16

2241 Words

“YOU’RE a good cook, woman.” Kaagad nabali ni Johanna ang pangako sa sarili na hindi na pagsisilbihan ang sinumang lalaki. Hindi naman niya pinagsilbihan si Garrett, iyon ang sabi ng isang bahagi ng kanyang isipan. Isinama lang niya ito sa luto. He even helped. Ayaw umalis ni Garrett sa unit niya at sa totoo lang, ayaw din naman niyang itaboy ang binata. Hindi niya maikakaila ang katotohanan na gusto niya itong kasama. Halos alas-dos na nang magutom sila. Magiging bastos naman siya kung magluluto siya at hindi niya isasama sa luto si Garrett. Simpleng carbonara na maraming bacon at cheese ang kanyang iniluto, ngunit waring nananaba ang kanyang puso sa mga papuri ni Garrett at sa magana nitong pagkain. Napagpasyahan ni Johanna na huwag nang gaanong palakihin ang isang napakamunting issu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD