NAKAILANG balik-balik na si Danica sa gym at coffee shop ni James pero hindi niya ito maabutan at kung kailan naabutan niya ito ay busy pala sa kandungan ng iba kung kaya hindi na siya nakapagtimpi at binuhos niya ang kanyang lakas sa malanding babaeng kasama nito. "Mandy?" gulat na gulat niyang tanong at ganoon din si Mandy. Gulat na gulat ito nang makilala siya. Mabilis na nilapitan niya si Mandy at binigyan ng mag-asawang sampal. "Malandi ka talagang hayop ka! Pati si James hindi mo pinatawad. Alam na ba ni kuya ang ginagawa mong malandi ka?" sigaw niya habang dinuduro ito. "Tama na!" sigaw sa kanya ni Mandy. "Anong tama na? Hayop ka! Malandi ka!" duro niya pa. "Alam mo ba kung sino si James? Kapatid siya ni Joebbie. Kapatid siya ng babaeng niloko ninyo ni Kuya!" sigaw niya upang

