"DAMN!" sigaw ni Danica. Tatlong araw nang hindi sinasagot ni James ang kanyang tawag na labis niyang ikinainis. Hindi niya na nga mabilang kung ilang beses niya itong tinawagan at itinxt pero wala siyang sagot na natatanggap mula rito. Pinuntahan niya ito sa bahay ng mga ito pero hindi man siya kinausap ng ina nito. Maging sa gym at coffee shop ay pinuntahan niya rin ito pero kahit anino ng lalaki ay hindi niya miya makita-kita. "Kumain ka na!" singhal sa kanya ng ina. "Itigil mo na yang kagagahan mo sa lalaking yan. Kapag ayaw magpakita ibig sabihin ay ayaw na sayo." Napaangat na lamang ang kanyang kilay dahil sa sinabi ng ina. Ano pa nga ba ang inaasahan niya rito. Wala itong pag-aalala sa kanya kahit pa mabaliw siya dahil hindi naman nito gusto si James. Hindi nito alam kung ano ang

