PAKANTA-KANTA si Johanna habang palabas na ng unit. Iyon ang unang umaga na gumising siya na solo na ang unit ni Sybilla. Kagabi ay ganap nang lumipat ang matalik na kaibigan sa penthouse. Pagbukas niya ng pinto ay napasinghap siya sa bumungad sa kanya. Kaagad naman siyang nginitian ng guwapong lalaki na prenteng nakasandal sa hamba ng nakabukas na pintuan ng kabilang unit. “Hi,” ang nakangiting bati ni Garrett sa kanya. Ilang sandali na hindi malaman ni Johanna ang gagawin. Nakatitig lang siya sa makisig na lalaki na animo handa nang makunan ng mga camera para sa pabalat ng GQ. Napakagandang tanawin para sa pagsisimula ng magandang araw. Hindi napigilan ni Johanna ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi dahil sa kanyang mga naisip. Tuluyan na siyang lumabas ng unit. Hindi niya ginant

