DAY OFF ni Johanna sa araw na iyon. Plano niyang gugulin ang buong maghapon sa couch. Nakahanda na ang kanyang laptop at sandakmakmak na junk food. Na-download na niya ang mga pelikulang nais niyang panoorin. Pinaplano niyang manood lang ng pelikula sa buong maghapon. She had been actually excited to do that. Maaga siyang nagising upang magligpit at maglinis ng bahay. Wala namang gaanong liligpitin at lilinisin dahil masinop naman siya. Excited siyang nag-dive sa sofa. Aabutin na sana niya ang kanyang laptop nang marinig ang door chime na sinundan ng mga pagkatok. Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi maaaring si Sybilla ang nasa labas ng pintuan dahil ang alam niya ay may naka-schedule na operasyon ang kaibigan sa mga oras na iyon. Sumilip muna siya sa peephole. Natutop niya ang bibig u

