Chapter 8: Surprise

1615 Words
Chapter 8: Surprise TAHIMIK kami ni Ethan sa biyahe. Wala naman akong planong kausapin ito. Mahigit dalawang oras rin ang patungo sa mansion ni Lolo Miggy sa Cavite, at kalahating oras pa lang kami ni Ethan na nasa biyahe, pero parang gusto ko na lang bumaba ng sasakyan at magcommute na lang. "Alam mo ba kung sino ang bisita ni Lolo?" mayamaya basag nito sa katahimikan sa pagitan namin? "Hindi, walang sinabi si Mr. Larry," walang ganang sagot ko. "Ayena, at least pretend na masaya pa rin tayo. Magiging malaya tayo pareho pagkatapos nang annulment. Hindi ba dapat mong ikatuwa 'yon?" suhestiyon pa nitong gusto kong ikatawa. "Oo tama, dapat kong ikasaya ang annulment," sa halip ay pabalang kong sagot. Ito lang naman ang magiging masaya sa annulment. Ako maiiwang durog at sugatan. Bumuntong-hininga ito. Muling nanahimik si Ethan. Subalit ilang minuto lang ay nagsalita ito. "Kanina, bakit ka nagsusuka?" saglit akong nagulat, buti na lang sa labas ako nakatingin. "Ano?" "May sakit ka ba?" "Hindi ako nagsuka, nagto-toothbrush lang ako kanina," gusto kong palakpakan ang sarili ko dala nang husay ko sa pag-arte. Hindi man lang kasi ako pumiyok habang nagsasalita. "Okay," sagot nito. At iyon na ang huling salitang narinig ko kay Ethan hanggang makarating kami sa mansion ni Lolo Miggy. Kaagad kaming sinalubong ng apat na maid para bumati. May apat na house cleaner, isang tagaluto, at dalawang hardinero si Lolo Miggy. Maliban doon may mga security rin ang mansion. Dahil mula nang mas lumaki ang DC ay maraming matataas na tao, tulad ng mga politiko ang lumalapit kay Lolo Miggy para sa suporta. Lalo na kung malapit na ang eleksyon. Pero iilan lang ang sinuportahan ni lolo noon, sa pagkakatanda ko. "Si lolo?" ani ni Ethan sa mga kasambahay. "Nasa living room sir, kasama ng bisita," imporma naman ni Aling Diday ang pinakamatandang kasambahay. Ito ang nagsisilbing mayordoma nang mansion. "Kumusta, hija?" matamis ang ngiting bati nito sa akin. Kaagad ko ring ginantihan nang ngiti ang ginang. Mabait sa akin si Aling Diday, ito ang nagturo sa akin nang maraming bagay. Sa tulong nito at ng cook sa mansion, naging hilig ko ang pagluluto. Pero hindi ko naramdamang naapreciate ni Ethan ang luto ko. "TARA SA LOOB," yakag ko kay Ayena. "hold me," mahinang utos ko dito saka inilapit ang braso ko dito. Subalit kibit-balikat na nilampasan lang ako nito. Pero dahil nakatingin ang mga kasambahay kaya nagtimpi na lang ako. "Lolo," nakangiting agaw pansin ni Ayena,sa matandan. Napatayo naman si Lolo Miggy, at excited na nilapitan ang asawa ko. Sa edad nitong 75, malakas pa rin si lolo. Dahil mahilig itong mag-walking araw-araw. At mahilig sa mga herbal kaysa sa mga gamot. "Ayen, apo ko..." masiglang bati ni lolo na kaagad namang niyakap ni Ayena. "Kumusta po, lo?" ganting bati nito. Subalit natigilan si Ayena nang tumayo ang isang babaeng nagpakaba nang dibdib ko. Matamis ang ngiting sumilay sa labi ni Darcy. "Siya nga pala, mga apo. S'ya si Miss Darcy Jane Astor. Isa siyang mahusay na artist," excited na pakilala ni lolo sa amin kay Darcy. "Anak siya ni Senador Astor," dagdag pa nito. Saka kami ipinakilala sa dalaga. "Paano ho kayo nagkakilala?" di