GANUN na lamang ang kabog ng dibdib ni Mandy dahil sa condom na nakita ni Charlie sa kanyang bag. Akala niya ay hindi niya na malulusutan pa ang nalaman nito. Isa pa hindi naman siya nababaliw para lagyan niya ng condom ang kanyang bag. At gamit na condom pa----what the heck! Imposible rin na si James ang may gawa. Isa lang ang naisip niya. Walang iba kundi si Joebbie. Gusto talaga nitong masira ang kanyang buhay. Inabot niya ang kanyang cellphone at tinawagan si James pero panay ring lamang mg cellphone nito, kahit sa kanyang mga text ay hindi rin ito sumasagot. Sukdulan hanggang langit ang galit niya kay Joebbie. Ito ang may kasalanan sa lahat----kung bakit nasira ang plano niyang ikasal kay James. Sa inis niya ay ibinato niya ang kanyang cellphone. Nasa banyo si Charlie ng mga oras n

