4

2703 Words
JOHANNA honestly thought everything would be easy for her if she was in an unfamiliar place. Hindi niya gaanong maiisip si Kurt. Hindi siya gaanong malulungkot at mag-iisip. Hindi niya babalikan nang babalikan sa kanyang isipan ang mga nangyari. Hindi niya paulit-ulit na itatanong sa kanyang sarili kung bakit hindi siya ang para kay Kurt. Inakala niya na hindi na siya iiyak nang madalas. Hindi siya pinabayaan ni Sybilla. She had always been with her. Sinikap siya nitong aliwin. She and Mathias brought her out to dinners. Ipinakilala siya ng magkasintahan sa ilang mga kaibigan. They went shopping with her. Mathias even let her hang around in his penthouse to see the beautiful view of the city. Alam ni Johanna na nakakaapekto na siya sa relasyon ng magkasintahan. Kapwa abala ang dalawa sa ospital sa umaga at sa gabi na lang ang free time ng mga ito sa isa’t isa, ngunit inaasikaso siya ng mga ito pagdating ng gabi. Wala nang panahon sina Sybilla at Mathias para sa lambingan. They didn’t mind, Johanna knew, but she also knew they needed some time together. Their relationship was relatively new. Mathias was Sybilla’s first serious relationship in a very long time. Ayaw ni Johanna na makaabala pa. Kaya naman tinanggap niya ang imbitasyon ng ina ni Sybilla na manatili siya sa Tagaytay. Her house was so lovely with a lovelier view. Napakatahimik at napakapayapa ng lugar. Perpekto ang lugar upang mapayapa ang kanyang sugatang puso. Ngunit sa hindi malamang dahilan, lalo lang siyang nalulungkot. Kada umaga, pahirap nang pahirap ang pagbangon sa higaan. Sa gabi, mas nadadalas ang kanyang pag-iyak. After a week, she went back to the city. Walang nadatnan si Johanna sa condo unit ni Sybilla dahil abala ang kaibigan sa isang operasyon na aabutin pa ng ilang oras. Napagpasyahan niyang lumabas para kumain ng dinner. Malamang na pagod na si Sybilla pag-uwi at ayaw niyang mag-abala pa ang kaibigan sa kanya. Nagpakabusog siya nang husto sa Filipino food. Ikinain niya ang lungkot na nadarama sa puso dahil nabatid niyang bihirang-bihira siyang kumaing mag-isa sa labas. Palagi niyang kasama si Kurt. Hindi niya hinayaan ang sariling umiyak sa restaurant. Pagkakain ay naglakad-lakad si Johanna. Sinabi sa kanya ni Mathias na hindi gaanong ligtas ang lansangan ng Kamaynilaan. Huwag daw siya basta-basta na lang sasakay sa taxi. Marami na nga ang nagbago. Hindi na kabisado ni Johanna ang mga daan. Wala nang gaanong pamilyar sa kanya sa Maynila. Hindi siya sigurado kung gaano katagal na siyang naglalakad o kung gaano na kalayo ang kanyang nalalakad nang mapukaw ang kanyang atensiyon ng isang signage ng bar. Nasa rooftop iyon ng isang matayog na building. Hinanap niya ang entrance at pumasok. The bar was sophisticated and quiet. May mga cubicles sa enclosed and air-conditioned area para sa mga customer na gusto ng privacy. She ordered a bottle of white wine at mas pinili ang isang table sa labas. Makikita roon ang napakaganda at napakakulay na view ng siyudad. Tahimik siyang uminom habang nakatitig sa view. Bahagyang dumaan sa isipan na kunan ng larawan ang magandang view upang mai-post sa i********:, ngunit kaagad din niyang naalala na wala pa rin pala siyang cell phone at deactivated na ang lahat ng account niya sa social media. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. “Is this seat taken?” “I’m—” Natigil si Johanna sa pagsasalita at napatingin sa lalaking nagtatanong. Hindi siya kaagad sumagot, pinakatitigan muna niya ang mukha ng lalaki. The first thought that came to her was he needed a shave. The second thought was that this unbelievably gorgeous man looked familiar. Hindi lang niya maalala kung saan at kung kailan sila nagkaharap. Pati ang tinig nito ay bahagyang pamilyar sa kanya. “Do you mind if I join you?” Isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa mukha ng lalaki. Nakikita niya ang kislap ng paghanga sa mga mata nitong nakatunghay sa kanya. He was looking at her like she was the prettiest girl in there. Johanna’s third thought was that the man was dangerous for her. He was gorgeous and he looked like he wanted to flirt with her. She had never been good at flirting. She was never good with boys who were obviously interested in her. She had always been with Kurt. Hindi na siya nagkaroon ng karanasan sa iba. “Join me,” wika ni Johanna nang maiproseso sa isipan ang nangyayari. May isang bahagi sa kanya na nais kutusan ang sarili, itanong kung sigurado ba sa nais niyang gawin. Was she ready to meet new people? Nope, she was not ready. Nais lang marahil niyang subukan ang kanyang kakayahan. Nais niyang alamin ang kanyang limitasyon. She had some girl friends who were comfortable flirting in the bar. She had never been that girl. Ang sabi ng kanyang mga kaibigan, iyon ay dahil sa Filipina siya at pinalaki sa konserbatibong tahanan. And she had been extremely loyal to Kurt. Noon, kahit na humanga sa ibang lalaki ay hindi niya ginagawa. Masyado lang din marahil siyang nalulungkot at kailangan niya ng makakausap o makakasama. She was not going to bed with this man, katwiran niya. Johanna just wanted to know how a man like this operate. Nais niyang makita kung paano siya nito aakitin. Sa kanyang palagay ay hindi gaanong mahihirapan ang lalaki. She was slightly attracted already. Those intense eyes who never left her were starting to give her odd fluttery feelings in her stomach. Johanna liked this, she had realized. Mula nang maging nobyo niya si Kurt, wala nang lalaking tumingin sa kanya nang ganoon. O may mga tumingin man ngunit hindi niya pinaglaanan ng panahon. She had always been off-limits. At kay Kurt lang palaging nakatuon ang kanyang mga mata. “Bakit nag-iisa ang isang napakagandang babaeng katulad mo sa lugar na ito?” tanong ng lalaki. Kanina pa napansin ni Johanna na halos couples ang parokyano ng lugar. Mangilan-ngilan lang ang mga katulad niyang walang kasama. “Dahil hinihintay kong lapitan ako ng isang guwapong lalaking katulad mo,” nakangiting tugon niya. She swore that that just came naturally. Hindi niya sigurado kung magandang comeback iyon o lame sa pamantayan ng lalaking kaharap, ngunit hindi maikakaila ni Johanna na naaaliw siya. Lumapad ang ngiti ng guwapong lalaki. “That line work for you?” nanunudyo nitong tanong. “I don’t know, you tell me.” Tumango ang lalaki. “It works. Guwapo ako? Let’s hear more of it.” Johanna softly chuckled. This man was pretty adorable. Alam niyang alam nito ang sariling pang-akit ngunit hindi arogante ang pagsasalita nito, mas naaaliw. “You know you’re pretty.” “Pretty?” natatawa nitong gagad. “I don’t know. Should I take that as a compliment or...” “A compliment, you vain man.” Naitirik na ni Johanna ang mga mata. “You’re also pretty.” “Alam ko.” Tumango pa siya. Inilahad ng lalaki ang kamay nito. “I’m—” Itinaas ni Johanna ang isang kamay. “No. No names.” Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “No names?” “I’m not interested in knowing your name and I don’t want to give you my name.” Naisip ni Johanna na maaari siyang magbigay ng ibang pangalan ngunit ayaw niya iyong gawin. “Hindi ka interesado? Talaga?” Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng isang kilay nito. Nais niyang matawa. “First time?” tanong ni Johanna sa nanunudyong tinig. “Not really. So what should I call you?” “Anything will do.” “Sweetheart, malinaw kong nakikita sa mga mata mo na interesado ka.” Napapangiting umiling siya. “A little. More than a little, maybe. Hindi lang ako sigurado kung gugustuhin kong malaman ang pangalan mo. Nang lapitan mo ba ako, ano ang naiisip mong kahinatnan ng pag-uusap na ito?” Alam na niya ang sagot ngunit kailangan pa rin niyang itanong. Hindi niya sigurado kung kailangan ng kumpirmasyon para sa kanyang ego boost o nais lang niyang malaman ang tumatakbo sa isipan ng mga lalaking katulad nito. Nagkibit ng mga balikat ang lalaki habang pinaparaan ang hintuturo sa rim ng baso nito. “Not much. I came here for dinner. I didn’t intend to pick any girl up tonight. I wanted a peaceful and quiet night. Then you walked in. You look a little familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan at kailan tayo unang nagkita.” Dadalhin sana ni Johanna sa bibig ang wineglass ngunit nabatid niyang wala na iyong laman. Inunahan siya ng lalaki sa bote ng wine. Sinalinan nito ang kanyang baso. Kapagkuwan ay isinandal ang sarili sa upuan at nagpakakomportable. Hindi siya nilubayan ng mga mata nito. “Hindi mo mapalampas ang pagkakataon na lapitan ako.” Ayaw makaramdam ng flattery ni Johanna ngunit iyon ang mismong damdamin na binuhay ng mga mata ng lalaking kaharap. Tila mas nagniningas ang apoy ng paghanga sa mga mata nitong hindi siya nilulubayan. He made her feel so pretty. The man was obviously a pro in this kind of game. Walang karanasan si Johanna sa mga ganitong laro. Ngunit hindi siya makawala. Ayaw niyang tumayo at umiwas. Palagay ang kanyang loob sa lalaking kasama. Waring may tinig na nagsasabi sa kanya na hindi siya mapapahamak. Hindi lang siya sigurado kung mapagkakatiwalaan ang pakiramdam na iyon o nasobrahan na siya ng alak. Nakangiting tumango ang lalaki. “Yes. So bakit nga nag-iisa ang isang babaeng katulad mo?” “This beautiful woman is jilted.” Hindi marahil dapat iyon sinasabi sa unang pagkakakilala ngunit tila hindi niya makontrol ang bibig. Ayaw niyang umalis ang lalaki at iwanan siya ngunit sa palagay niya ay hindi na iyon maiiwasan ngayon. Anumang sandali ay tatayo na ang lalaki at magpapaalam. Interest sparked more in those beautiful penetrating eyes. “Really?” Tumango siya. “My groom ran away from me to marry another woman.” “Sad. That’s just so sad.” Napailing-iling ang lalaki. Sad doesn’t begin to cover it, but Johanna nodded nonetheless. “Sad.” “So gusto mo bang makaganti? Gusto mong makalimutan ang ginawa niya sa `yo? I can help with that.” Kinindatan pa siya nito. Banayad na natawa si Johanna. He didn’t sound dirty at all. Suwabe at halos kaswal ang pagkakasabi. Tila hindi nito inaasahan na papayag siya sa gusto ng lalaki ngunit nakikita rin niyang umaasa ang mga mata nito. She was tempted to accept the “help” he was offering. “By getting out of here?” “You want to get out of here?” Hindi na matagalan ni Johanna ang mga matang iyon kaya ibinaling niya sa makulay na lungsod ang kanyang mga mata. “I don’t know. Maganda ang view dito.” Hindi siya sigurado kung saan mauuwi ang pag-uusap na ito. Hindi niya sigurado kung hahayaan niya ang sariling bumigay sa tentasyon na mas nag-aalab habang lumilipas ang bawat sandali. Tila nais din niyang kuwestiyunin ang kanyang nadarama sa kasalukuyan. Was she really attracted to him or was she just trying to deal with her grief? She was trying to flirt with a gorgeous man to boost her ego. Ego na pakiramdam niya ay tinapakan ni Kurt nang ipagpalit siya nito sa iba. Nais lang ba niyang maramdaman na kaakit-akit pa rin siya sa mata ng isang lalaki? “Are you good in bed?” Johanna swore she was not actively aware she had said those words out loud. Kaagad niyang nadama ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Mas lumapad ang ngiti sa mga labi ng lalaki. Mas nangislap ang mga mata nito sa kaaliwan. “I don’t know. Hindi ko masabi kasi hindi naman ako mayabang. Wala rin akong maipakitang plaque bilang patunay sa `yo. Pero kung gusto mo