SUOT ANG BESTIDANG puti ay excited si Mandy sa araw ng kanilang kasal ni James. Maaga siyang pumunta sa lugar kung saan silang dalawa ikakasal. Nagtaxi lamang siya patungo sa lugar dahil ayaw ni James na magkita silang dalawa sa araw ng kanilang kasal. Sa isang venue idadaos ang kanilang kasal at doon na rin pupunta ang judge na magkakasal sa kanilang dalawa. Napakunot noo pa siya nang dumating siya sa venue. Wala kasi siyang nakitang tao sa loob. Tanaw niya naman iyon dahil salamin ang pintuan. Bumaba siya ng taxi pagkatapos niyang magbayad. Sosyal naman ang naturang venue. Lumapit siya sa guard na nandoon. “Kayo po ba si Maam Mandy?” tanong sa kanya ng guard. Hindi pa naman siya nagsasalita ay inunahan siya nito. Tumango siya bilang tugon. “Pasok na po kayo, maam,” wika pa nito sa ka