ko mapigilang usisa. "Alam mong mahilig ako sa mga painting, ipinakilala siya sa akin nang isang importanting tao," proud na saad ni lolo. Pero sa kung anong dahilan, bigla akong kinabahan. "Handa na ho ang tanghalian," imporma ni Aling Diday kaya't niyakag na kami ni lolo sa dining area. Inakbayan pa nito si Ayena at panay ang kuwento. "Bakit ka nandito?" mahinang sita ko kay Darcy na sinabayan ko sa paglalakad. "Inireccommend daw ako sa kanya nang isang taong kilala niya. Siempre pumayag agad ako. Magandang sign 'to diba?" nakangiting saad ni Darcy. "Malay natin magustuhan ako nang lolo mo," mahinang dagdag pa nitong bakas ang kasiyahan sa mukha. Kilala ko si Lolo Miggy, hindi siya basta-basta mag-iimbita nang isang taong hindi niya ganun kakilala kung walang mahalagang okasyon. And knowing na nandito si Darcy para sa isang lunch meeting at isinama pa kami ni Ayena. Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi gawain ni Lolo Miggy ang ganun. Walang alam si Ayena tungkol kay Darcy kaya imposibling ito ang nagsabi kay lolo. "Maupo ka na Miss Astor." "Ah, lolo, I mean, Sir. Darcy na lang ho." "Naku hindi... mahirap maging close sa anak ng politiko," nakangiting tangi ni Lolo Miggy na ipinagtaka ko. "Kaya gusto kong maging pormal ang pagtrato natin sa isa't isa. Dahil iniidolo ko talaga ang mga artist na tulad mo," dagdag pa ni lolo na masayang tumawa. "Kung 'yon ho ang gusto n'yo, Sir." sagot nitong halatang napahiya. Kaagad na kumilos ang maid para ipaghila nang upuan si Darcy. Nakapuwesto ito paharap sa amin ni Ayena. Ipinaghila ko rin si Ayena nang upuan dahil baka masita na naman ako ni lolo. "Mabuti na lang at hindi ka abala, Miss Astor. Kaya pumayag ka kaagad sa paanyaya ko kahit biglaan," simula ni Lolo. "Kumain kang mabuti, napakapayat mo." "Lolo," saway ni Ayena dito. "Slim po ang tawag sa katawan ni Miss Astor. Pangit hong sabihing payat." "Ganun ba," malakas na tumawa si lolo, "pasensya na, Miss Astor. Sana hindi ka na-offend." "Ayos lang ho, madalas rin akong tawaging payat ni Dad." "Ganyan ba ang katawan ang gusto ng boyfriend mo? Mga lalaki talaga ngayon," naiiling na pumalatak si Lolo. "gusto lang nila mga sexy at magaganda, nakakalimutan nilang tumingin sa kalooban nang isang babae. Kaya dapat ang hanapin mong lalaki eh 'yong kaya kang tangapin. Tingnan mo itong mag-asawa na 'to. Hindi ba napakaganda nilang tingnan. Ewan ko nga lang at hindi na masyadong nag-aayos itong apo kong si Ayen." baling nito kay Ayena. "Tantan, alagaan mo ang asawa mo. Nakakamiss iyong mga pink princess dress niya." "Lolo, hindi na po ata bagay sa akin na maging princess," sagot ni Ayena na binalingan si Darcy saka ngumiti. "Hindi na talaga, apo. Kasi may asawa ka na. Kaya sana, munting prince and princess na ang mayro'n dito sa bahay sa susunod," ani ni lolo na muntik ko nang ikasamid. "Ah, Sir. Ano ho pala iyong painting na ipapagawa n'yo?" pag-iiba ni Darcy nang paksa. "Isang wedding picture sana, pero habang wala pa," sumenyas ito sa katulong na kaagad namang lumapit. Dala ang picture frame namin ni Ayena. Kaya't hindi nakaligtas sa mata ko ang pamumula nang mukha ni Darcy. "Ito," ani nito saka ipinakita ang pre-nup photo namin ni Ayena. Kahit