talagang malaman, puwede akong mag-demo.” Natawa si Johanna habang nag-iinit pa rin ang mga pisngi. “I’m sorry.” “No, it’s okay. Mas maganda na itong deretsahan, walang paligoy-ligoy.” “I think you’re a great lover.” “Really? What gave you that impression? Looks can be decieving.” “But I’m not into one-night stands,” sabi ni Johanna na tila hindi narinig ang sinabi ng lalaki. “I know.” Hindi nagbago ang reaksiyon nito, nanatili ang ngiti sa mga labi. Tila hindi na gaanong nagulat sa kanyang sinabi. “Then bakit mo `ko nilapitan kung alam mo namang wala kang mapapala sa akin?” nagtataka niyang tanong. Makikita ba talaga sa unang tingin na hindi siya ang tipo ng babaeng kaswal na nakikipaglaro? Nais niyang matawa dahil hindi na siya matatawag na konserbatibo sa tagal ng paninirahan niya sa Amerika. She even lived-in with someone. Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. Sinenyasan nito ang isang waiter at itinuro ang walang laman nitong baso para sa refill. Kapagkuwan ay ibinalik ang atensiyon sa kanya. “A guy can hope.” “I don’t think I’m up for what you have in mind,” matapat na pag-amin ni Johanna. “Not tonight. I’m in a very vulnerable state right now. I like the way you look at me. I like the way you make me feel. You don’t look bad.” Hindi niya napigilan ang mapangisi sandali. “But I’m not ready to be with another man.” Natatakot si Johanna. Hindi niya iyon ganap na maamin sa lalaki ngunit kaya niyang aminin sa kanyang sarili. Sandali pa lang niyang nakikilala ang lalaki ngunit iba na kaagad ang epekto nito sa kanya. “Okay.” Bahagyang nadismaya si Johanna sa mabilis na tugon ng lalaki. Bigla ay nais niyang sabunutan ang sarili. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Pinagmasdan niya ang mukha nito. Bakit ganito na lang ang epekto ng lalaking ito sa kanya? Hindi niya ito kilala. Nalangkapan pa ng kuryosidad ang atraksiyon at interes. Suddenly, she wanted to know more about him. Nais na niyang malaman ang pangalan nito. Ipinilig ni Johanna ang kanyang ulo. Kagaya ng sinabi niya kanina, she was in a very vulnerable state. Ayaw niyang pagkatiwalaan ang kanyang sarili, ang kanyang mga nadarama sa kasalukuyan. “You don’t have to waste time on me. Why don’t you roam around and find a nice girl who can give you what you want?” suhestiyon ni Johanna pagkatapos refill-an ng waiter ang baso nito. Mas makabubuti siguro kung maghihiwalay na sila ng landas. Walang dahilan upang mas palawigin pa nila ang kanilang pagkakakilala. Hindi na niya hihintayin na mabagot ang lalaki sa company niya. “Good idea.” Ngunit hindi tumayo ang lalaki sa kinauupuan. Nangunot ang noo ni Johanna sa pagtataka ngunit wala siyang sinabing anuman. Bakit hindi pa rin umaalis ang lalaki? “Nagpunta ako rito para kumain ng hapunan at uminom sandali. I like this place because it’s quiet. I also like the view. Wala ako sa mood na maghanap ng ibang babae. So why don’t you just pretend that I’m not here?” “I can’t.” Umiling si Johanna. “I can’t pretend you’re not here. You’re too pretty to go unnoticed.” Mas maganda pa ito kaysa sa tanawin ng makulay na lungsod. “You can look all you want. Tell me if you change your mind.” “Still hoping, huh?” “Habang may buhay, may pag-asa.” “Not gonna happen.” Not tonight. “Huwag kang magsasalita nang tapos, baka ikagulat mo ang mga susunod na mangyayari.” Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Johanna. “It’s nice meeting you.” Hindi siya nagsisinungaling. It had been nice meeting someone like him. Tila gumaan kahit na paano ang mabigat niyang pakiramdam. Hindi niya sigurado kung madadama niya iyon sa sinumang lalaki o sadyang espesyal lang ang lalaking ito. “Same here.” Nagsasayaw ang mga mata nito sa kaaliwan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD