KAPAPASOK lang ni Johanna sa unit niya nang tumunog ang kanyang cell phone. Habang inila-lock ang pinto ay inilabas niya ang cell phone mula sa bag. Isang unknown number ang nakarehistro sa screen ng aparato. Sinagot pa rin niya ang tawag. “J-Johanna?” Natigil siya sa paglalakad patungo sa silid. Sunod-sunod ang naging paglunok niya nang marinig ang pamilyar na tinig ng lalaki. Kaagad nanikip ang kanyang dibdib. Ibinagsak niya ang bag sa sahig at pilit siyang humugot ng malalim na hininga. Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. Masyado lang matagal mula nang huli niyang marinig ang tinig ni Kurt. Nasorpresa lamang siya. “K-Kurt,” aniya nang bahagya siyang makahuma. “H-how...” Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. “H-how... How did you get this number?” “I got it from Elice. She didn’t

