“JOHANNA, makinig ka sa akin. Stay away from Garrett. He’s not good for you.” Hindi nabura ang ngiti ni Johanna sa sinabi ni Sybilla. Bakas ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan ngunit sa kanyang opinyon ay wala namang dapat ipag-alala. Masyado lang nag-iisip ang matalik na kaibigan. Nasa grocery store na malapit sa condominium building sila nang araw na iyon. Dahil madalas na makikain si Garrett sa unit niya, mabilis maubos ang kanyang stock. Hindi sana maggo-grocery si Sybilla ngunit natiyempuhan ng kaibigan ang pag-alis niya kaya napagpasyahan nitong sumama na rin sa pamimili. Pareho silang may tulak-tulak na cart. Hindi niya sigurado kung paano napunta kay Garrett ang usapan nilang magkaibigan. “I’m not staying away from Garrett,” sabi ni Johanna matapos umabot ng malaki

