Kurt na pabalikin siya sa trabaho. Kanyang napagtanto na hindi niya kayang mabuhay na lubos na umaasa kay Kurt. Ngayon ay nag-iba na ang lahat ng plano niya sa buhay.
Masinop siya sa pera kagaya ng kanyang mga magulang kaya kakayanin niyang mawalan ng trabaho sa loob ng isa o dalawang taon. It had been a religion for her to save. Istrikto siya pagdating ng payday. Kailangang naitatabi niya palagi ang kuwarenta porsyento ng kanyang sahod kahit na noong estudyante pa lang siya. Hindi rin siya gaanong magastos. Pelikula lang ang naging luho niya sa katawan. Pagsapit ng kolehiyo, hindi na sila nahilig ni Kurt sa pagkain sa labas dahil nagluluto na lang siya.
Wala nang malapit na kamag-anak si Johanna sa Pilipinas na kukupkop sa kanya kaya makikipanuluyan siya kay Sybilla. Maaari raw siyang manatili sa ina nito sa Tagaytay kung nais niya ng katahimikan. Kung mas gusto naman niyang manatili sa siyudad ay mayroon ding condo unit ang kanyang kaibigan.
Si Sybilla ang sumundo sa kanya sa airport. Kaagad silang nagyakap nang magkita. “Are you okay?” tanong kaagad nito, mahihimigan ang pag-aalala sa tinig.
“Yep. Getting there,” ang matamlay niyang tugon habang kumakalas mula sa pagkakayakap nito.
Ilang sandali na mataman siyang pinagmasdan ni Sybilla, kapagkuwan ay nagpakawala ng buntong-hininga. “Listen, can we stop by the hospital first? I received a text before your plane landed. A VIP patient requested for me and I need to go there. Sandali lang naman siguro ako kakailanganin doon. Ang sabi ni Chief ay hindi naman life-threatening ang kaso.”
“Cool, let’s go.” Nais din naman niyang makita ang ospital na pinagtatrabahuhan ng kaibigan ngayon.
INIWAN si Johanna ni Sybilla sa doctor’s lounge. She was impressed with the hospital. Ilang Filipino nurses na ang nakasama niya sa Amerika at marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa kahambal-hambal na kalagayan ng mga ospital sa Pilipinas. Narinig na rin niya ang tungkol sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital, ang ospital ng mga mayayaman sa bansa. Totoo nga ang bagay na iyon dahil nakikita sa bawat sulok ng ospital ang modernisasyon at rangya na hindi makikita sa ibang pribadong ospital sa bansa.
Nagmamadali si Sybilla kaya hindi na nakapasok ang kanyang kaibigan sa lounge. Habang palayo ay sinabi nitong kunin niya ang lahat ng nais na pagkain o inumin sa refrigerator, ang kaibigan na raw ang bahala. Komportable at maluwang ang doctor’s lounge. Tumuloy siya sa loob habang hila-hila ang maleta. Walang tao roon kaya inisip niyang abala ang lahat ng doktor na naka-duty. Naupo siya sa isang malapad na sofa. Walang magazine sa ilalim ng coffee table ngunit napakaraming makakapal na libro sa shelves. Napansin din niya ang ilang tablets na nagkalat sa paligid.
Johanna needed to visit the restroom. Tumayo siya sa kinatatayuan upang hanapin ang banyo. Locker room ang kanyang unang nabuksan. Pagbukas niya ng sumunod na pinto ay kaagad niyang pinagsisihan ang pagpihit ng doorknob. Nahiling niyang sana ay nanatili na lang siya sa kinauupuan kahit na nagsisimula nang mamigat ang kanyang pantog. Kaagad kasing nanuot sa kanyang pandinig ang mga ungol ng lalaki at babae. Hindi niya nakikita ang mga ito ngunit alam na niya ang kasalukuyang nangyayari. They were having fun.
“God... Oh, God... Oohhh... Gooood....”
Johanna heard a rather sexy growl from the man.
“Oh, God...”
She could tell the girl was on the brink already, ready to dive and fall.
“Garrett, baby. Not God. Garrett.”
“Yes, yes, yes! Garrett...”
Naitirik ni Johanna ang mga mata. Hindi niya gaanong namamalayan na nakangiti na siya. Maingat niyang isinara ang pinto. Lalong lumalakas ang halinghing ng dalawa. Ayaw niyang manubok at nais niyang bigyan ang dalawa ng privacy. Maingat din siyang lumabas ng lounge bago pa man lumabas ang dalawang “naglalambingan.” Hindi na siya lumayo dahil hindi pa niya kabisado ang buong ospital. Naupo siya sa sahig ng hallway sa tabi ng pintuan. Kaya pa niyang magtiis. Baka balikan siya ni Sybilla at hindi kaagad siya makita. Wala siyang cell phone. Iniwan niya ang dati niyang cell phone sa Amerika upang hindi magkaroon ng contact sa kanya ang mga kaibigan at kakilala. Sawa na siyang marinig ang maya’t mayang pangungumusta ng mga ito. Sawa na siyang marinig ang awa sa tinig ng lahat ng nakakakilala sa kanya. Lalong sawa na siyang marinig mula sa mga kaibigan na nasa kanya ang simpatya ng mga ito at wala kay Kurt.
Ang mga kaibigan ni Johanna ay mga kaibigan din ni Kurt. Maging si Sybilla ay kaibigan din ng dating nobyo.
Makalipas ang halos labinlimang minuto ay napapitlag si Johanna nang biglang bumukas ang pinto. Isang matangkad na lalaki ang lumabas. Adidas shoes at likod lamang nito ang nasilayan niya. Nagmamadali ang mga hakbang ng lalaking nakasuot ng doctor’s white coat. She liked tall guys with good posture. Mayroong kung anong dagdag sa alindog ng isang lalaki kung maganda ang tindig nito. She hated tall men who slouched. She didn’t like men who were awkward and uncomfortable with themselves. She also hated men who stood too erect. She didn’t like them too arrogant, too confident, and too stiff.
The man who just left the lounge had the perfect posture. He also had the sexy man walk. Nang tuluyang mawala sa paningin ni Johanna ang lalaki ay muli siyang napapitlag nang muling bumukas ang pinto. Sa pagkakataon na iyon ay tumingala na siya upang makita ang mukha ng babae. Doktor din ang babae kung pagbabasehan ang suot nitong white doctor’s coat. Bahagyang magulo ang buhok nito at bahagyang namumula ang mga labi at pisngi. Malawak at kontentong ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng babae. Hindi siya nito nakita dahil tila lutang pa ang isipan nito. Maybe she was still experiencing a post-coital glow. Tila nakalutang sa alapaap na naglakad palayo ang babaeng doktor.
Napapailing na napapangiti na lang si Johanna. Nabatid niya na iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng amusement mula nang takbuhan siya ni Kurt. Hindi niya sigurado kung ano ang eksaktong nakakaaliw sa sitwasyon, ngunit hindi na niya gaanong inisip pa. Ang importante ay nagagawa na niyang ngumiti at maaliw.