SA HALIP na pumasok ay nagtungo na lamang si Charlie sa NBI upang humingi ng tulong na mabura ang s*x video nila ni Mandy. Hindi niya naman gusto na mawalan ng trabaho. Aminado siyang kailangan niya pa rin ang Barcelona. Hindi niya pa kayang maging independent dahil lahat ng kanyang kliyente ay parte ng kumpanya. Kaya nga kanina kahit na gustong-gusto niya nang makipagsuntukan sa Wayne na yun ay hindi niya magawa. Akala yata nito ay natatakot siya dahil boss niya ito. Kung umarte ay tinalo pa ang asawa. Gabi na siya nang makabalik ng bahay. May mga gagawin pa siyang plano at ilang designs kung kaya nagmamadali na siya. Ayaw niya naman na muling masabon ng kanyang boss dahil lamang sa late na naman siya sa deadline. “Kumain ka na muna,” yaya sa kanya ng ina pagdating niya. “Mamaya na po

