13

1273 Words

MAG-ISA na kumakain si Johanna sa cafeteria nang samahan siya ni Garrett. May bitbit na tray ang lalaki. Hindi na siya nito tinanong kung maaari itong makisalo sa kanyang mesa, kaswal nitong inilapag ang tray at naupo sa kanyang tapat. Nginitian siya nito bago nagsimulang kumain. Gumanti ng tipid na ngiti si Johanna bago ipinagpatuloy ang kaswal na pagkain. Ilang sandali silang tahimik na kumain. Kapagkuwan ay hindi rin nakatiis si Garrett at binasag ang katahimikan. “Malakas kang kumain, ha.” Sa ibang panahon marahil, ikaiinis ni Johanna ang komentong ganoon. Sino ba namang babae ang nais mapuna sa lakas nitong kumain? Ngunit napangiti siya sa halip. “Pinagod mo `ko, eh. Kailangan kong bawiin ang lakas ko,” ang tugon niya sa magaang tinig. Mas lumawak at tumamis ang ngiti ni Garrett.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD