"ALONE?" tanong ni Joebbie kay Anton. Napansin niya ang pagkabigla nito nang makita siya. Nasa Villa Barcelona Resort sila at kasama niya ang mga bata dahil company outing iyon. Pwede naman isama ang pamilya dahil sagot ng kumpanya ang lahat ng expenses. "Huwag ka ng mahiyang lumapit kay Charlie dahil alam ko naman ang totoo." "Maam?" Nasa cottage ito samantalang ang mga kasamahan nito ay abala sa paglangoy at pagsakay sa jet ski na pag-aari din ni Wayne. Ito lang yata at si Charlie ang walang dalang pamilya. Hindi niya ito tiningnan at nanatiling nakatingin lamang siya sa malawak na dagat na kulay asul. "Hindi habang buhay tanga ako, Anton. Bumalik talaga ako dahil sa inyo ni Charlie. Hindi ka na naawa sa akin. Niloko na nga nila ako ay ginatungan mo pa. Pinaikot mo ako Anton," pu

