5

3016 Words
“INTERESTING,” bulong ni Garrett sa sarili nang makita kung saan humantong ang taxi na sinasakyan ng “jilted bride” na nakilala niya sa bar ng isang malapit na kaibigan. Sinundan niya ang sinakyan nitong taxi hindi upang malaman kung saan ito nakatira kundi upang siguruhin na makakauwi ang babae nang matiwasay. He didn’t actually care, ang makailang beses na niyang sinabi sa sarili. Ayaw lang niyang abalahin ang sarili sa pag-iisip kung maayos bang nakauwi ang babae o hindi. Naubos nito ang isang bote ng wine. Iginiit ng babae sa kanya na kaya nitong umuwi. Hindi na siya nagpumilit na ihatid ito dahil alam niyang hindi siya nito ganap na pinagkakatiwalaan. Alam din niyang wala sa plano ng babae na palawigin ang kanilang pagkakakilala kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahong kunin ang numero nito. Napailing si Garrett habang isinasandal ang sarili sa upuan ng sasakyan. Iniisip niya kung saan siya matutulog sa gabing iyon. He had three residences in the city. Isang bungalow house sa isang gated community at dalawang condo units. May unit siya sa gusaling pinasukan ng babaeng nakasama niya sa bar kanina. Hindi siya madalas umuwi roon kahit na mas malapit iyon sa ospital. “Seriously, Garrett?” natatawang tanong niya sa sarili. Talaga bang iniisip niyang doon matulog ngayong gabi at baka sakali na magsalubong uli ang mga landas nila ng babae? He was that interested? It was a first for him in a very long time. Totoong nagkaroon siya ng hindi maipaliwanag na interes sa babae pagpasok pa lamang nito sa bar. Totoo ring nagtungo lamang siya sa bar upang kumain ng dinner at tahimik na uminom. He wanted some peaceful time to think or not think at all. The place was not his usual “hunting ground.” Hindi niya talaga planong pumick up ng babae. Wala siyang planong makipag-flirt. Nagbago lang ang lahat para kay Garrett nang pumasok ang babae sa loob. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata rito kahit na ano ang kanyang gawin. Pinagmasdan niya ang magandang babae mula sa malayo. There was something familiar about her. There was something in her that drew him near. Halos hindi nga niya namalayan na nakatayo na siya mula sa stool sa bar at palapit na sa babae. There was something in her eyes. Melancholy. Hindi pa man nito sinasabi sa kanya na nasa vulnerable state ito, alam na iyon ni Garrett. Nakita na niya sa mga mata, sa ekspresyon ng mukha nito. Halata ring hindi sanay ang babae sa mga katulad niya. This was not a woman he could fool around with. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tila may mainit at malambot na bagay ang humahaplos sa kanyang puso tuwing napapangiti at napapatawa niya ang babae. Kapag kumikislap ang mga mata nito sa kaaliwan, mas lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. The single dimple on her right cheek was so adorable and sexy. Hindi gaanong mapaniwalaan ni Garrett ang nadarama. Palagi siyang nagagandahan sa napakaraming babae, ngunit waring iba ang babaeng iyon. Kahit na may bahagi sa kanya ang tila nataranta at nais kumaripas ng takbo palayo, hindi niya ganap na magawa. Ayaw sumunod sa utos ang kanyang katawan. He had been contented just watching her beautiful face. Hindi niya alintana kahit na hindi sila nag-usap at tahimik lang na umiinom. Wala siyang pakialam kahit na hindi niya alam ang pangalan nito at alam niyang walang mangyayari sa kanila sa gabing iyon. He was contented. Natatawang ipinilig niya ang ulo. “God, ano ang ipinakain sa akin kanina?” aniya habang napapailing pa rin. Parang hindi niya makilala ang sarili sa kasalukuyan. Parang may ibang sumanib na espiritu kay Garrett. Kung ano-ano ang kanyang naiisip, ang mga nadarama. Maybe there was something in the steak he ate for dinner. Pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi siya papasok sa gusaling iyon kung saan may unit siya para lang mapalapit sa isang interesanteng babae. Siguro ay may rason kung bakit hindi na nila inalam ang pangalan ng isa’t isa. Hindi na marahil magtatagpo ang kanilang mga landas. Garrett told himself that was okay. They were wrong for each other. She was the type who believed in romance and fairy tales. He was the type of guy who didn’t do relationships. She was a jilted bride. He was once jilted.   “YOU’RE going out?” Nilingon ni Johanna si Sybilla na kunot ang noo na nagmamasid sa kanyang bawat galaw sa loob ng silid. “Yep.” Pinagmasdan niyang muli ang kanyang mukha sa salamin bago inabot ang makinang na purse na nasa ibabaw ng kama. “I can go with you.” Inilingan ni Johanna ang kaibigan. “You’re tired. Halos sampung oras kang nakatayo sa araw na ito. Kailangan mong magpahinga. I’ll be fine, Sybilla. Hindi mo kailangang mag-alala.” Pinagmasdan ni Sybilla ang kanyang kabuuan. Hindi mabura ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha nito. “Hindi ko maiwasang mag-alala. Saan ka ba pupunta? Bakit ganyan ang suot mo?” “I saw this dance club in the Internet. Maganda ang reviews. I want to check it out.” Ayaw na niyang magkulong sa unit ng kaibigan kaya naghanap siya ng maaaring mapuntahan ngayong gabi. “This is not a good idea, Johanna.” Banayad siyang natawa sa tinuran ng kaibigan. “I’m not going to pick a guy and sleep with him.” “Sa suot mong iyan, malamang na putaktihin ka ng mga lalaki.” Muli siyang natawa. Suot niya ang isang silver minidress na sadyang maluwang tingnan ngunit napapalabas niyon ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. She was tall and slim but not the runway model type of tall and slim. May laman siya kahit na paano. Mataas ang neckline ng minidress ngunit masyado namang maluwang sa bandang kilikili, masisilip ang bahagi ng kanyang dibdib. Masasabi ng kahit na sino na wala siyang suot na bra. She also had killer legs na mas naging kaakit-akit sa suot niyang high heels. Johanna was dressed to party. “I’ll be okay. Trust me.” Hindi naman niya intensiyon na mang-akit ng lalaki. Nabatid niya na nais lang niyang maging kaakit-akit. Nais niyang maramdaman na maganda pa rin siya. Mula nang iwanan siya ni Kurt, bumaba nang husto ang kanyang self-worth at self-confidence. Hindi marahil sa ganitong paraan ang tamang daan upang maibalik sa kanya ang mga nawala, ngunit isang bahagi rin sa kanya ang nais magsaya. Nais niyang gawin ang mga bagay na hindi niya nagawa noon. “Johanna, I’m not against clubbing and picking up guys, you know that. Pero masyado kang vulnerable at hindi gaanong tuwid ang pag-iisip. Nag-aalala ako sa mga maaaring mangyari. Ayokong makagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo lang pagdating sa umaga. You’re not made for one-night stands.” “I know. I said don’t worry. Wala akong gagawin na alam kong pagsisisihan ko sa bandang huli. Gusto ko lang subukan ang ganitong uri ng entertainment. I’m kind of bored.” Totoo rin ang kanyang huling sinabi. Sawa na siyang manatili sa isang tabi at magmukmok. Sawa na siyang mag-isip. Idagdag