biglaan ang civil wedding namin noon. Siniguro ni lolo na may mga pre-nup photo kami ni Ayena. "Alam mo kasi Miss Astor, dapat church wedding na silang dalawa, pero itong apo ko. Sobrang busy, kaya ito muna ang ipapagawa ko, gusto ko iyong malaki para sa bahay nila." "Lolo, hindi na kailangan 'yan," saway ko kay dito. "Anong hindi..." ani nitong ipinaharap pa kay Darcy ang frame. "Ang ganda nila, hindi ba?" "O..oho," sagot no Darcy na alanganin ang ngiti. "Mukhang maganda po ang naiisip mo, lolo." sabat ni Ayena na nakatingin kay Darcy. "Miss Astor, sa tingin mo maganda ba? Or ibang photo na lang?" "Ah.. mas okay kung wedding portrait," nagawa pa rin nitong sumagot sa kabila nang alanganing ngiti sa labi nito. Kita ko pagkapahiya sa mukha ni Darcy. Pero ang ikinaasar ko ay kung bakit sumang-ayon pa si Ayena kay Lolo Miggy. "Mukhang tamang tama sa may grand stairway ang malaking wedding portrait, diba, lolo? Para pagpasok nang bisita sa bahay alam nila agad kung sinong legal wife, 'di po ba?" napabaling ako kay Ayena dahil doon. "Hindi ba honey?" nakangiting baling rin nito sa akin. Dahilan upang mapahigpit ang hawak ko sa kubyertos. It was as if she's trying to imitate Darcy's way of calling me honey. "Iyan talaga ang naisip ko, mga apo. Miss Astor. alam mo kasi hindi sa pagmamayabang pero itong apo ko nagmana talaga sa akin. Kaya hindi maiiwasang maraming babae ang umaaligid sa kanya," turan ni lolo na malakas na tumawa. "Pero sa huli, isang babae pa rin ang uuwian niya pagdating nang araw, tama ba Tantan?" "Lolo, hindi naman po ganun si Ethan, diba honey? Wala po siyang kabit." Pagtatangol sa akin ni Ayena na hinaplos pa ang balikat ko. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil pakiramdam ko tinutuya niya ako nang harap-harapan. Natawa naman si Lolo Miggy dahil sa ginawa nito. "Napakasuwerte mo talaga kay Ayen apo," muling binalingan nito si Darcy. "Miss Astor, alam kong medyo mahirap ang hiling ko. Pero kung matatapos mo ang painting bago ang aking 76th birthday, handa akong magbayad nang malaki. Magagawa mo ba? May ilang artist rin akong kausap, kaya kailangan ko nang sagot sa lalong madaling panahon sana." "Sir, kung malaking portrait painting ho, baka hindi ko makaya sa deadline na hiling n'yo, sabi n'yo nga in two months ang celebrations," sagot nitong ikinahinga ko nang maluwag. "Ganun ba?" lumungkot ang mukha ni Lolo Miggy. "Sayang, nagustuhan ko pa naman iyong mga painting mo sa gallery n'yo na ipinakita sa akin ng Dad mo noong nakaraan." "Gusto ko rin ho sana kaya lang..." "Ayos lang Miss Astor. May mga bagay lang talagang hindi umaayon sa gusto natin. Kahit paano natin ipilit, hindi ba?" ani ni lolo saka ibinalik na sa katulong ang larawan. "Yes, Sir." "Kaya salamat sa pagpapa-unlak. At para naman hindi masayang ang punta mo, gusto ko pa ring ipagawa ang painting ng mga apo ko..." "Lolo, hindi nga niya—" "Ano ka ba, apo. Ayos lang kung matagal matatapos. Gusto ko lang talaga ang mga painting nitong si Miss Astor," giit nito. "Para 'yan sa church wedding n'yo ni Ayen. At kailangan this year, gusto kong magpakasal na kayo agad," may diing utos nitong ikinatangis nang bagang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD