ILANG ARAW nang napapansin ni June na may lalaking palihim na sumusunod sa kanya kung kaya kinabahan na siya. Nang isang linggo lang ay nagtatago siya dahil may lalaki rin na bigla na lamang humarang sa kanyang dinadaanan, mabuti na lamang at mabilis siyang nakatakbo at nakapagtago. Nagsimula lang naman ang lahat nang mapanood niya sa TV ang babaeng dapat ay napatay niya. Walang iba kundi ang asawa ng kanyang second cousin na si Charlie. Nang una ay ayaw niyang sundin ang gusto ng mga ito dahil hindi naman siya killer kaya nga siguro hindi niya napatay si Joebbie. Kung hindi lang talaga siya tinakot ni Charlie na paaalisin silang pamilya sa lupa ng mga ito sa Batangas ay hindi siya susunod sa gusto ng mga ito. Mahirap lang siya at hindi niya alam kung saan niya ililipat ang kanyang pamilya