pang hindi siya sanay na walang pinagkakaabalahan. Sinanay siya ng lola at mga magulang niya na nagtatrabaho tuwing summer. Kahit na maituturing na mariwasa ang kanilang pamumuhay sa pamantayan ng isang ordinaryong tao, hindi siya tinuruang maging tamad ng kanyang pamilya. “I know you’re bored. Tell you what, ilalabas kita bukas. Tayong dalawa lang, hindi kasama si Mathias. Girls’ night out.” Umiling si Johanna. “Okay, let’s do that tomorrow,” aniya. “Pero lalabas pa rin ako ngayong gabi.” Akmang magpoprotesta si Sybilla ngunit inunahan na niya ang kaibigan. “Nakabihis na ako, Sybilla, at nakaayos. Lalabas ako ngayong gabi. Mag-isa. Don’t worry. I’m not a girl anymore. I know what I’m doing.” Hindi na niya mabilang kung makailang beses na niyang sinabi na huwag itong mag-alala. Lumabas na siya sa silid. “Please, don’t self-destruct.” Natigil si Johanna sa pag-abot sana ng knob ng pinto palabas ng unit at nilingon si Sybilla. Nagulat siya sa narinig mula sa kaibigan. “I’m not,” wika niya kapagkuwan. “I just want to go out and have fun. Trust me, Sybilla. I’m tougher than you think.” Tumango ang kaibigan. Nakikita niyang pinagsusumikapan nitong palisin ang nadaramang pag-aalala. “Malay mo, sa bar ko pala mahahanap ang lalaking sinasabi ni Kurt na nakatadhana para sa akin,” pagbibiro pa niya. Napangiti na rin si Sybilla. “You can’t find true love and Mr. Right in a bar, Johanna.” “Malay mo nga, `di ba? Ang sabi nila, matatagpuan mo ang pag-ibig sa mga lugar at tao na hindi mo inaasahan. `Gotta go.” Pagkasabi niyon ay tuluyan na siyang lumabas sa pintuan. Siyempre ay hindi niya pinaniniwalaan ang kanyang mga sinabi. Hindi niya sigurado kung muli pa siyang iibig. Hindi niya sigurado kung kaya pa niyang ibigay sa ibang lalaki ang pagmamahal na ibinigay niya kay Kurt. Hindi rin niya malaman kung paano iyon mahihigitan. Mas maingay ang bar na pinuntahan ni Johanna nang gabing iyon. Sa sobrang lakas ng musika ay halos hindi posible ang pag-uusap. Marami na ang tao sa loob ng dance club pagpasok niya. Hindi na gaanong nakapagtataka dahil Biyernes ng gabi. Siksikan na sa loob ng dance floor. Nakahanap pa rin naman siya ng bakanteng upuan sa may sulok ng bar. Kaagad siyang um-order ng margarita. Pinanood niya ang mga tao sa paligid. Everyone was having fun. Ilang sandali siyang nailang at pakiramdam niya ay out of place siya. Hindi niya sigurado kung paano aakto. Of course she had been to a dance club before. Kasama nga lang niya palagi si Kurt at ilang mga kaibigan. They were always in a group. Hindi nga lang madalas mangyari iyon dahil mula nang mapasok si Kurt sa med school ay mas nais gugulin ng dating nobyo ang mga libreng oras sa tahimik na environment. He slept most of the time. Ilang sandali pa ay unti-unti ring nawala ang pagkailang na nadarama ni Johanna. Naging komportable na siya sa paligid. Nasanay na ang kanyang mga tainga sa maingay at maharot na musika. Naaliw siya sa nakikita sa paligid. She saw some of the guys and ladies flirt with each other. Hindi pa man nauubos ang kanyang inumin ay ilang lalaki na ang lumapit sa kanya upang makipagkilala. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtingin ng mga ito kaya hindi niya pinansin ang mga ito. Medyo nabastusan siya sa paraan ng paghagod ng mga mata ng ilan sa kanyang kabuuan. Hindi rin siya natuwa sa hirit ng ilan. Naaliw siya kahit na paano sa ilang gasgas na linya na inakala ng ilan na nai-deliver sa suwabeng paraan. She had a little fun rating every man who came to talk to her. Naaliw si Johanna sa panonood sa mga tao sa kanyang paligid. Habang umo-order ng panibagong margarita ay naitanong ni Johanna sa sarili kung tumingin ba siya sa ibang lalaki at totoong humanga habang nasa labas sila ni Kurt noon. Or was she focused solely on him? Dahil nakatanim sa isipan niya na wala ng ibang lalaki para sa kanya? Kurt was the one. Mabilis niyang naubos ang kanyang inumin. Akmang bibigyan uli siya ng bartender ng panibagong round ng margarita ngunit maagap siyang tumanggi. Humingi siya ng isang shot ng tequila sa halip. Nakakadalawang shot na siya nang maramdaman niyang may naupo sa katabing stool. Hindi na sana pag-aaksayahan ng panahon ni Johanna ang katabi ngunit tila may puwersang pumilit sa kanya. Nakatingin at nakangiti na sa kanya ang lalaki. Ikinurap-kurap niya ang mga mata upang siguruhin na totoo ang kanyang nakikita at hindi lang siya lasing. “Hey, Jilted Bride. It’s nice seein’ you again.” Napangiti siya. “Gorg!” masaya niyang bulalas. Sa kanyang palagay ay naapektuhan na siya ng mga alak na nakonsumo. Nagsalubong ang mga kilay ng lalaking nakilala niya sa bar noong isang gabi. Hindi pa rin nagshe-shave ang lalaki, ngunit hindi nabawasan ang kakisigan nito bagkus ay lalo pa iyong tumingkad. He looked better than the last time she saw him. “Gorg? I think you’ve confused me with someone else. Sa pagkakaalala ko, hindi ko binanggit ang pangalan ko sa `yo,” ang sabi ng lalaki. “Gorg as in gorgeous, man,” nakangiting pagpapaliwanag ni Johanna. May epekto na talaga ang alak sa kanyang sistema. Mas madulas na ang kanyang dila. “Ahhh! Not bad. Not bad at all. Very apt, sweetheart.” Humingi ng maiinom ang lalaki sa bartender bago itinuon sa kanya ang buong pansin nito. “Ano ang ginagawa mo rito?” “Stalking you?” pagbibiro niya. “What are the odds?” Ang huling pangungusap ay para sa kanyang sarili. Halos hindi napagkit ang mukha ng lalaking ito sa kanyang isipan pagkatapos nilang magkakilala. Napapangiti siya tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang maganda nitong ngiti. Ngunit kaagad din niyang sinupil ang kakaibang nadarama. Sinabi niya sa sarili na hindi na muling magsasalubong ang kanilang mga landas. Ayaw muna niyang magkaroon ng kaugnayan sa isang lalaki na nasisigurong hindi niya magiging kaibigan. Hindi pa siya handang isipin man lang ang posibilidad ng romantikong relasyon. “Yeah, what are the odds?” anito habang hindi siya nilulubayan ng tingin. Ilang sandali na pinagmasdan ni Johanna ang mukha ng lalaki. Fate. Destiny. She believed in those. Kung siya pa rin marahil ang dating Johanna at hindi ang Johanna na iniwan sa altar, iisipin niyang tadhana ang naglapit sa kanilang dalawa. Hindi niya pinuntahan ang dance club na nakita niya sa Internet. Nagbago ang kanyang isipan pagsakay niya sa taxi. Bumaba siya sa unang dance club na nadaanan ng kanyang taxi. Kung hindi niya iniba ang kanyang plano, magkikita pa rin ba sila ng lalaking ito? Napailing si Johanna. Isang malaking coincidence lang ang lahat. Walang kinalaman ang fate o destiny. Those were just for romantics. For fools. Nawala na ang romantikong Johanna nang matanggap niya ang katotohanan na hindi na magbabalik sa kanya si Kurt. “This is crazy,” she muttered. “True,” pagsang-ayon ng lalaki sa kanyang sinabi. Hindi niya maintindihan kung paano iyon umabot sa pandinig nito. Hinagod ng mga mata ng lalaki ang kanyang kabuuan. Kaagad kumislap ang paghanga sa mga mata nito. She saw hunger and longing in those eyes. He wanted her. Mas lumawak at mas tumamis ang ngiti sa mga labi ni Johanna. Pinagpingki nila ang mga baso nang ilapag ng bartender ang ikatlong shot niya ng tequila. “Wala kang kasama?” tanong niya matapos ilapag pataob ang walang laman na shot glass. Nagkibit ng balikat ang lalaki. “Ikaw. `Wanna dance?” Bumaba sa stool si Johanna at nagpatiuna na patungo sa dance floor bilang tugon. Namangha siya na hindi man lang siya gumiwang. Tuwid ang kanyang lakad. Tuwid din ang kanyang pag-iisip ngunit waring wala siyang gaanong kontrol sa kanyang katawan. Ramdam ni Johanna ang pagsunod sa kanya ng lalaki. Nararamdaman din niya ang init ng mga mata nito. Imbes na mailang ay mas nilagyan niya ng imbay ang bawat galaw ng kanyang balakang, ikinokondisyon na rin niya ang katawan sa gagawing pagsayaw. Pumihit siya pagdating sa crowded na dance floor. Nakangiti sa kanya ang lalaki. The music had an upbeat tempo. Itinaas ni Johanna ang mga kamay at sinimulan ang pag-indak. Her friends told her she could really dance. Natural ang kalambutan ng kanyang katawan. If Kurt wanted to ran if he was stiff or sore because he spent so much time in the OR, Johanna danced. Ilang sandali na hindi gumalaw ang lalaki sa kinatatayuan, pinagmasdan lang ang bawat galaw ng kanyang katawan. She liked how the hunger in those eyes intensified. Kapagkuwan ay mas nilapitan siya nito at nagsimula na ring sumayaw. Lumapad ang pagkakangiti sa mga labi ng lalaki nang makita ang bahagyang pamimilog ng kanyang mga mata. Hindi lang siya namangha, humanga rin. She felt like her heart even skipped a beat. The man could really dance. Natural din ang kalambutan ng katawan nito. Hindi trying hard o awkward kagaya ng karamihan sa mga lalaking naroon. Nakahuma rin si Johanna pagkalipas ng ilang sandali. Ibinalik niya ang masiglang ngiti sa mga labi at hindi nagpadaig sa dance floor. Their bodies didn’t touch. Hindi sigurado ni Johanna kung paano nila napagtagumpayan ang bagay na iyon sa siksikang dance floor ngunit nagawa nila. She teased him with her sexy moves. He teased her back with his sexier dance moves. Johanna was having so much fun. Hindi niya gaanong maipaliwanag. Basta iba ang pakiramdam niya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki. Wala na nga siyang pakialam kung nasaan sila. Wala na rin siyang pakialam kung ano ang mga maaaring mangyari mamaya. They danced until they had enough. Nagbalik sila sa bar at kumuha ng maiinom. Bottled water na lang ang hiningi ni Johanna dahil talagang nauuhaw siya. “That was fun,” nakangiting sabi niya nang makahuma na kahit paano. “Yeah. `You ready to tell me your name?” Hindi namimilit ang lalaki. Kaswal lang ang pagkakasabi nito, walang pressure. Tila hindi nito alintana kahit na hindi nila malaman ang pangalan ng isa’t isa. Ilang sandali munang nag-isip si Johanna bago sumagot. “Importante ba ang pangalan, Gorg?” Umiling ang lalaki. “I guess not. Gorg will do. I like it.” Nang makapagpahinga ay muli silang nagbalik sa dance floor. Lahat ng enerhiya ni Johanna sa katawan ay inilaan niya sa pagsayaw. Gorg didn’t touch her, ngunit sapat na ang mainit na hagod ng mga mata nito sa kanya upang pag-initin ang kanyang katawan. She felt like he was already making love to her. Johanna laughed heartily. She let herself be free. She could do all she wanted to do. She was free
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD